Ok. Mukhang ayos na ang mga bagay-bagay. Bati na kami ni Lola, nakapag-adjust na din ako kahit papano, at lumalaki na ang tiyan ko! HA HA. Para akong nakalunok ng pakwan. 6 months na akong jontis at nag-gain na naman ako ng timbang. Papayat kaya ako pag nalabas ko na tong baby ko?
Di naman masyadong maselan tong pagbubuntis ko. Yung mga normal na nangyayari sa mga buntis eh nararanasan ko din naman. Yun nga lang parang may nadagdag kasi mejo lumalabo yung paningin ko kaya eto ako nakasalamin at mukhang nerd. Feeling matalino lang eh!
Nahiligan ko na ring magbasa kasi nga diba sabi nila yung mga ginagawa ng mga moms habang ipinagbubuntis nila eh maa-adopt daw ng mga babies nila pag labas. Wish ko lang sana maging matalino tong anak ko at wag syang matulad sa akin na betlogs :D
Ayun nga kakatapos kong lang basahin ang Twilight hanggang Breaking Dawn, pati na din yung official illustrated guide saka yung Short second life of Bree Tanner, isama mo na din yung Midnight Sun (na kahit partial draft pa lang naman, at di ko sure kung itutuloy ni SM) eh tri-nay kong basahin yung Wuthering Heights. Sa kasamaang palad first chapter palang eh mukhang aayawan ko na! Grabe, classic kung classic!
So napagdesisyunan ko na Fallen nalang yung babasahin ko. Yung kay Lauren Kate. Sabi kasi nung mga classmates ko dati eh maganda daw yun.
Absorb na absorb na ko sa pagbabasa, and I really love Cam! supeeeer! nang marinig kong may bumusina sa labas. Tiyak si Lola na yun. Exited na ko kasi ngayon ko na makikilala yung tutor ko. Sa wakas at magkakaroon na din ako ng kachikahan :D
Hindi naman na ako nag-abalang bumaba pa kasi aakyat din naman sila dito kaya anong pang sense ng pagbaba ko diba. Naghintay nalang ako sa balcony.
“Aryll?”
“Anjan na po.”
Pumasok na ako ng sala. Sakto namang si Lola eh pumasok sa kusina. Gutom na kaya sya? Hehe
Umupo nalang ako. Alangan tumayo nalang ako forever no! Bigat kaya ng tiyan ko.
Tinuloy ko naman ang pagbasa ko. Maya-maya eh may narinig akong mga yabag paakyat. Di ko naman pinansin kasi baka si Manong Rodgie lang yon.
“Uhm, excuse me?” Naks. English speaking na ngayon si Manong ah!
“Po manong?” sagot ko naman. Nakayuko pa rin ako at patuloy sa pagbabasa.
“Manong?” Eh? Bakit parang nagtaka si Manong Rodgie nang tawagin ko siyang manong? Saka bakit parang bumata yung boses nya?
Iniangat ko ang ulo ko at tumingin sa pintuan.
Ay mali! Di pala si manong. Teenager na lalaki at mukhang estudyante. Dala-dala nya din yung ibang gamit ni Lola. Malamang inutusan to ni Granny.
“Ay sorry po!” pahiya ako. “Pakilagay nalang po sa table yung gamit ni Lola.” Sabay turo ko naman sa table.
Yumuko ulit ako at ipinagpatuloy ang aking pagbabasa. Kahiya! Pogi pa naman ito kaso mukhang bata. Child abuse. Haha. Landi ^_^
Pinapakiramdaman ko nalang siya. Nakakahiya kasing tumingin. OK. Puro HIYA yung nasasabi ko ngayon. Anu beh!!!
Naramdaman kong umupo siya sa upuan (malamang!) pagkatapos nyang ilapag sa lamesa yung mga gamit ni Lola. Aba, feel at home!
Ilang minuto na din ang lumipas pero di pa rin sya umaalis. Teka, problema nito?
Dahil likas sa akin ang pagiging curious, hindi ko napigilan ang bibig ko.
“Uhm, may kailangan pa po ba kayo?”
Tinignan nya lang ako, yung parang nagtatanong, basta ganun, sabay lingon sa ibang direksyon. Waw ah, ang chaka! Sayang, pogi nga naman, yun nga lang mataray -_- Hmmm… masama ang pakiramdam ko dito.
