CHAPTER 41: PINAPATAWAD

24 1 0
                                    

Jane P. O. V.

“Anong gagawin natin, Roberto.” sabi ko.

“Hindi ko alam, Jane.” sabi ni Roberto.

Nakita namin ni Roberto na nag-iinuman ang nagbabantay sa amin wala rito ang kanilang boss.

“Pakawalan n'yo kami rito.” sabi ko.

“Kapag pinakawalan namin kayo kami ang mapapagalitan o malalagot sa aming boss.” sabi ng isa sa nagbabantay sa amin.

Habang kinakausap ko ang isa sa nagbabantay sa amin ay alam kong may ginagawa ang asawa ko kaya dinidistract ko itong kausap ko.

“Sige, kapag pinakawalan mo kami ay sasabihin ko sa mga pulis na iniligtas mo kami.” sabi ko.

“Huwag mo ako tinatakot d'yan, makaalis na nga.” sabi ng nagbabantay sa amin.

At umalis na ang isa sa nagbabantay sa amin hanggang sa natanggal na ang nakatali sa kamay ni Roberto.

Amber P. O. V.

“Anong nangyayari sayo, Multo.” sabi ko.

“Hindi ko alam, Nerd.” sabi ni Multo.

“Bakit nawawala na ang paa mo anong ibig sabihin n:yan.” sabi ko.

“Sa tingin ko ay oras na para mawala na ako rito sa mundo.” sabi ni Multo.

“Pero hindi pa natin nahahanap ang katawan mo di ba?” Sabi ko.

“Mahahanap man natin o hindi ang katawan ko doon din naman ako papunta sa langit.” sabi ni Multo.

“Pero Multo.” sabi ko.

‘Tok!!! Tok!!!’ May kumakatok sa pinto ng aking kwarto.

“Sino ‘yan.” sabi ko.

“Ako ito si Alvin Mangubat, pwede ba pumasok para makausap ka.” sabi ni Alvin.

Binuksan ko pa rin kahit may galit ako sa kanya.

“Pasok.” sabi ko.

“Anong pag-uusapan natin.” sabi ko.

“Gusto kong humingi ng tawad sa'yo kahit matagal na nangyari 'yon para sa akin ay kahapon lang nangyari.” sabi ni Alvin.

“Alam kong may galit ka pa rin sa'kin at nagbabaka-sakali lang ako na mapatawad mo ako pero kung ayaw mo ay okay lang dahil sa akin ay nagkahiwa-hiwalay kayo.” sabi ni Alvin.

Aalis na sana siya ng pigilan ko.

“Sandali, oo may galit ako sayo pero sabi nga nila past is past kaya pinapatawad na kita.” sabi ko.

“Talaga? Pinapatawad mo na ako, Amber.” sabi ni Alvin.

“Oo.” sabi ko.

“Salamat.” sabi niya at niyakap ako saka ginantihan ko rin naman ng yakap.

Gano'n pala iyon kapag may pinapatawad ka ng isang tao ay gagaan ang pakiramdan mo at walang galit ang nararamdaman ko, ngayon.

Pagkatapos no'n ay umalis na si Alvin at ito ako hinahanap si Multo, nasaan na kaya iyon.

“Multo, nasaan ka na mag-usap pa tayo.” sabi ko.

“Anak, anong ginagawa mo d'yan.” sabi ni mommy.

“Wala, may hinahanap lang ako Mommy.” sabi ko at mommy na ang tawag ko sa kanya.

“Pero nahanap ko na rin po, Mommy.” sabi ko.

THIRD EYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon