Makalipas ang maaksyon at madramang eksena sa CR kanina eh nandito na kaming lahat sa loob ng sasakyan. Kay Luigi tong car since rich kid naman sya eh. May sarili ngang resort diba.
“Bat ang tahimik? Magsalita nga kayo! Hindi ko kaya ang ganto! Kelangan nyong mag-ingay! Waaaaaaaahhhhhhhhhh!” sigaw ni Alvin.
“Waaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh!” sigaw din ni Jai
“Bat ka sumigaw?” – Lorax
“Eh kasi sumigaw si Alvin eh.” Binatukan naman sya ni Lorax. Hala
“Oy, bakit mo ko binatukan? Ikaw!” at ayun, hinampas nya ng bag si Lorax. Sapul sa mukha.
Nakisali naman sa gulo yung tatlo. Si Alvin binabatukan si Lorax. Si Lorax nakapingot kay Alvin. Yung isang kamay nya nakasangga para hindi sya mahampas ni Jai. Si Jai naman pinaghahampas si Lorax. Si Luigi nakahawak sa ilong ni Alvin at pinipigilan itong huminga. Si Benjo naman pinagkukurot yung tagiliran ni Alvin. All in all, si Alvin ang kawawa.
Dumanak ang dugo sa sasakyan ni Luigi. Natagpuang patay at nakahandusay sa sahig si Alvin. Haha :D
Parang mga bulate na naasinan yung lima. Ako naman tawa ng tawa habang yung katabi ko tahimik at nakasimangot.
“Problema mo?” tanong ko.
“Wala.” sagot nya.
“Ang wala ang sagot ng mga taong nagpapapilit na tanungin sila. Sige, ano ba talagang problema mo?”
“Wala nga sabi.”
“Sigurado ka?”
“Ang kulit mo alam mo yun!”
Tss. Ako pa ang makulit ah. Bahala ka nga. Nainis ako kaya tumahimik nalang ako.
Napansin ata nung lima yung katahimikan naming dalawa kaya natigil sila sa patayan. Idagdag mo pa na parehas kaming nakabusangot.
BINABASA MO ANG
Mom @ 17
Teen FictionI just turned 17. and yes, I'm pregnant. What would happen next? Abangan. BWA HA HA *thunder rolls* MsFiddlerCrab©