Chapter 5

8 5 0
                                    

Wake Up, Montero

Ezra's POV

Binitbit ko ang sapatos ko at padabog na naupo sa sofa ng aming salas. Hanggang ngayon kasi ay naiiyamot pa rin ang sistema ko dahil sa eksena ni Dan at Xavier kanina. Naiinis ako na kailangan pa isali si Bryan sa usapan tapos 'yung naging sagot pa ni Dan sa tanong ni Xavier.

“I’ll ask you again. Are you Ate Ezra’s boyfriend?”

"What if I am?"

Napasabunot ako sa ulo ko nang maalala ko ulit ang usapan nila kanina. Inumpog-umpog ko rin ang ulo ko sa sofa dahil hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Naiinis ako na hindi ko malaman. Nasa ganoong posisyon ako noong marinig ko si Papa na nagsalita, kaya inangat ko ang tingin ko sa direksyon n'ya.

"Ezra, anak. Anong nangyayari sa 'yo?" Takang tanong ni Papa habang nakakunot ang noo at may hawak na mug at nakita kong umuusok ang ibabaw no'n.

Inayos ko muna ang pagkakaupo ko bago sumagot. "Papa, wala lang hahaha. Nag-try lang ako mag-acting." Palusot ko na tinawanan lang ni Papa. Maya-maya pa ay naupo s'ya sa tabi ko at bumuntong hininga.

"Naalala ko sa 'yo 'yung ka-trabaho ko dati. Gan'yan din s'ya kabaliw, nagmumukmok sa sofa. Lagi pati s'yang late sa trabaho hahaha, I wonder kung kumusta na ang isang 'yon?" Ngumiti pa si Papa habang inaalala ang taong kinukuwento n'ya sa akin.

"Parang ngayon mo lang s'ya nabanggit, Papa." Usisa ko pa. Tumawa naman si Papa.

"Hahaha, ngayon ko kasi s'ya naalala dahil sa 'yo. S'ya 'yung pinakasalan no'ng katrabaho kong si RD." Napahawak ako sa bibig ko dahil hindi ko napigilan ang ngumanga.

"What? May asawa talaga 'yung Tito nina Xavier? Parang wala naman, Papa. Kasi wala naman silang nababanggit." Nagiging tsismosa na talaga ako sa mga oras na ito dahil naiintriga ako sa lovelife ng Tito nina Xavier na si Tito Renz Dennis. May pagkamisteryoso 'ata ang lovelife n'ya.

"Hahaha oo naman, mayro'n. One of our former architects in the company." Umayos ng pagkakaupo si Papa at ipinatong ang mug na hawak n'ya sa maliit na mesa na nasa harapan namin. Naramdaman ko namang magkukuwento si Papa kaya umupo rin ako sa mas kumportableng paraan.

"Nandoon ako noong kasal nila sa Hawaii kaya alam ko, tsaka nakakasama ko sila sa trabaho noon. Well, bigla lang silang nawala dalawa." Pagpapatuloy ni Papa na ang atensyon ay nasa mug na nakapatong sa lamesa.

"Bakit?" Tanong ko.

"May insidente na nangyari sa bahay nila at buong akala namin ay nasunog si RD sa pagsabog." Tumitigil muna si Papa at umiling-iling. "Ewan ko, basta ilang buwan ang lumipas, nabalitaan ko na lang na she resigned sa Company. Tapos almost a year, nabalitaan namin na buhay pala itong si RD at magkasama silang dalawa."

Napanganga ako sa nalaman ko. "Woah, action star ba silang dalawa? Galing ah." Sambit ko pa na ikinatawa ni Papa.

"Hahaha basta ewan ko ulit, may dumating na lang na invitation sa company namin na nagsasabing invited kaming lahat sa kasal nilang dalawa sa Hawaii. Late ko na nalaman na isang Montero pala 'yon si RD." Ngiti ni Papa, pagkatapos noon ay kinuha ulit n'ya ang mug n'ya at muling uminom doon. Napailing naman ako, nabitin kasi ako sa kinuwento n'ya.

"'Yon na 'yon? Iyon na ang kuwento mo, Papa? Ang short naman." Mangot ko.

"Oo, iyon lang. Kasi sa trabaho ko lang naman sila nakakasama, hindi ko na alam ang mga personal nilang buhay, anak. Mukha ba akong tsismoso? Ikaw talaga napakatsismosa mo." Usal ni Papa bago s'ya nagwalkout para bumalik sa kusina. Ako naman ay pumasok na lang sa kuwarto para maligo at doon ko ipinagpatuloy ang pagmumukmok ko.

Montero Anthology: Wake Up, MonteroWhere stories live. Discover now