Sakto namang pumasok si Lola na may dala-dalang juice saka cookies. Don’t tell me papakainin nya tong isnaberong to?
Hindi nga ako nagkamali at ibinigay nya kay isnabero.
“Aryll eto nga pala si Olsen.” - Lola
So? Pero di ko sinabi yun ha.
“Tutor mo.”
WTH???
“WHATTTTTTTTTTTTTTTTTTTTT????” o sabi ko naman sa inyo di ko mapigilan tong bibig ko at napasigaw ako sa sobrang gulat.
“What what?” tanong ni Lola with matching taas kilay pa yan.
“For real? Yan tutor ko?” pagkasabi ko nun eh tinignan ko si isnabero with a disgusting look. Yeah, I’m mean.
“Aryll!” saway sa akin ni Lola
Hindi naman sa pang-aano ah, pero parang hindi sya karapat-dapat na maging tutor. As in seryoso? Eh mukhang ako pa yung magtu-tutor dito eh. Matangkad nga siya pero halata namang mas matanda pa ako dito. Idagdag mo pa na mukhang tambay lang to at hindi mo masasabing estudyante to kung hindi dahil sa uniform na suot nya.
Ok, para ma-picture out nyo ang hitsura nya, ganito: matangkad, may kaputian, mejo singkit, messy ang buhok na akala mo eh bagong gising pero bagay naman (so kelangan talaga may ganon?!), naka-white ng polo tapos black na shirt panloob, jeans, white sneakers plus naka-smirk sa harap ko ngayon pero bagay ulet. Add the fact na isnabero sya! See? Mukha bang tutor to?
“La naman, anong hangin ang pumasok sa isipan mo at kumuha ka ng ganitong tutor?” pabulong kong tanong kay lola.
“Ano namang problema sa kanya ha?”
Hay naku La, tinatanong pa ba yan?
Hinila ko naman sya papunta sa balcony sabay explain ng bonggang-bongga.
Matapos ang mahaba-habang paliwanagan, ayun, wala. Olats ako. :(
Pumasok na ulit sya at sinabing kakainin na daw kami. Ako naman eh nawalan na ng gana kaya di na ako pumasok. Bahala!
Dahil nga naiinis ako, tinapon ko yung book na kanina ko pa hawak-hawak at padabog na pumasok ng kwarto.
***
Di ko namalayang nakatulog pala ako. Nagising nalang ako nung kumatok si Lola at sinabing babalik na daw siya sa school.
Dahil nga di ako kumain kanina, brat ako eh, maya-maya lang eh nakaramdam na ako ng gutom. Siguro naman eh wala na yung TUTOR ko at sumama na kay Lola. Hmph!
Lumabas na ko ng kwarto. Sa kasamaang palad, tumambad sa harap ko ang isang komportableng nakaupong lalaki. WAW. Ikaw na!
Hindi ko nalang siya pinansin at dumiretso na ko ng kain. Nakaka-BV.
After 28 000 years, natapos na din akong kumain. Papasok na sana ako ulit ng kwarto…
“Psst. Miss!”
Di ko sya pinansin. Tuloy-tuloy pa din ako.
“Oy Miss na malaking tiyan! Huy!”
Abay bastos naman pala etong lalaking to eh!
Linapitan ko sya. I bet singkit na mata ko.
“Problema mo kung malaki ang tiyan ko? Eh sa malamang buntis ako! Bakit, nakakita ka na ba ng buntis na hindi malaki ang tiyan?!” Ano? Ano?
Ngumiti lang ang loko, este smirk pala. “Wala naman akong problema sa tiyan mo. Itatanong ko lang sana kung kelan tayo magsisimula.”
“Simula? Simula your face! Mabuti pang umuwi ka na sa inyo. Di na ako magpapa-tutor.”
Ngumiti na naman siya. Aba talaga naman!
“Sorry miss pero hindi pwede. Sabi kasi ni Maam eh wag na wag daw akong aalis dito hanggat di tayo magsisimula.”
Naku naman!
At hayun, nagdiskusyon kaming dalawa. Grabe, nakakapagod at nakakakunsumi palang makipagtalo sa pilosopo. Nakakadrain ng energy!
In the end, talo na naman ako. Strike two!
BINABASA MO ANG
Mom @ 17
Teen FictionI just turned 17. and yes, I'm pregnant. What would happen next? Abangan. BWA HA HA *thunder rolls* MsFiddlerCrab©