Chapter 1

19 5 0
                                    

Wake Up, Montero

Ezra's POV

Naglalakad na kami papunta sa main gate ng school dahil uwian na. As usual kasama ko si Ashley. Lagi naman e. At si Cam na kanina pa buntot nang buntot sa amin. Ano bang problema ng isang 'to?

"Bakit ba sa amin ka sunod nang sunod ha?" Iritableng tanong ni Ashley kay Cam na inosente namang tumingin sa amin.

"Ayaw n'yo? Sus kunwari pa talagang ayaw n'yo e 'no?" Mahangin na tono ni Cam na namulsa pa at tumawa-tawa. Napangiwi naman ako. Kahit kailan talaga ang isang ito ay wala nang pinagbago.

"Hindi pa kasi pumapasok sina Duke at Kerson kaya sa inyo muna ako hahaha." Dagdag pa ni Cam na may kasama pang pagkindat.

"Oo nga ano? Hindi ko pa sila nakita ngayon. Kaklase ulit natin sila?" Tanong ni Ashley. Tumango-tango naman si Cam bilang pagsagot.

"Mas gugulo pa pala ang mundo natin kung gan'on?" Sabat na tanong ko kay Ashley na tinawanan naman nilang dalawa.

"Parang ganoon na nga, Dyosa." Sagot ni Ashley at tumawa ulit. Habang naglalakad ay napagkuwentuhan namin ang mga absent na sina Duke at Kerson, ganoon na rin ang magkaklaseng si Venus at Xavier.

"Balita ko ay bukas yata papasok si Ven, kauuwi lang daw kasi nila from Mindoro kahapon kaya hindi muna s'ya pinapasok ng parents niya." Pagkukuwento ni Cam na may kasama pang buntong hininga.

"Ano't may pagbuntong hininga ka diyan? Hahaha." Natatawang puna ko sa kaniya kaya parehas namin siyang tinignan ni Ashley.

"Wala naman. Dapat pala hindi na rin muna ako pumasok ngayon kasi hindi naman pala sila mga pumasok." Sa tono ni Cam ay mukha talaga siyang dismayado. Sa 'di kalayuan naman ay natanaw ko ang ilan sa mga transferees ng section namin. Nauuna silang maglakad kaysa sa amin. Parang nagblublured ang paningin ko noong makita ko ang kambal na sina Dan at Drake na seryosong naglalakad at kagaya namin ay mga pauwi na rin siguro.

"Jongga, 'yung kambal oh!" Turo ko sa kambal. Nakita ko namang ngumiwi si Ashley habang nakatingin din sa itinuturo ko.

Nakahiwalay sina Dan at Drake sa kumpol ng mga transferees na naglalakad. Nag-uusap silang dalawa na para bang sila lang ang nagkakaintindihan. At habang pinagmamasdan ko sila sa kalagitnaan ng hallway ay doon ko napansin na may pagkakaiba rin pala sila sa isa't isa.

Masasabi kong iisa lang ang mukha nila pero ang isa sa kanila ay may nunal sa ilalim ng kaliwang mata, si Dan. Medyo maliit lang ang nunal nito kaya hindi madaling makita kung titignan mo mula sa malayo. Hindi ko alam kung bakit sa kanilang dalawa ay si Dan ang nakakuha ng atensyon ko. May kakaibang kaba akong nararamdaman sa kan'ya.

Iisa nga ang mukha nila pero magkaibang-magkaiba sila ng galaw. Si Drake ay ang gaan-gaan panoorin, lagi siyang nakangiti. Mas lalo s'yang gumugwapo sa mata ko sa tuwing ngumingiti s'ya o tumatawa. Samantalang si Dan, laging nakatikom ang bibig. Para bang mas nagsasalita ang mga mata n'ya kaysa sa labi niya. Katabi ko s'ya sa upuan kanina kaya ang dami kong napapansin sa kaniya. Ni hindi n'ya nga ako inimikan buong araw. Pakiramdam ko rin ay wala akong katabi.

Seryoso lagi siya kung tumingin. Bilang na bilang din ang mga galaw niya, hindi kagaya ni Drake na halos binabati ang lahat ng nakasasalubong nila. Kapag si Dan ay dare-daretso lang, walang pakialam. Siguro ay masasagasaan n'ya talaga ako kapag nakaharang ako sa dinaraanan n'ya. Nasa ganoong pag-iisip ako noong nagsalita si Ashley sa tabi ko.

"Nako, Ezra. Tigil-tigilan mo ako ha? Ikaw na lang. Kung gusto mo iyo na 'yan parehas." Sagot n'ya at kinuha ang cellphone n'ya sa bulsa. Maya-maya pa ay ngumiti na s'ya habang may binabasa.

Montero Anthology: Wake Up, MonteroWhere stories live. Discover now