Chapter One-Hundred Thirteen: The Giant's Reflection

2.2K 237 225
                                    

-chapter one-hundred-thirteen-

FINN

Nang simulan naming labanan ulit ang higante ay naramdaman ko na ang pagka-ilang nina Wes at Kairo.

I stepped back to watch the two of them fight. They have different styles of fighting; malinis at mabilis ang bawat strikes ni Wes, while Kairo prefers to attack in a ruthless and torturous manner. Kahit na ilang beses na silang itinapon palayo ng higante ay hindi nawawala ang ngisi sa mukha niya. He lets his eyes roam in the giant's massive body, looking for weak spots, while Wes just looks determined to concentrate on one critical point.

Higit sa lahat, masyado silang malayo sa isa't isa. They fight the same monster but they don't have any coordination at all. Kung nasa harap ng higante si Kairo, pipiliin ni Wes na tumayo sa likod nito.

Napanguso ako. Ito ang unang pagkakataon na makita ko silang maglaban na dalawa lang pero ang pangit. Akala ko pa naman okay na sila kanina dahil tinulungan ni Wes si Kairo. I even told the giant they're okay and now...

I heaved a tired and sad sigh.

"Finn!"

Inangat ko ang tingin nang tawagin nila ang pangalan ko. But the sight of an incoming rock blocked the two boys from my sight. Agad akong tumalon bago pa ako nito matamaan, at sinugod muli ang higante.

Wes made water bubbles that I used as a platform to jump towards the giant's head. Agad dumilim ang paligid nang gamitin ni Kairo ang Underworld, at sa tulong ng shadows, ay natamaan ko ang upper body at noo ng higante ng aking throwdaggers. When I landed on the ground behind the giant, the light inside the cave returned.

So did the giant that bellowed from the pain.

Umikot siya at hinabol ako. The stalactites fell at its thunderous steps at pilit ko naman itong iniiwasan. Biglang itinaas ng higante ang dalawa niyang kamay, at kasabay nito ay ang tunog ng pagbungkal ng lupa bago lumabas ang mga lava rocks mula sa ilalim. I stepped back in surprise, accidentally landing my feet on the hot coal and hissing in pain.

May humatak sa'kin pataas at may isa pang humawak sa bewang ko para tulungan sa pagbalanse. Mula sa malaking bato na kasalukuyan naming kinatatayuan, the lava ground was even more evident and scary.

"You alright, kitten?" tanong ni Kairo na humatak sa'kin.

Tumango ako at kinalas ni Wes ang pagkakahawak niya sa bewang. "Have any plans, Sparrow?"

Dapat siya magplano, siya strategist eh.

"Will act as bait." turo ko sa sarili. Kumunot ang noo nila at akmang kokontra na nang samaan ko sila ng tingin. "You will make bombs."

"Bombs?"

"Mm." tumango ako. "I have exploding kunais. We can deploy it inside Kairo's underworld that will be caged inside Wes' bubbles. Kapag ginalaw niya ang isa, it will explode and cause a chain of explosions due to the shadows that we will link to every bubble."

I blinked when they kept on staring at me. Nakakailang ang titig nila kaya napakagat ako sa ibabang labi. "Or... not?"

Both their stares flickered down my mouth before raising them back to meet my eyes. Iniwas nila ang tingin sa'kin at may binubulong sa sarili. Behind them, the giant's eyes have already centered towards us.

Rogue Wars OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon