8: Olsen and company

2.7K 40 4
                                    

Dahil nagka-LBM ang kadate ko ngayon, mag-a-update na lang ako!

Hehe. Chos!

Happy Hearts Day po! :D

<3 <3 <3 <3 <3 <3 <3 <3 <3 <3

Nandito kami sa mall. First time kong napadpad dito simula nung umuwi ako ng Pinas. Bibili kasi kami ng mga gamit ni baby ko. Excited nga ako eh!


Anyway, hulaan nyo kung sino kasama ko.



Kung iniisip nyong si Olsen the great, tumpak!


Kanina kasama namin si Lola, kaso ayun nirayuma kaya umuwi. Si Nanay naman pumuntang orphanage. May nawawala daw kasing bata kaya ayun, pinapunta si Olsen para may kasama ako. Sabi ko nga ok lang ako kahit mag-isa kaso pinagalitan ako. Hindi ako pinagkatiwalaan na bantayan ang sarili ko tapos kay Olsen payag? Ang unfair talaga ng buhay!


Pumasok kami sa baby store, Cradle yung pangalan. Inentertain naman kami ng sales lady. Turo sya ng turo sa kung anu-ano. Ang ingay nga eh. Nairita ata si Olsen kaya pinaalis.


“Mean mo!”

 


“Eh ang ingay-ingay. Nakakabanas.” Sabi ko naman sa inyo bugnutin to.


“Pero kahit na. Dapat di mo ginanun.”

 


“Yeah yeah.” Ayan. Yan na naman sya sa ‘yeah yeah’ syndrome nya.


Naglakad-lakad kami. Ang daming mga cute na bagay kaya go lang ng go sa pamimili. Credit card naman to ni Lola eh. Hehe ^_^


Mawawala ba naman ang bangayan namin ni Olsen? Syempre hindi! Ang ingay-ingay nga namin. Pano ba naman kasi yung mga ilalagay ko sa cart, ibabalik nya rin. Kaabnormalan nya talaga.


Kagaya ngayon. Binalik nya na naman yung mittens na kinuha ko.


“Kanina ka pa ah! Bakit ba lahat nalang ng kinukuha ko binabalik mo? Kontrabida ka talaga sa buhay ko!”

Mom @ 17Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon