Dina P. O. V.
Biglang tumakbo si Ralph at nagtataka kami kung bakit siya tumatakbo.
“Anong nangyayari doon sa kaibigan n'yo.” sabi ko.
“Hindi ko alam pero sundan kaya natin para malaman.” sabi ni Cris.
“Sige.” sabi ni Lien.
Sinundan namin pero ang bilis niya kaya nagtanong kami ang sabi ng estudyante ay papuntang library at nandoon na kami ay wala na ang hinahanap namin.
“May hinahanap siyang tao kaso umalis na ang babae.” sabi ng nagbabantay sa library.
“Sinong babae.” sabi ni Anthony.
“Si Amber? Oo, iyon nga si Amber natatandaan ko na ang sabi niya ay hinahanap niya iyon.” sabi ng nagbabantay sa library.
“Bakit naman, sundan kaya natin si Ralph.” sabi ni Dina.
Lumabas kami at nakita namin na nag-uusap sila.
“Ano kaya ang pinag-uusapan nila.” sabi ni Anthony.
Ralph Villamartin P. O. V.
“Nerd, ako ito si Multo.” sabi ko noong nasa harapan na ako.
“Multo, ikaw ba iyan? Akala ko patay ka na.” sabi ni Amber.
“Akala ko nga nasa langit na ako pero hindi na coma lang ako kung hindi mo ako tinulungan ay multo pa rin ako.” sabi ko
.
“Hindi pa pala ako nagpapakilala sayo. Ako si Ralph Villamartin, ikaw?” Sabi ko ulit.“Ako nga pala si Amber Ann Villafuerte, teka Villamartin? Ikaw ang anak ni Hector Villamartin, tama ba?.” Mga tanong ni Amber.
“Oo, akala ko ang apelyido mo ay Aguirre hindi pala.” sabi ko.
“Mahabang kwento, Ralph.” sabi ni Amber.
“Okay.” sabi ko.
Pagdating namin sa bahay ni Amber ay pinatuloy niya ako.
“Papa, bakit po nandito ka?” nagtataka kong tanong.
“May sasabihin kami sa inyo.” sabi ni papa.
“Umupo muna kayo.” sabi ni tito Mark iyon ang tawag ko raw sa kanila ni tita Anne.
Umupo kami para makinig sa sasabihin ni papa.
“Ano po iyon?” Sabi ni Amber.
“Bukas na pala ang kaarawan mo,Ralph.” sabi ni papa.
“Anong gusto mong ihanda natin.” sabi ulit na papa.
Pagkatapos mapag-usapan ang tungkol sa kaarawan ko ay aalis na sana kami ni papa ng biglang may dumating na dalawang tao.
“Aalis na kayo? Dito na kayo kumain.” sabi ni tita Jane.
“Gabi na, baka mapalipasan pa kayo.” sabi ni tito Roberto.
Pumayag si papa kasi ayaw kami tigilan ni tito Roberto at gusto ko rin makasama si Amber sa pagkain.
“Kumusta na ang pag-aaral n'yo.” sabi ni papa.
“Okay naman po saka nakita ko po roon ang iniligtas ko noon na babae.” sabay tingin kay Amber.
“Bumalik ang ala-ala nong nakita ko siya.” sabay hawak sa kamay ni Amber.
Marami pa kaming napag-usapan.
BINABASA MO ANG
THIRD EYE
RandomIsang nerd na may kakayahang makakita na hindi nakikita ng mga tao. Isang multo na naghahanap na makakatulong sa kanya para mahanap ang katawan niya pero hindi niya mahanap. Paanong kung magtagpo ang landas nila. Isang seryoso na tao at isang makuli...