"26 out of 30. Not bad." sabay apir namin
"Yeah, sa sunod tayo ulit partners ah."
"Sure. Tara, cafeteria tayo. Gutom na ako, naubos yung energy ko sa kaba kanina."
"Libre mo?"
"Utot, KKB tayo uy."
*Cafeteria*
"Ano sayo? Ako nalang pipila, ikaw maghanap ng table."
"Wintermelon na milk tea saka chicken burger."
"Ok. Tawagan kita pag di kita nakita."
So ayun, nanghunting na ako ng table, mejo maraming estudyante kasi malapit na mag lunch break.
Sakto namang may bakante, mejo sulok nga lang.
Sa kinasaya ng langit, katabing table namin yung mga blockmates ni Olsen, at nandun si Lara. Naalala ko na naman yung mga pinagsasabi ni Jai. BI ka Jai!
"Hi Aryll." Bati ng mga classmates nya, nangiti sabay kaway ako, di ko maalala yung pangalan nung iba e 😂
Naupo na ako, tinext ko si Olsen kung saan sya, di naman nareply si bruho. Naglaro nalang ako ng Catchers.
"Ma'am eto na pong order nyo"
"Ambilis mo ah, buti nakita mo ako agad."
"Ako pa ba, kalinaw ng mata ko eh."
Nagkukwentuhan kami habang kumakain. Last sem magblockmates na kami ni Ryan. May iba din naman akong friends sa block namin, pero si Ryan yung madalas kong kasama. Sya kasi yung madaling mahila sa mga lakaran, di maarte saka reliable. Di ko naman sinasabing di maasahan yung iba kong blockmates, sadyang madalas na busy lang sila or may ibang priorities...ata?
Tawa ako ng tawa, ang kalog kasi nito, ang daming kalokohan. Tapos kinuwento nya din na crush nya yung isa naming teacher na fresh grad.
"Grabe, ang ganda ni Ms. Margarette. Ang clear pa magexplain."
"Talaga? Sabagay, gwapo din si Sir Kevin."
"Sinong Kevin?"
"Yung fiance ni Ma'am Margarette. Di mo alam?"
Yung mukha nya? Sinukluban ng langit at lupa. Epic!
"Ow shoot, di mo alam?"
Iling sya ng iling. Paiyak na ata. Ako? Tawang tawa sa reaction nya. Pusong bigo 😂😂😂
"Ok lang yan, makakamove on ka din." Sabay tapik ko sa balikat nya.
Maya-maya, may dumampi sa pisngi ko. Pagtingin ko si Olsen, naniningkit ang mga mata, ang sama ng tingin sakin.
I mouthed "problema mo?"
From me, nalipat sya ng tingin papunta kay Ryan, sabay nakipagkamay
"Ryan"
"Musta Olsen?"
*shake hands*
"Excuse lang ha, may sasabihin lang ako kay Aryll." Sabay hila nya sakin palabas ng cafeteria. yung itsura nya ganto 😡
"Dahan-dahan naman makahila. Kala mo sakin sako ng bigas?"
Mejo nakakalayo na kami sa mga tao nang huminto si Olsen kakahila sa kin.
"Ano bang problema mo?"
"Seriously Aryll? Magkasama na naman kayo ni Ryan?" If looks could kill, baka pinaglalamayan na ako
"Kumakain lang kami nung tao, anong masama dun? Saka tigil tigilan mo ako sa attitude problem mo ha, don't me."
Ang sama pa rin ng tingin nya sakin.
"Ano bang issue mo bruho? Bat galit na galit ka sakin? May nagawa ba akong masama?"
"Ah ewan... manhid."
Ha?
Tama bang dinig ko? Ako manhid?
Wait,
Don't tell me,
Nagseselos si bruho?
BINABASA MO ANG
Mom @ 17
Teen FictionI just turned 17. and yes, I'm pregnant. What would happen next? Abangan. BWA HA HA *thunder rolls* MsFiddlerCrab©