Dex Eduardo Frossard
02:45 PM
Dex Eduardo: How's your vacation, Keke?
Dex Eduardo: Parang may hangover ka pa ah!
Sorry Dede
Lutang ba ko sa work?
Dex Eduardo: Kailan ka ba hindi naging lutang?
Grabeeeee 😭😭😭
Namiss ko lang sila Mamang at Papang.
Grabe Dede pitong taon ako hindi umuwi
Sa sobrang pagta-trabaho ko nawala sa isip ko na tumatanda nga pala mga magulang ko 🥺
Dex Eduardo: Magreresign ka ba?
Hindi ah
Anong ipangtutustos ko sa kanila kung mawawalan ako ng trabaho?
Oo pwede kong ipang-negosyo yung kinita ko sa pitong taon, pero mahirap mapalago ang pera kung hindi ako sanay mag-negosyo.
Dex Eduardo: Subukan mo. Ikaw pa ba?
Dex Eduardo: Ang dami mo nga nagawa para sa kumpanyang to. Ano man lang yung magdagdag ka ng kaunti pang knowledge sa business para mas matuto ka.
Naisip ko rin naman yan. Kaso paano ka?
Dex Eduardo: Hindi ka naman habang buhay na nandito eh.
Dex Eduardo: Siguro mas maganda nga kung matanggap ko agad na mawawala ka rin naman sa akin kaya dapat ngayon pa lang handa na kong pakawalan ka.
Dede, sobrang bait mo. 😭
Sobrang bait at sobrang pasensyoso mo sakin. Ang dami kong natutunan sayo. Sa negosyo niyo, sa trabaho ko, sa buhay, sa lahat.
Sobrang salamat dahil ang dami mong naitulong sa akin at sa pamilya ko.
Pero bata pa naman ako, Dede.
Wag mo naman ako piliting mag-resign after 7 years of work.
28 pa lang naman ako 🤣🤣🤣
Ayaw mo ba kong paabutin ng 10 years dito?
Dex Eduardo: Kung pwede nga lang na 100 years ka dito sa akin.
Bwahahahahahahahahaha
Aabot ba ko ng 100 years?
Dex Eduardo: Hay, Keke! Wag mo naman akong pahirapan na pakawalan ka.
Grabe naman yan bakit parang may something
Dex Eduardo: Buang! Wala yan.
Dex Eduardo: Assuming ka ah. Maganda ka?
Oo, sabi ni Sean. 😌😂😂😂
Dex Eduardo: Oo nga pala.
Dex Eduardo: Paki-cancel nga ng schedule ko ngayon. Aalis na ko. May lalakarin ako.
😮😮😮
May date ka boss?
Dex Eduardo: Keke!
Di nga?
Ang aga mo aalis sa work. Okay ka lang ba?
Dex Eduardo: Oo na. Date na kung date.
Dex Eduardo: Paki-cancel na at kailangan ko na umalis.
Okay.
Ako na bahala dito s office.
Good luck sa date mo sir
Sana magka-love life ka na hehehehe
Dex Eduardo: Ewan ko sayo.
Seen. 03:02 pm
08:05 PM
Dex Eduardo: Keke, di ako papasok muna bukas.
Dex Eduardo: May mga kailangan pa ko asikasuhin.
Okay ka lang???
Wala na bang second date?
Dex Eduardo: Ha? Anong second date?
Binasted ka ba agad?
Baka naman sobrang choosy mo lang Dede ah?
Dex Eduardo: Buang! Pinagsasabi mo?
Dex Eduardo: Di ako basted.
Eh bakit di ka papasok?
Dex Eduardo: May aasikasuhin nga ako. Parang tanga.
Dex Eduardo: Ikaw na munang bahala sa opisina ko. Kaya mo naman lahat doon di ba?
👍🏻
Seen. 08:17 pm