CHAPTER 30: TUNAY NA INA

21 1 0
                                    

Dina P. O. V.

Nandito kami ni Lien sa bahay ni Amber at gusto namin makausap sina tito at tita.

“Lien at Dina gusto nyo makausap si Amber, sandali gigisingin ko siya.” sabi ni tita.

“Tita, nasaan po si tito?” Sabi ko.

“Nagluluto, bakit?” Sabi ni tita.

“Pwede po pakitawag si tito.” sabi ko.

“Mahalaga ang pag-uusapan nyo ah, sige tatawagin ko siya.” sabi ni tita.

“Roberto, punta ka muna rito.” sabi ni tita.

“Hindi pa ako tapos magluto.” sabi ni tito.

“Patayin mo muna, Roberto.” sabi ni tita.

“Ano ba 'yon?” sabi ni tito.

“Gusto ka nila makausap, Roberto.” sabi ni tita.

“Sino?” sabi ni tito.

“Ang mga kaibigan ni Amber.” sabi ni tita.

“Pati ikaw rin po tita.” sabi ni Lien.

“Pati ako? Ano ba ang pag-uusapan natin.” sabi ni tita.

“Tungkol po kay Amber.” sabi ko.

“Anong tungkol sa anak namin.” sabi ni tita.

“Totoo po ba na hindi n'yo tunay na anak si Amber?” sabi ko.

“Paano mo nasabi 'yan.” sabi ni tito.

“Dahil narinig namin ang pag-uusap nyo habang hinahanap ni Amber ang kwintas na bigay raw ng tunay na ina niya.” sabi ni Lien.

“Tama ka, ampon nga namin si Amber.” sabi ni tito.

“Kailan pa po at hindi man lang sinabi sa amin ni Amber.” sabi ko.

“Dahil narinig niya kami na nag-uusap kasi gusto ko na sabihin sa kanya ang totoo na hindi namin siya anak at siguro natakot siya kung ano ang sasabihin n'yo sa kanya.” sabi ni tito.

“Ang kwintas po, narinig namin iyon alam namin na bigay iyon ng tunay na ina ni Amber nasaan na siya.” sabi ni Lien.

“Noon, akala namin ay patay na ang tunay na ina ni Amber pero hindi pala buhay pala siya.” sabi ni tita.

“Ano?” Napatingin kami sa nagsalita.

Amber P. O. V.

Nagising ako sa alarm clock ko, bumangon ako para ayusin ang hinigaan ko at may narinig ako na nag-uusap ang mga magulang ko at ang mga kaibigan ko. Nang narinig ko ang sinabi ni mama na buhay ang tunay kong ina.

“Buhay ang tunay kong ina? Mama.” sabi ko.

“Natatandaan mo no'ng sinabi ko sayo na may good news kami sayo, ito na iyon.” sabi ni mama.

“Alam mo naman na may kakausapin kami na tao di ba? Kaya nga kami umalis at iyon nga nalaman nga namin na buhay siya.” sabi ni papa.

“Gusto mo bang sumama sa amin ni Lien na puntahan ang bahay na kung saan nawala ang kwintas mo.” sabi ni Dina.

“Pupuntahan natin iyon? Pwede po ba mama?” Tanong ko.

THIRD EYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon