Ako si Amber Ann Aguirre, ako ay labing-pito taong gulang. Ako ay mabait, magalang, masipag at matalino pero seryoso sa pag-aaral kahit mahirap man, mayaman naman kami sa pagmamahal. Habang kumakain kami ay nagsalita si papa.
“Anak, pagkatapos nating kumain ay mag-uusap tayo.” seryoso si papa kaya alam kong may sasabihing mahalaga si papa.
“Opo papa.” ang sabi ko naman kay papa.
Roberto P. O. V.
Ako si Roberto Aguirre, ako ay apatnapu't-lima taong gulang. Ako ay mapagmahal na asawa at syempre mahal ko ang aming anak na si Amber pero ngayon dapat na niyang malaman ang totoo. Tinawagan ko ang asawa ko at nasa labas siya kaya lumabas ako para makausap ko siya.
“Jane, pwede ba tayong mag-usap.” ang sabi ko sa asawa ko.
“Oo naman, ano ba iyon.” ang sabi naman ni Jane.
“Kailangan na niyang malaman ang katotohanan, Jane.” sabi ko.
“Anong ibig mong sabihin, Roberto.” sabi ni Jane.
“Na hindi natin tunay na anak si Amber na ampon siya.” sabi ko.
“Tumahimik ka Roberto, baka marinig ka ni Amber.” sabi ni Jane.
Amber P. O. V
Natapos na ako kumain ng hinahanap ko na sina papa at mama. Dahil sabi ni papa may mahalaga raw na sasabihin kaya lumabas ako para hanapin sila. Nakita ko sila na nag-uusap hahayaan ko na sana sila ng marinig ko ang pangalang Amber kaya nagtago ako sa may puno pero sapat lang ang boses na naririnig ko.
“Wala akong pakialam kung marinig niya ako basta malaman niya ang totoo na...” ang sabi ni papa.
“Na ampon siya, oo, ampon siya pero minahal natin siya na para nating tunay na anak.” ang sabi ni mama.
“Yun na nga eh!!! May mga magulang siya na nag-aalala sa kanya, labing-pito na ang nakakaraan ang lumipas.” ang sabi ni papa.
“Ma, tama po ba ang narinig ko na isa akong ampon. Pa, iyon po ba ang gusto mong pag-usapan natin.” ang sabi ko habang umiiyak ako.
“Anak, patawarin mo kami sa aming nagawa na hind pagsabi ng katotohanan sayo.” ang sabi ni papa.
“Sige, patatawarin ko po kayo pero sabihin nyo po sa akin ang lahat-lahat.” ang sabi ko.
BINABASA MO ANG
THIRD EYE
RandomIsang nerd na may kakayahang makakita na hindi nakikita ng mga tao. Isang multo na naghahanap na makakatulong sa kanya para mahanap ang katawan niya pero hindi niya mahanap. Paanong kung magtagpo ang landas nila. Isang seryoso na tao at isang makuli...