Chapter Fourteen: Cut Off One Head, Two More Shall Take Its Place

4.8K 387 77
                                    

-chapter fourteen-

FINN

I kept myself glued to the nearest city wall. Nanatili akong nagoobserba at nagtatago. It's a blind spot. Walang players o kahit halimaw na makakakita sa'kin dahil bahagya akong natatago ng dilim.

Most rogues are still fighting the hydra, if not running away from its attacks. Ngunit hanggang leeg lang ang mga atake nila. The hydra was too slippery and too many for them to attack critical hits. Nakakakaba din ang pumwesto sa harap nito kung hindi mo alam ang susunod na mangyayari.

Everyone stopped moving when a certain woman stepped in front of the monster. Napatingin sila kay Marcella na puno ng paghanga. It was like the woman is the answer to completing this city.

Mukhang sang-ayon rin si Marcella at ang grupo nito sa gagawin. She already had her weapon raised, staring at the hydra monster with intensity. The monster was hissing loudly, threatened by the lone girl.

Para itong movie or game poster ng main protagonist kung saan kinakalaban niya ang last boss.

A brave girl courageously facing a dark and dangerous monster. A hero.

When the hydra monster attacked, Marcella danced to its tune with hundreds of players watching from behind.

Nakita ko si Wes na kasama niya. For some reason, he was frowning. May tutol ang mukha niya sa ginagawa ng kasama pero hindi ito nagsasalita.

Inilipat ko ang tingin sa hydra na kalaban ni Marcella. Nagpatuloy ang mga paghampas nito't pagkagat sa dalaga, while the other was effortlessly avoiding its head and body. Parang hindi problema sa kaniya ang paglaban sa isang halimaw na may nuebeng ulo.

I tilted my head in confusion as I observed the whole situation. Walang may tumutulong kay Marcella sa gitna, and from the corner of my eye, new players entered the city. Hinahanap ko ang tensiyon o ang pakiramdam ng isang magtatapos na sitwasyon, pero tanging pagtataka lang ay maro'n ako. Nalilito kung bakit namomroblemado ako sa kasalukuyang nangyayari.

I gathered the facts I remembered about a hydra. It was a sea dragon with multiple heads. Mula ito sa isang greek myth at isa sa mga nakakatakot at napakadelikadong halimaw. I often see it at some games as a last boss or a difficult enemy.

Napaisip muli ako sa task ng game. After successfully joining an alliance where every player can create connections and relationships, we are thrown into a situation where we have to fight together. Isang syudad na ang purpose ay i-test ang pagtutulungan ng mga manlalaro.

Ngunit paano naman ito mangyayari when one rogue can simply kill the monster? Unless-

Ah. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ang dapat gawin para makaalis sa city na 'to.

A damage count board showed up with Marcella at the top spot. Mahigit na sa sampung libo ang nabawas niyang HP mula sa hydra. The monster had an HP of about 30,000. Kung ipagpapatuloy ni Marcella ang ginagawa ay aabutan kami ng mahigit tatlong oras. Especially if the monster has a special function where it keeps on getting stronger whenever weakened.

Having players help in damaging would be a faster and easier way, though.

"Bakit ba hindi na lang tayo tumulong? Mas mapapabilis pa ang pagpatay natin sa hydra kung gano'n."

Napatango-tango ako sa sinabi ng isang lalaki. Why wait when we can help?

"Hindi na kailangan dahil kaya niya na iyan. Isa pa, magiging pabigat lang tayo 'pag sumali pa."

Rogue Wars OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon