Ezekiel Del Mundo
11:34 AM
Ezekiel: Hi, Kerren!
Ezekiel: Busy ka?
Seen. 11:47 am
Good Morning, Sir Zeke!
Pasensya na po may ginagawa lang kanina.
Di naman po ako busy bakit po
Ezekiel: May itatanong sana kasi ako.
Ano po yun?
Ezekiel: Ano mo si Sean?
Hehehehe
Ezekiel: Pota!
Ezekiel: Kerren di kita pinalaki ng ganyan
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH
Ezekiel: Ay di ka pala lumaki
Grabe the atake sir
Masyado po masakit sa dibdib
Ezekiel: Meron ka nun?
Sir ahhh
HAHAHAHAHAHA grabe ka
Ezekiel: Kerren sagot na pls
Ezekiel: Matter of life and death
Alam mo na yun sir
Ezekiel: Oo nga
Ezekiel: Naiisip ko naman na pero gusto ko pa rin malaman
Bakit mo gusto malaman?
Ezekiel: Gusto ko makita
Ezekiel: Gusto ko mabasa Kerren bilisan mo na baka di kita ma-tantiya
HAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAA
Bakit ba sir?
May problema po ba?
Ezekiel: Wala gusto ko lang i-confirm
Ah okay.
Sir?
Ezekiel: Oh?
Si Sean po ako.
Hindi po ako si Kerren :)
Ezekiel: PUTANGINA MO!
HAHAHAHAHAHAHAHA
Gago tawang-tawa ko sayo
Ezekiel: Tangina mo ka kanina pa ko chat ng chat di mo pa sinabi agad
Bobo ka eh
Hindi mo ba nababasa pangalan ko sa chat?
Tanga mo! Hahahahaha.
Ezekiel: Ah tawang-tawa kang gago ka?
Sino kaya mas gago sa ating dalawa?
Chismoso ka kasi!
Ezekiel: Gusto ko lang naman malaman ang totoo
Ezekiel: Bakit kasi si Kerren profile picture mo?
Tanga naman talaga!
Bakit ko i-profile picture kung hindi ko mukha?
Ezekiel: Yun na nga gago
Ezekiel: Di mo mukha yan bakit mo picture?
Paki mo ba?
Ezekiel: May pake ako kasi bebe kita
Sumbong kita kay KC
Ezekiel: Umayos ka kasi gago ano nga?
Edi si Kerren itanong mo
Siya naman talaga gusto mo tanungin di ba?
Ezekiel: Kausap naman na kita
Ezekiel: Ikaw na lang magsabi bebe pls
Ewan
Alam mo ba?
Naka-meeting kami ngayon hehehe
Ezekiel: Anong meeting?
Funds and Reports
Ezekiel: O ano ngayon?
Naka-share screen ako.
Nababasa ni Dax, Tyn at Gray mga chat mo.
Ezekiel: Putangina mo talaga, Sean Eros!
HAHAHAHAHAHAHAHA
Seen. 11:59 am