Chapter Fifty-Two: I Died with Her

2.9K 270 249
                                    

-chapter fifty-two-

FINN

"Get away."

I have already managed to stop the others from potentially harming players. I only made them unconscious for a few minutes, upang hindi rin sila maubusan ng oras.

But time seemed to stop when I saw Dylan with a dagger just a few inches away from Gavin. Kahit na si Dylan ang mukhang may pasa sa mukha ay hindi ko pa rin siya mapagkakatiwalaan.

Not when he's the most uncontrolled out of them.

"Natatakot ka ba sa maaring mangyari sa kaniya, Finn?" nakangising-asong tanong ni Dylan.

Sasagot na sana ako nang umiling si Gavin. "Huwag kang mag-alala, Finn. Actually may gamot ka ba diyan? Nasuntok ko kasi siya tapos masakit ata-"

"Hindi!" singhal ni Dylan pabalik. "Hindi ko nga naramdaman suntok mo!"

"Ay, talaga, sorry. Kasi sobrang namumula 'yong mukha mo tas no'ng masapak kita, namimilipit ka na sa sakit. Don't worry, pare, I won't judge-!"

Dylan quickly grabbed Gavin by the neck, pointing his dagger at the other's pulse. Pinanlakihan niya ako ng mata nang sinubukan kong lumapit.

Damn it. I gritted my teeth, gripping the kunai in my hands tighter. Gavin looked a little calm, pero may kaba nang namumuo sa mata niya. I expected that reaction from someone who's being threatened by a dagger.

"Don't." pigil ko kay Dylan.

Gavin let out a breath, trying to calm himself. "P're, baka pwede nating mapag-usapan 'to."

"Huwag mo 'kong mapare-pare diyan, tangna mo!" Dylan shouted and stepped back, dragging Gavin with him.

Quietly, pinalabas ko ang mga anino mula sa mga paa. Maybe I could at least chain Dylan to the ground and take Gavin away. Kahit na blanko ang itsura ko ay 'di ko mapigilan ang namumuong kaba sa dibdib.

Dylan wouldn't stop at anything to get what he wants. And if he's capable of harming Renée, who June protects, then he wouldn't think twice about killing Gavin.

Sa tingin ko nga ay sinubukan niya na ito kanina pero nasuntok. Gavin is useless when it comes to his weapon, but he can fight with his body.

The shadows crawled across the ground, a dark color looming over the green grass. Papunta ito sa paanan ni Dylan as I have commanded, but it immediately stopped. Isang paa ang lumabas at tinapakan ito, making the shadows flail under, trying to escape.

June stepped between Dylan and I, a sinister smile in her lips. Bumaba ang tingin niya sa mga aninong tinatapakan at lumaki ang ngiti niya nang diinan niya pa ang pagtapak dito.

"Be more aware of your surroundings, Dylan. Lalo na kung kaharap mo ang isang taong magaling magmanipulate ng anino." June advised.

Dylan gulped, his eyes fixed on my shadows. Bumuntong-hininga ako at kinuha ito balik.

"Gavin." simpleng sambit ko.

June raised a brow at me and glanced behind. Nang makita niyang nakatutok ang kutsilyo ni Dylan kay Gavin ay inutusan niya itong bitawan. Dylan looked confused and unwilling at first, but he could do nothing at his boss.

Rogue Wars OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon