Mark P. O. V.
“May dapat kang malaman sa kaibigan mo, Mr. Villafuerte.” sabi ng imbestigador.
“Ano iyon.” sabi ko.
“Hinanap ko ang dating secretary mo doon ko nalaman ang lahat-lahat at planado ang pagpasok sa inyo.“ sabi ng imbestigador.
“Anong nalaman mo.” sabi ko.
“Binayaran ang dating secretary mo na papuntahin ka sa kompanya mo at sabihin na may problema sa kompanya pero wala naman talagang problema pumunta ka doon. Pagdating mo ang sabi sayo ay naayos na.” sabi ng imbestigador.
“Teka, binayaran ang dating secretary ko para pumunta lang ako sa kompanya ko.” sabi ko.
“Oo, pinag-imbestigahan ko ang kaibigan mo at doon ko nalaman na totoo ang sinabi ng dating secretary mo, ang kaibigan mo ay siya ang tumawag sa dating secretary mo. At nalaman ko rin na may galit siya sayo sa pagkekwento mo pa lang may gusto na siya sa asawa mo at hindi siya pinili ng asawa mo.” sabi ng imbestigador.
Habang sinasabi ng imbestigador iyon ay napakuyom ako ng kamay ko sa sobrang galit.
“Nahanap mo na ba si Cassandra Medina.” sabi ko.
“Sa tingin ko ay malapit na namin mahanap, bakit?” Tanong ng imbestigador.
“Kapag nahanap nyo na si Cassandra Medina ay sabihin mo agad sa akin.” sabi ko.
“Opo sir.” sabi ng imbestigador.
“Sir sa tingin mo sino si A. M.” sabi ng imbestigador.
“Matagal na kasi 'yon hindi ko na maalala at pagkatapos mangyari iyon ang iba ay umalis na ang iba ay nandito pa rin, bakit?” sabi ko.
“Baka may maalala pa sila, sir.” sabi ng imbestigador.
Amber P. O. V.
Nandito na kami sa tapat ng bahay at may nakita namin na may sasakyan rin doon. Bumaba kami sa sasakyan at may mga body guard doon.
“Hintayin na lang natin matapos ang pag-uusap ng Ma'am nila.” sabi ko.
Pinuntahan namin ang isa sa body guard ang sabi ay mayroong nag-uusap roon sa loob ng bahay.
“Oo nga, baka importante pa iyon.” sabi ni Dina.
“Hindi ako naniniwala sa kanila, Nerd.” sabi ng multo.
Kinuha ko ang cellphone ko at itinapat iyon sa tenga ko.
“Saan ka pupunta, Amber.” sabi ni Lien.
“Doon lang may tatawagin lang ako.” sabi ko at umalis na ako.
“Anong ibig mong sabihin multo.” sabi ko.
“May mali pupuntahan ko ang bahay, Nerd.” sabi ng multo.
“Sige, puntahan mo na ang bahay multo ka naman.” sabi ko.
BINABASA MO ANG
THIRD EYE
AléatoireIsang nerd na may kakayahang makakita na hindi nakikita ng mga tao. Isang multo na naghahanap na makakatulong sa kanya para mahanap ang katawan niya pero hindi niya mahanap. Paanong kung magtagpo ang landas nila. Isang seryoso na tao at isang makuli...