CHAPTER 34: KIDNAP

22 1 0
                                    

Someone P. O. V.

“Kidnapin nyo na ang mag-asawa.” sabi ko.

“Opo Boss.” sabi ng tauhan ko.

Binaba ko na ang cellphone ko.

“Sir, may bisita po kayo.” sabi ng secretary.

“Papasukin mo siya.” sabi ko.

“Opo sir.” sabi ng secretary.

Maya-maya ay nandito na ang kaibigan ko.

“Aking kaibigan napasyal ka.” sabi ko.

“Kumusta kaibigan.” sabi ng kaibigan ko.

“Okay naman, ikaw.” sabi ko.

“Okay din, may good news ako sayo.”  sabi ng kaibigan ko.

“Ano 'yon.” sabi ko.

"Malapit na namin mahanap kung sino ang nagpapatay sa asawa't anak ko, Menandro.” sabi ng kaibigan ko.

“Talaga Mark? Good news nga iyan.” sabi ko.

“Kung sino man iyon ay pagbabayarin niya ang ginawa niya sa asawa't anak ko.” sabi ni Mark habang nakatingin sa akin.

“Kung gano'n anong gagawin mo sa taong iyon? Ipapakulong mo siya?” Mga tanong ko.

“Kung nalaman ko kung sino ang mastermind o nag-utos sa kanya. Papatayin ko silang dalawa.” sabi ni Mark at nakikita ko sa kanyang mata na sobrang galit saka sa sobrang galit ay magagawa niyang pumatay.

“Relax ka lang pre mahahanap mo rin kung sino ang nagpapatay sa kanila.” sabi ko.

Pero alam ko sa sarili ko na natatakot ako. Natatakot at pagkabalisa ang aking nararamdaman.

“Pre ikaw yata ang mag-relax, iisipin ko tuloy na ikaw ang nagpapatay sa mag-ina ko.” sabi ni Mark.

“Hindi ko kayang gawin iyon.” sabi ko.

“Hahaha, nagbibiro lang ako pre.” sabi ni Mark.

“Sinong kausap mo kanina.” sabi ni Mark.

“Wala iyon, may pinapaasikaso lang ako sa mga tauhan ko.” sabi ko.

Author P. O. V.

Habang natutulog ang mag-asawang Aguirre ay hindi nila alam na may nakapasok na pala sa kanilang bahay.

“Ang dali namang makapasok dito.” sabi ng isang lalaki.

“Oo nga, pero ang kailangan natin ay ang mag-asawa.” sabi ng ikalawang lalaki.

“Sa tingin ko nandoon ang kwarto ng mag-asawa.” sabi ng ikatlong lalaki.

“Tara na.” pumasok ang tatlong lalaki sa kwarto ng mag-asawa.

Naalimpungatan si Jane at kasunod si Roberto naman.

“Anong ginagawa n'yo rito at anong kailangan nyo sa amin.” sabi ni Roberto.

“Ang ginagawa namin rito ay kidnapin kayo at wala kaming kailangan sa inyo pero ang boss namin ay oo.” sabi ng isang lalaki.

At pinukpok ng baril ng ikalawang lalaki sa batok at nawalan ng malay ang mag-asawa.

“Tara dalhin na natin kay boss.” sabi ng ikatlong lalaki.

THIRD EYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon