Mabuhay Pilipinas!
Paglapag na paglapag ko palang sa NAIA, polusyan na agad ang bumungad sa akin. Wow ah, ang gandang pa-welcome naman nito.
Nakakainis. Ang bagal ko talaga maglakad. Mejo tumaba kasi ako tapos ang bigat pa ng mga dala ko! Si Mama kasi! Grrrrr!
Mayang 3pm may flight na naman ako. O sosyal diba. Kabababa ko lang ng eroplano lalarga na naman ako ulit. Mabenta beauty ko no?! haha :D
Siguro iniisip nyong artista ako, o business woman, o pulitiko, o kung ano pa man. Pwes, nagkakamali kayo. Isa lamang akong hamak na babaeng naninirahan noon sa Japan (pero Pilipino ako, sa Japan na kasi kami tumira for 5 years) at muling ipinatapon dito sa Pinas dahil...
I'm a MOM @ 17.
**********
Andito ako ngayon sa eroplano. 1 hour lang naman daw yung byahe papuntang Palawan. Yeah right, simula ngayon sa Palawan na ko titira kasama ng Lola ko. Mabait naman yun, mejo strikto nga lang. TT_TT
Kaya pala pinauwi ako ng mga magulang ko dito sa Pinas eh dahil nabuntis ako...
ng barkada ko.
Saklap no? Ok sana kung boyfriend ko yung nakabuntis sa akin kaso hindi eh.
By the way, wala pala akong boyfriend. LOL :D
Mantakin mo kaka-17 ko pa lang eh nagpabuntis na ako? Kung hindi ba naman isa't kalahating tanga eh no?
Raging teen hormones kasi! LOL :)
Wala eh, nangyari na. Eh di PANINDIGAN!
Later...
"Ma'am andito na po tayo. Gising na kayo."
Ano ba naman to si Mama, ang kulet. Kanina pa to gising ng gising.
"Ma maya na. 5 minutes lang. Alam mo namang pagod ako saka wala akong pasok..." sabi ko kahit antok na antok pa din ako. Teka, parang mali, hindi na nga pala ako nag-aaral. Pina-stop na ko eh.
"Ma'am baba na po. Nasa Palawan na po tayo."
Ay grabe talaga! Kainis lang ang kuleeet!!!
Minulat ko na yung mata ko at isang hindi pamilyar na babae ang nakita ko.
Tumingin-tingin ako sa paligid at alam kong wala ako sa bahay. Unti-unting gumana ang utak ko at naalala kong nasa eroplano pala ako.
BINABASA MO ANG
Mom @ 17
Teen FictionI just turned 17. and yes, I'm pregnant. What would happen next? Abangan. BWA HA HA *thunder rolls* MsFiddlerCrab©