CHAPTER 47: PAGTATAPAT NG FEELINGS

22 2 0
                                    

Amber P. O. V.

Umaga na at kagigising ko pa lang naalala ko ngayon pala ang kaarawan ni Ralph. Kaya ginawa ko na ang routine ko at pagkatapos kong maligo bumaba na ako para kumain.

“Good morning mommy, daddy.” sabi ko.

“Good morning din sayo, anak.” sabi nina mommy at daddy.

“Good mood tayo ah.” sabi ni tita Jane.

“Opo, kasi nakilala ko na ang nagligtas sa akin noon.” sabi ko.

“Hayaan mo na siya, Jane.” sabi ni tito Roberto.

“Sige na nga, sige tara kain na tayo Amber.” sabi ni tita.

Habang kumakain kami ay may nag-doorbell. Maya-maya may dumating na katulong.

“Sir, Maam, nandito po si Ralph Villamartin sinusundo po si Amber.” sabi ng katulong.

Napatingin sila sa akin at ngumiti.

“Sige, sabihin mo sa kanya na papunta na ako.” sabi ko at umalis na ang katulong.

“Sige, aalis na po ako.” sabi ko.

Ralph P. O. V.

Nandito ako naghihintay kay Nerd o Amber na ang tawag ko sa kanya ngayon.

“Sir, papunta na po siya rito.” sabi ng katulong.

“Sige.” sabi ko.

Hindi nagtagal ay dumating na siya, ang ganda niya sa suot niya.

“Tara na.” sabi ko.

“Okay, kaninong sasakyan ang gagamitin natin.” sabi ni Amber.

“Relax lang, sige, sasakyan mo na lang.” sabi ni Amber.

“Teka lang pwede ko bang makausap si Ralph, lalaki sa lalaki.” sabi ni tito Mark.

“Pa, mali-late na po kami.” sabi ni Amber.

“Okay lang Amber.” sabi ko.

At umalis muna si Amber.

“Diretsuhin mo na siya alam kong may gusto ka sa kanya.” sabi ni tito Mark.

“Opo, gusto ko po siya, tito Mark.” sabi ko.

“Malay mo may gusto rin siya sayo.” sabi ni tito Roberto.

“Kahit ano man ang desisyon niya nandito naman kami para sayo.” sabi ni tito Mark.

“Opo, hinihintay na po ako ni Amber.” sabi ko.

Nang nandito na kami sa tapat ng paaralan ay pinigilan ko siya bumaba.

“Sandali Amber.” sabi ko.

“Ano iyon.” nagtataka si Amber kung bakit ko siya pinigilan sa pagbaba. Ako ang bumaba at pinagbuksan ko siya.

“Sa... Salamat.” nahihiya n'yang sabi.

“Tara na, teka bakit ka nauutal? Crush mo ako 'no?.” Sabi ko.

“Uyy namumula ang pisngi mo.” sabi ko ulit.

“Tseee, makaalis na nga.” sabi ni Amber.

“Teka, hintayin mo ako, hahaha.” sabi ko.

“Bahala ka d'yan.” sabi ni Amber habang paalis.

“Kumusta pre.” sabi ni Cris.

“Okay naman, saan nga pala ang mga nobya n'yo.” sabi ko.

“Bakit mo hinahanap?” Tanong ni Anthony.

“Baka iba ang hinahanap niya.” sabi ni Cris.

“Si Amber ba?” Tanong ni Cris.

“Oo pre, gusto ko sanang magtapat ng nararamdaman sa kanya.” sabi ko.

“Huwag kang mag-aalala baka gusto ka rin niya.” sabi ni Lien at tango lang ang sagot ni Dina habang papalapit sa amin.

THIRD EYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon