Chapter 4

10 5 0
                                    

Wake Up, Montero

Ashley’s POV

Nasa bakuran kaming lahat ng bahay nina Venus at nag-iihaw ng barbeque, tinapay, at hotdog para may makain kami. Mag-iisang oras na kaming nandito sa bahay nila at ngayon lang namin naisipang maghanda ng merienda dahil tanong nang tanong si Venus kung bakit bigla kaming napabisita rito.

Sinabi naman ni Cam na kaya kami nandito ngayon ay dahil maniningil sila ng pasalubong. Kaya lang sabi ni Venus ay nakalimutan n’yang bumili kaya nag-ihaw na lang kami ng pagkain.

Samantalang si Xavier ay nag-order ng pagkain sa isang mamahaling restaurant dahil hindi raw s’ya kumakain nitong mga iniihaw namin. Hindi na ‘yon nakakagulat. Simula kasi no’ng bata pa sila ng kapatid niya’y pang-mayaman na pagkain na ang nakasanayan nila. Gano’n sila ka-spoiled sa mga magulang nila.

Siya nga pala, Ven. Si Drake, bagong member ng tropa.” Narinig kong pagpapakilala ni Duke kay Drake habang pinapaypayan ko ang iniihaw namin.

“Hello, Kuya Drake! Call me Ven para isahang pag-pronounce na lang.” Narinig ko ring sabi ni Ven kaya tumingin na ako sa kanila at naabutang kong nagkakamayan na silang dalawa ni Drake.

“May kambal ‘yan, kaso hindi sumama.” Sabi pa ni Duke habang nagkakamayan ang dalawa. Tumingin naman si Ven sa kaniya at nagtanong. “Ay sayang. Bakit naman?”

“Nag-date sila ni Ezra hahaha!” Sigaw ni Kerson sa gilid at sabay kaming naubo si Kurt. Nagsitawanan naman silang lahat, lalo na si Cam na rinig na rinig ang tawa sa buong bakuran sa sobrang lakas.

Si Venus naman ay halatang nagulat. “Date? Hala, boyfriend na s’ya ni Ate Ezra?” Tanong n’ya na gulantang pa rin.

“Friendly date muna, ‘oy. Masyado kayong advance.” Pagsingit ni Cam at tumabi sa akin para makakuha ng pagkain. Sinamaan ko naman s’ya ng tingin dahil sigurado akong papakyawin n’ya ang mga ‘to.

Pero seryoso talaga? Nagd-date sila ni Ate Ezra tsaka ‘yung kambal n’ya?” Paniniguro pa ni Venus. Hindi naman s’ya nasagot nina Cam dahil bumalik na si Xavier dala ang inorder n’ya at agad na nagtanong.

“Whose twin is dating Ate Ezra?” Seryosong tono n’ya. Napabuga na lang ako ng hangin. Nakita ko pa ngang nagtuturuan na sina Cam kung sino ang sasagot sa tanong ni Xavier.

Sa huli, si Kurt ang sumagot dahil nagtuturuan pa rin ang tatlo. “Wala, Xavier. They’re just joking around.” Sabi n’ya at umalis sa tabi ko para akbayan si Xavier at inayang umupo sa patio chair na nandito. May kung ano pa s’yang binulong dito na hindi na namin narinig.

Ipinagkibit-balikat ko na lang ‘yon at nagsimula nang kumain. Naupo naman bigla si Drake sa harap namin ni Cam para makakuha rin s’ya ng pagkain.

“Galit ba si Xavier?” Tanong n’ya habang kumukuha s’ya ng barbeque.

Tinuro ko naman ang sarili ko para malaman kung ako ba ang tinatanong n’ya o si Cam sa tabi ko.

“Ikaw.” Sambit n’ya at mahinang natawa.

“Si Kurt na ang bahala sa kaniya.” Sagot ko na lang dahil hindi ko naman alam kung galit ba si Xavier. Basta ang alam ko lang, seryoso s’ya ngayon.

E 'di galit nga?” Nag-aalalang tanong n’ya ulit. Si Cam na ang sumagot sa kaniya dahil inunahan n’ya ako magsalita.

“Siguro? Bryan forever ‘yan si Xavier e hahaha. Ayaw n’yang may id-date na iba ang Ate Ezra n’ya.” Binatukan ko naman si Cam dahil sa naging sagot n’ya kaya napa-aray s’ya. Hindi naman ako nagsorry dahil bagay lang ‘yon sa kaniya. Ang daldal n’ya kasi.

Montero Anthology: Wake Up, MonteroWhere stories live. Discover now