CHAPTER 27: NAWAWALANG KWINTAS

23 1 0
                                    

Amber P. O. V.

Nang malapit na kami sa lugar namin ay napansin kong wala na ang kwintas ko. Hinanap ko iyon sa bag, sa bulsa ng pantalon at sa gilid ng inuupuan pero imposible naman na nahulog iyon.

“Amber, anong hinahanap mo dyan?” Tanong ni Dina.

“Ang kwintas ko ay nawawala.” sagot ko.

“Kwintas? Wala ka namang kwintas na dala, Amber.” sabi ni Lien.

“Anong nangyayari diyan.” sabi ng guro, nasa unahan kasi si sir at katabi niya ang driver.

“Nawawala raw ang kwintas ni Amber, sir.” sabi ng isa sa classmate ko.

“Baka nalimutan mo lang kung saan mo nailagay, Ms. Aguirre.” sabi ng guro namin.

“Ang pagkakaalam ko ay wala ka naman kwintas, Amber.” sabi ni Dina.

“Nandito na tayo.” sabi ng guro namin.

“Anak, dumating ka na tara pasok na kayo.” sabi ni mama. Pagkababa ko ay nandoon sina mama at papa.

Nandito ako sa bahay namin at hindi ako mapakali sa kwarto ko.

“Nasaan na ba iyon.” sabi ko habang hinahalungkat ko ang bag ko.

“Anak, nandito sina Lien at Dina,anong ginagawa mo d’yan.” sabi ni mama.

“Ma, hinahanap ko ang kwintas ko.” sabi ko.

“Ano? Kwintas mo nawawala? Saan mo ba nailagay? Anak.” Mga tanong ni mama.

“Oo, nalimutan ko kung saan ko nilagay mama.” sagot ko.

“Jane, anong nangyayari rito? Bakit nagkalat ang mga gamit mo, Amber.” sabi ni papa.

“Roberto, nawawala ang kwintas ni Amber.” sabi ni mama kay papa.

"Ano? nawawala ang kwintas na binigay ng tunay na ina ni Amber?" sabi ni papa.

“Baka naiwan ko roon sa bahay ng babae.” sabi ko.

Lien P. O. V.

Nandito kami sa bahay nila Amber. Umalis si tita Jane para sabihin na nandito na kami pero hanggang ngayon ay wala pa rin si Amber.

“Puntahan natin si Amber, Lien.” sabi ni Dina.

“Sige.” sabi ko.

Habang papunta na kami sa kwarto ni Amber ay may naririnig kami na nag-uusap.

“Anong sabi mo Amber naiwan ang kwintas mo sa bahay ng babae.” sabi ni tito Roberto.

“Sa palagay ko ay naiwan ang kwintas ko sa bahay ng babae.” sabi ni Amber.

Nakikinig lang kami parang may malalaman kami na hindi sinasabi sa amin si Amber.

“Paano ngayon n'yan ang kaisa-isang bagay na mahalaga sa tunay mong ina ay naiwala mo, sigurado ay may kumuha na iyon.” sabi ni tito Roberto.

“Sorry po papa, kahit hindi ko kayo tunay na mga magulang ay inalagaan nyo pa rin ako, pero ang kaisa-isang niregalo ng tunay kong ina ay naiwala ko.” sabi ni Amber.

Nandito kami sa tapat ng kwarto ni Amber narinig namin ang pag-uusap nila.

At nagulat kami ni Dina sa nalaman namin.

“Bakit hindi sa atin sinabi ni Amber na hindi siya tunay na anak nina tito at tita.” sabi ni Dina pero mahina lang.

“Oo nga.” sabi ko.

At umalis na kami sa bahay ni Amber.

THIRD EYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon