59

60 6 1
                                    

  Kerren Antonio
  49 minutes ago • Friends

  Appreciation post to the best boss ever!

  Thank you po dahil hindi po kayo strict sa work. As long as I am doing my job right and I can do it on time, hinahayaan mo ko. Kahit urgent at emergency, kahit kailangan mo na, hinihintay mo ko matapos at hindi mo ko pine-pressure sa work. Thank you for being understanding.

  Thank you dahil ikaw ang tumatayong ama, kapatid, pamilya at kasangga ko dito sa Maynila. Sa loob ng anim na taon, bihira kong maramdaman na nag-iisa lang ako dahil lagi kang nandyan. Hindi dahil nasa work tayo pareho o laging tambak ang trabaho ko ha! Lagi mo kong kinakamusta. Tinatanong mo kung okay pa ko. Chine-check mo kung may mga kailangan ako o kung anong kulang sa akin. Sa anim na taong pagkakalayo ko sa pamilya ko, ikaw ang nagsilbing tagapag-alaga ko dito sa Maynila. Namimiss ko pa rin naman pamilya ko. Hindi ko nga lang nararamdaman yung homesick at lungkot sa pagkakalayo namin sa isa't-isa. Salamat at palagi kang nandyan. Thank you for taking care of me.

  Thank you for being the best boss and partner. Ang rapport natin sa trabaho at meetings, kakaiba. Laging in sync. Laging tugma. Siguro kaya rin maayos trabaho natin dalawa dahil alam natin kung paano kikilos ng tama. May mga oras na nagkakamali rin ako pero imbes na magalit ka kasi sayang sa oras at pagod, tinuturuan mo ko at tinutulungan para matuto pa ng maraming bagay at kung paano ko mapapadali ang lahat. Thank you for being patient.

  Wala lang. Feel ko lang magdrama! BWAHAHHAHAHAHA. Advance Happy Holidays, boss! 😂😂😂

  ❤️👍🏻😮😂😢😠 159                    79 Comments

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

  ❤️👍🏻😮😂😢😠 159                    79 Comments

  Dax Emmanuel Abusado
  Sweet naman. Kayo na?

    |  Kerren Antonio grabe nag-appreciate lang kami na di ba pwedeng thankful lang talaga?

    |  Dex Eduardo Frossard gago!

  Rosel Gianna Meana-Frossard
  Ako lang ba o may meaning yung appreciation post? 🥲🥲🥲 parang may something.

    |  Maria Abi Gail Santos Zamorra Team Palaman 😭😭😭

    |  Nessy Patrizia Reyes gago 😂 sira ulo talaga kayo.

  Dex Eduardo Frossard
  Sus! Kaya ka lang naman may paganyan kasi magpapasko na. Ulol. Wag mo ko utuin, Keke! Kilala kita.

    |  Kerren Antonio HAHAHAHAHAHAH thanks boss padagdag ng bonus ha mwaaaah 😘😘😘

Kerren, I Will Fix YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon