Lien P. O. V
Ako si Lien Adie, ako ay labing-pito taong gulang, ako ay mahiyain na tao kapag may umaway sa mga kaibigan ko ay masasaktan sila sa akin. Nandito ako ngayon sa tapat ng pinto at kumatok, ang sabi sa akin nina tito at tita ay nasa kwarto si Amber. Patuloy pa rin ako sa pagkatok pero hindi pa rin binubuksan ni Amber nakapagtataka kahit isang katok lang ay bubuksan na ni Amber ang pinto at may narinig ako.
"Amber, anong ginagawa mo at sinong kausap mo riyan" sabi ko.
Binuksan na ni Amber ang pinto at dire-diretso lang ako sa kwarto niya.
"Ano sinasabi mo Lien?" Tanong niya.
"Ang sabi ko kung may kausap ka ba rito" sabi ko.
"Wala naman, bakit may nakita ka ba rito" sabi ni Amber.
"Wala" sabi ko.
"Wala naman pala, atsaka anong ginagawa mo rito" sabi ni Amber.
"May gusto lang ako ibigay sayo" sabi ko. At binigay ko ang regalo ko sa kanya.
"Ano ito" sabi ni Amber habang binubuksan niya ito.
"Malalaman mo rin" sabi ko at may nararamdaman akong malamig.
"Gown? Anong gagawin ko rito" sabi ni Amber.
"Hindi mo ba nagustuhan? Amber" sabi ko at nalungkot ako.
" Hindi sa ganon, oo ang ganda ng gown pero alam nyo naman na natrauma na ako di ba" sabi ni Amber, alam ko ang sinasabi niya.
"Sorry, gusto ko lang na mapasaya kita" sabi ko.
"Sige na nga, tatanggapin ko na ito pero alam mo kung kanino ako magiging masaya di ba?" Sabi ni Amber.
"Kanino?" Tanong ko.
"Kayo ang nagpapasaya sa akin. Kayong mga kaibigan ko at sina mama at papa" sabi ni Amber.
"Salamat Amber" sabi ko at nagyakapan kami.
"Paano naman ako?" Narinig ko ang sabi ni Dina.
"Syempre, ikaw din" sabi ni Amber at nagyakapan ulit kaming tatlo.
BINABASA MO ANG
THIRD EYE
DiversosIsang nerd na may kakayahang makakita na hindi nakikita ng mga tao. Isang multo na naghahanap na makakatulong sa kanya para mahanap ang katawan niya pero hindi niya mahanap. Paanong kung magtagpo ang landas nila. Isang seryoso na tao at isang makuli...