CHAPTER 26: KWINTAS

25 1 0
                                    

Someone's P. O. V.

“Ma'am, umalis na po ang sasakyan na tinulungan ni Cassandra, ano na ang gagawin namin.” sabi ng tauhan ko.

“Hintayin nyo ako riyan, oras na para magpakita sa kanila.” sabi ko.

“Opo Ma'am.” sabi ng tauhan ko.

Pinatay ko na ang tawag at pupunta na ako sa bahay nila Cassandra.

“Saan po tayo pupunta, Ma'am?” Tanong ng driver ko.

“Sa Probinsiya ng Tarlac, Manong.” sabi ko.

“Opo Ma'am.” sabi ni Manong.

Calvin P. O. V.

Ako si Calvin Mangubat, ako ay labing-pito taong gulang ako ay mabait at matulungin. Habang naliligo ako ay may nakita akong bagay na kumikinang at kinuha ko iyon at nalaman kong isang kwintas na may sulat na 'Villafuerte' pero maliit lang ang pagkakasulat.

“Kanino kaya itong kwintas?” Sabi ko sa sarili ko.

Tinapos ko muna ang pagliligo ko at tinago ko naman ito para kung sakaling hanapin ay ibibigay ko sa kanya ang kwintas na ito. Nandito ako sa bintana na nag-iisip, kanino sa mga estudyanteng babae ang kwintas na nakuha ko. May napansin ako parati kong nakikita ang ilang mga lalaki na nakatingin sa aming bahay hindi ko sila kilala pero sigurado ako hindi sila tagarito sa amin. Lumabas ako para kausapin sila at pagkakita sa akin na papunta sa kanila ang iba ay umalis tsaka kinuha ang cellphone at ang iba ay bumili ng pagkain kasi sa tapat ng bahay ay may tindahan. Lumapit ako sa kanila at kinausap.

“Pre, pwede ba tayong mag-usap.” sabi ko sa isa sa mga lalaki.

“Oo naman, ano iyon?” Sabi ng lalaki.

“Napapansin ko kasi na parati kayong nakatingin sa bahay namin.” sabi ko.

THIRD EYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon