CHAPTER 44: DADDY AT MOMMY

22 1 0
                                    

Amber P. O. V.

Makalipas ang dalawang buwan ay maganda na ang buhay namin. Nakulong na ang totoong kriminal na si Menandro Octavio at ang mga kaibigan ko na sina Lien at Dina ay sinagot na nila ang mga nanliligaw sa kanila. Si Lien ay para kay Anthony at kay Dina naman ay para kay Cris pero ako na lang ang wala pa sa tingin ko naman ay darating din iyon. At kinwento ni mommy kung paano nakaligtas kay Alvin hanggang sa kung paano siya tinulungan ng matandang lalaki pero ngayon ay wala na nasa langit na raw ang matandang lalaki pero nagpapasalamat pa rin ako sa kanya.

"Anak, gusto kong makilala mo ang tumulong sa pag-iimbestiga sa pagkawala n'yo ng mommy mo." sabi ni Daddy.

"Siya si Hector Villamartin, Hector siya ang anak na nawala ng matagal sa akin si Amber Ann Villafuerte." sabi ni Daddy.

"Hi po." sabi ko.

"Hello." sabi ni Hector.

"Tito Hector na lang, Amber." sabi ni tito.

"Okay po." sabi ko.

"Parang pamilyar ang pangalan na iyan." sabi ni tito Hector.

"Ha? Anong ibig mong sabihin." sabi ni Daddy.

"Ikaw ba si Amber Ann Aguirre? Oo, ikaw nga. Alam mo ba na dahil sa'yo ay naligtas mo ang aking anak sa pagiging magnanakaw." sabi ni tito Hector.

"Po?" Nagtataka kong tanong.

"Villafuerte na ngayon, Mr.?" Sabi ng paparating na tao.

"Tito Roberto." sabi ko at niyakap ko sila ni tita Jane, iyon na ang tawag ko sa kanila.

"Ako si Mr. Villamartin, sa tingin ko rin ay parang nakilala ko na kayo." sabi ni tito Hector.

"Villamartin?" May iniisip sina tito Roberto at tita Jane.

"Ah, alam ko na noong naaksidente si Amber na natatandaan mo na, Jane?" Sabi ni tito Roberto.

"Naaksidente ang anak namin kailan at saan iyon." sabay ang pagkakasabi nina daddy at mommy.

"Relax po, mommy at daddy saka matagal na po iyon." sabi ko.

"Pero." Sabi ni mommy.

"Hindi po ako nasaktan, mommy at saka may nagligtas po sa akin." sabi ko.

"Sino naman iyon gusto namin magpasalamat sa kanya." sabi ni Daddy.

"Hindi ko po alam kung anong pangalan pero lalaki siya." sabi ko.

"Alam ko kung sino siya." sabi ni tito Hector.

Nandito kami ng mga kaibigan ko sa paaralan ang sabi ni tito Hector ang kanyang anak ang nagligtas sa akin kaya gusto kong magpasalamat sa kanya.

"Tara na papasok na tayo." sabi ko.

"Sige." sabi ni Lien.

Habang nagleleksyon ang guro namin ay iniisip ko pa rin si multo. Alam kong masaya na siya sa langit pero ako ito hinahanap ko pa rin ang pangungulit niya sa akin.

"Amber, tara na lunch time na hindi ka ba sasabay sa amin ni Lien." sabi ni Dina.

"Busog pa ako kayo na lang naparami kasi akong nakain." sabi ko.

"Sige, tara na Dina." sabi ni Lien.

At umalis na sila para kumain.

THIRD EYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon