17: MU

1.7K 48 8
                                    

"What is the meaning of this?" Gulat naman ako ng makita kong present lahat. Nandito kami ngayon sa pulang bubuyog. Actually nakauwi na ako ng bahay nung tinext ako ni Olsen na may sasabihin daw sya at kelangan naming mag-usap ng personal. Emergency daw. Di naman ako nainform na may pameeting pala si mayor.

"Late ka na. Kanina pa kami dito." - Olsen

"Sorry naman ha! Galing pa kasi akong bahay. Naiwan ko yung cellphone ko e. Teka, anong ganap?" Sabay agaw ko ng fries na isusubo nya. Hahaha.

"Birthday ni Adrian next Wednesday kaso hindi pa makakauwi si ate, kaya ayun, ako ang nautusan nina mama na magprepare para sa party nya."

"Oh e anong problema?" Tanong ko.

"He doesn't know what to do." - Benjo

"Walang kaide-ideya ang lolo mo." - Jai

"Guys, not helping! Tignan nyo, stressed na stressed na ang baby natin. Malapit ng mapuno ng wrinkles ang mukha nya. Look!" Sigaw ni Alvin. Gah! Ang ingay talaga nitong unggoy na to.

"Ako Alvin tigil-tigilan mo ha. Makakatikim ka na." Banta ni Olsen.

"Seriously? Yun lang ang problema mo? Sus, akala ko naman kung ano na. Abot mo nga yang notebook and pen na yan. Ganto kasi." And nagsimula na kaming magwasakan ng utak.

***

Inabot kami ng 2 oras kakaisip ng mga pakulo sa birthday party. Pano ba naman kasi nagtandem pa tong si Alvin at Lorax na mantrip. Ang gugulo! Si Olsen kulang nalang palayasin silang dalawa sa mga kalokohan na sinasuggest nila like pakain ng pulvoron (which is very dangerous sa mga bata kasi baka mabilaukan, like duh?). They even suggested Amazing Race and Biggest Loser (both kids edition daw). Sabay pancake mix and powdered juice daw ang ilagay sa mga loot bags para matipid. Mga baliw talaga.

"Bye guys! See you tomorrow! Muah!" - Jai and Lorax

"Uwi na rin ako. May exam pa ko bukas. Adios!" - Luigi

"Ikaw naman unggoy sasamahan mo ko sa bookstore. Tara, bili tayo ng pang project ko." - Benjo sabay hila nya kay Alvin.

"Ano ka elementary? Project project ka pa uy! Bitiwan mo koooooo!"

"No no no. Sasama ka sakin sa ayaw at sa gusto mo. Babay na sa inyong dalawa!" At tuluyan nya ng kinaladkad si Alvin. Kawawang bata.

"O sya uuwi na rin ako. Salamat sa libre! See you when I see you." Sumaludo ako kay Olsen

"Hatid na kita."

"Nah, ok lang. Umuwi ka na at gabi na. Hinihintay ka na ng mga pamangkin mo."

"Nasa bahay na si mama kaya ok lang na hindi muna ako umuwi. Hatid na kita. Saka ang tagal ko ng hindi nakikita si Axis." Pilit nya. Ang tagal? E nung nakaraang araw lang bumisita to sa bahay e. May dala pa ngang mashed potato. Paborito kasi yun ni Axis

"Matagal? Kagagaling mo lang samin nakaraang araw eh. Ang sabihin mo gusto mo lang akong makasama! Yiiii!" Biro ko 😂

"Ewan ko sayo. Tara, uwi na tayo." Sabay hila nya ng kamay ko.


***


"Axis! Dito na si Mimi!"

"Mimiiiii!" Sigaw nya habang tumatakbo papalapit sakin. Kanino bang anak to? Kagwapo!

"Pag ikaw nadapa kakatakbo mo." Kiniss ko sa leeg. Aruy, amoy pawis. "Bat di ka pa naliligo? Gabi na amoy araw ka pa din." Kiniliti ko sa kilikili kaya halos maiyak kakatawa. Hay, alis lahat ng pagod ko sa batang to.

"Javi! Javi!"

"Andito na si Javi?" Tumango nga. Nakatodo ngiti pa. Si Javi e si kuya Jake, di ko alam san kinuha ni Axis ang "Javi".

"Kuya!!! Asan ka na? Magpakita ka sakin!" Kinarga ko si Axis at tumakbo kami papuntang kusina. For sure andun si kuya, lumalamon.

"O Aryll, anjan ka na pala. Kasama mo si Olsen?" Tanong ni kuya. Walang hi or hello? Si Olsen agad ang hinanap?

"Wala man lang hi kapatid or ang ganda mo Aryll, si Olsen agad ang hinanap?" Reklamo ko

"Arte neto. Di nga, kasama mo si Olsen? Sabi nya magkikita daw kami ngayon e."

"Umuwi na. Hinatid lang nya ako sa may kanto tapos pinauwi ko na rin."

"Ganun."

"Yep. Ikaw nga kuya umamin ka sakin. May relasyon kayo ni Olsen no? Ano?"

"Sus. Selos ka naman? Wag kang mag-alala. Patay na patay sayo yung tao. Kunwari ka pang di mo alam. E diba MU kayo?"

WHAT???

Mom @ 17Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon