Miss ko na si Olsen kaya mag-a-update na ako!
(Sige, ako na matagal at tamad mag UD ¬_¬ )
I-fast forward natin.
Ngayon, mamaya, bukas, sa susunod na araw o di kaya sa mga susunod na araw eh pwede na akong manganak. Any time lalabas na daw si baby ko. Grabe, sobrang excited ako at the same time kinakabahan! This is it! This is really is it na talaga!
All set na, simula sa hospital na aanakan ko, yung doctor na magpapaanak sa akin, hanggang sa series of tests na iu-undertake ni baby ko. Actually si baby na nga lang ang kulang. Ayos na rin yung baby bag ko. Nakakatawa nga kasi away kami ng away ni kuya, kung anu-ano kasi yung mga pinanlalagay nya. Akalain mo ba naman punuin daw ba ng stuff toy yung bag tapos ang dahilan nya eh para daw hindi malungkot si baby, as if makikita nya yun kaagad diba.
Hindi na rin ako pinapayagang umalis na bahay. Baka kasi habang naglalakwatsa eh biglang mapaanak ako. Eh di dyahe yun!
Kaya eto, stuck ako sa bahay.
Mamaya nga pala dadating si Mama. Dapat nga last week pa yun kaso nagkaproblema sa office nya kaya ayun nadelay.
“Aryll akyat na! Ano pa bang ginagawa mo jan?” sigaw ni kuya. Andito kasi ako sa labas ng bahay namin.
“Maya na kuya! Kinakausap ko pa si Joshua. Minsan lang to.” sigaw ko rin pabalik.
Si Joshua yung batang kapitbahay namin. Dati hindi to nagsasalita eh, ngayon ko nga lang narinig kaya himala. Ang daldal pala nito. Kung anu-ano yung mga kinukwento. Adopted sya, yung umampon sa kanya eh both OFWs tapos yung mga step sisters naman nya eh lahat nagtatrabaho kaya wala masyadong nakakausap tong batang to, except sa tagabantay nya, kaya siguro bihira magsalita. Pano ba naman kasi yung dalawang aso nya lang yung lagi nyang kasama.
“Tita kelan labas si baby mo?” tanong nya. Tita tawag nya sa akin kasi may baby na daw ako. Konek?
“Siguro bukas, or sa susunod na araw. Hintay-hintayin mo nalang.” ^__^
“Galing-galing! May kalaro na ko!” tapos pumalakpak sya.
“Alam mo madaldal ka pala. Kelan ka pa natutong magsalita ha?! Ikaw!” sabay kurot ko ng pisngi nya. Nakakapang-gigil tong batang to! Hindi nya ko sinagot, nginitian lang ako.
“Tita ano paborito ni baby mo? Ako kasi patola.” tapos tumayo sabay takbo. “Tita jan ka lang, reregaluhan ko si baby mo ng patola ah para parehas kami.”
Natawa nalang ako sa kanya. Ang kulit! Nakakapanibago.
Maya-maya bumalik rin sya dala ang isang…okra?
“Teka, akala ko bibigyan mo ng patola si baby?”
“Opo, eto nga po.” Sabay abot nya ng okra sa akin. “Pakain mo agad sa kanya tita ah. Pramis magugustuhan nya yan. Marami kami tanim yan.” ^______________^
Natawa nalang ako ulit. Cute.
“Hindi patola tawag dito kundi okra. Pero salamat!”
“Eh? Sabi nanay sa akin patola daw yan. Pero tita bigay mo kay baby yan ah para malakas sya agad tapos habulan kami tapos papakilala ko sya kila Inky saka Scan.”
“Asan na nga pala yung dalawang yun?”
“Si Scan dinala ni nanay sa vet kasi may tinik sa paa, tapos si Inky naman binabantayan si Printer.”
BINABASA MO ANG
Mom @ 17
Teen FictionI just turned 17. and yes, I'm pregnant. What would happen next? Abangan. BWA HA HA *thunder rolls* MsFiddlerCrab©