Kerren, I Will Fix You

114 5 9
                                    

Fix Me Series 8: KIWFY

Kung binabasa mo 'tong part na 'to, ibig sabihin tapos ka na. At tapos na rin ako. 😭😭😭

Gusto kong magpasalamat sa inyo dahil sinamahan niyo ko hanggang dito. Salamat sa pagbabasa (pagbasa) ng mga kwento ko. Salamat kasi sapat na naman sa akin noon na may napapatawa at napapakilig ako sa mga chat ko. Salamat kasi binigyan niyo ko ng pagkakataon na magbahagi ng hindi lang isa, kung hindi walong kwento.

Para kay Ana Dominique at Rochelle, ang dalawang paladesisyon ng pamilyang 'to: Thank you! Thank you sa mga hugot at batuhan ng ideas ninyo. Kung hindi dahil sa mga 'yon, hindi mabubuo itong kwentong 'to.

Kay Nessie, ang partner in crimes ko. With “S” kasi marami kaming krimen na ginawa. Thank you, ate. Kahit madalas hindi kita (kayo) ginagalang, salamat sa pagtulong sa akin kapag naba-blangko ako. Thank you rin na sa akin ka palaging nagsasabi kapag mabigat na ang lahat. Lalo na kapag wala ka na maisip na susunod na eksena. Proud ako sa pagiging brainy ko. Dahil doon, marami kang utang na lalaki sa akin. HAHAHAHA! Keep on fighting. Proud ako sa 'yo dahil malakas ka. Mas tatagan mo pa. Malalampasan mo rin 'to lahat. Nandito lang ako/kami palagi para sa 'yo.

Marie Abigail, thank you ate Abby. Salamat kasi hindi ka madamot. Lahat na shinare mo sa amin. 'Yong hilig mo sa tea at double tea. 'Yong mga readers mo. 'Yong success mo. Deserve mo lahat ng blessings na natatanggap mo kasi ikaw 'yong unang nagiging pinakamasaya sa lahat ng achievements namin. Thank you ma! More lalaki please. May utang ka pa sa akin.

Joy, na masaya 'yong pangalan pero mas masaya sa personal. HAHAHAHA! See you, MM, after lockdown season? Thank you for sharing what you have to the less fortunate like us. Chor! Hahahaha. Sorry dahil sobrang perfect ni Apol, ikaw 'yong naging masama. Promise, sa susunod, mabait ka na. Hehehe. Love you! Ikaw Ang pinakapaborito kong ate. Hahahaha.

Mother Theresa, pray for us. Charaught! Thank you, Momma. Mula noon hanggang ngayon, sinusuportahan mo ko. Minsan iba talaga 'yong online friendship, eh. Mas strong. Mas nagtatagal. Salmong Tugunan: Sana all. HAHAHAHAHA! Thank you for loving Sebby lalo na nung panahong nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya. Miss you!

Karen Joyce, hi gf! Kahit lagi kang MIA. Sana magustuhan mo si Ezekiel. Kahit #superextra siya. Maraming nagmamahal sa kanya. Baka maagaw pa siya ng iba. Pakitapos na kami ni Dumdum. Utang na labas. Tapos na ko't lahat, wala pa rin 'yong amin. Ilang years pa ba?

Karren, it's an honor to be able to spend time with you bago mag-lockdown noong March last year. I'm so lucky to have you, Mama Jin. Ako lang ang na-meet mo sa aming lahat at sobrang saya ko kasi ang tangkad tangkad ko kapag kasama kita! HAHAHAHA. Mabuhay ang mga lutang!!! Love you. 'Yong book ko, pa-ship mo na. Pakisamahan ng delicacies. Chor.

Sa mga bagong nakabasa ng FMS, pati na rin doon sa pinakalumang tao sa pamumuno ni Mavis Policarpio, salamat! HAHAHAHAHA. Thank you, Mavis. Lagi mo kong tinatawagan kapag nasa office ako. Lahat ng kakalatan sa mga UD ko galing sa 'yo. You inspire me to write better stories. Thank you for sharing your thoughts every chapter simula umpisa. Ang sipag ng updates ko ay dahil sa 'yo. Thank you!

Sa inyong lahat na nagbasa, nagbabasa at magbabasa nito. Maraming, maraming salamat. Hindi pa dito natatapos ang ka-epal-an ko. May kasunod na 'to agad. Real Sisters Trilogy at Rich Bitch Series: Mondragon Empire. Parehong kwentong sisters. Hindi ko alam kung anong mauuna pero pareho na naka-post mga book 1 ng dalawang 'yan.

Alam niyo ba, dalawa pa 'yang balak ko gawaan pero may kasunod na agad 'yan sa isip ko? 'Yong series na visuals ko Bangtan. 👀 Tapos... Kung ipamimigay si Kuya Dex, bakit sa 'yo? Hehe.

FIX ME Series, SIGNING OFF.



~ daye ❣️

Kerren, I Will Fix YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon