Chapter 7

13 5 0
                                    

Wake Up, Montero

Drake's POV

"Hay nako, Lunes na naman. Tinatamaan na naman ako ng katamaran." Mukmok ni Cam habang nakaupo sa upuan n'ya at nag-iinat pa.

Tinatamad pa talaga s'ya sa lagay na 'yon? E s'ya nga ang laging nauuna na pumasok sa classroom. Mas nauuna pa nga s'ya sa mga teachers minsan. Napailing na lang ako, kung ganoon s'ya lagi kaaga pumasok ay sana isinasabay n'ya na si Ezra para 'di na nalalate 'yung isa. Tutal, sabi naman nila na magkapit-bahay sila.

"Tinatamad ka? Ako'y hindi hahaha." Sabat naman ni Duke na tumatawa pa.

"Ay same. Excited ako e hahaha. Nandito na kasi si Bryan 'di ba?" Si Kerson naman na katulad ni Duke ay tumatawa.

"Manahimik nga muna kayong dalawa. Ang iingay n'yo!" Malakas na boses ni Cam kaya mas lalong tumawa ang dalawa na nasa magkabilang gilid n'ya.

"Bakit ba gan'yan ang itsura mo ha, Cam? Kinulang ka ba sa tulog?" Tanong ni Kerson. Ako naman ay nakikinig lang sa kanila dahil wala naman akong magagawa. Siguro nga ay kahit takpan ko ang tainga ko ay maririnig at maririnig ko pa rin sila. Lalo na't nasa unahan ko lang silang tatlo.

"Kasi naman, ako ang ginawang new President sa Art Club. Like---duh? Bakit ako? Ayoko nga ng maraming responsibilidad sa buhay." Mukmok ni Cam, kaya mas tinawanan s'ya nina Duke at Kerson. Medyo natawa rin ako sa sinabi n'ya kaya napatingin silang tatlo sa akin.

"Speaking of Club, kayo ba, may sinalihan na kayo?" Tanong ni Kerson sa akin.

Tumango ako. "Oo, nagtry out ako sa chess, iyon nakapasok naman ako." Sagot ko, napadako naman ang mata ko kay Dan na busy sa pagbabasa ng libro at mukhang walang pakialam sa amin. Katabi ko lang s'ya pero ang pakiramdam ko ay wala s'ya rito.

"Ikaw, Dan. Saang club ka sumali?" Tanong ko para mawala ang tingin n'ya sa librong binabasa n'ya. Pero hindi naman s'ya natinag sa pagbabasa, sumagot s'ya nang hindi tumitingin sa akin.

"I'm not interested."

Napataas na lang ako ng dalawang kilay at itinuon ko na lang ang atensyon ko kay Kerson. "Kahit kailan talaga 'yang kakambal mo, napakasungit." Bulong n'ya pa.

Tumawa na lang ako. Noon pa man talaga ay ganoon na kausap si Dan. Hindi naman ako nagagalit kapag ganoon ang approach n'ya sa akin. Sanay na akong ganoon s'ya at sa tingin ko ay wala namang mali doon.

"S'ya nga pala, balita ko ay bumalik na rin kaagad si Sir RD sa Hawaii kahapon." Pag-iiba ni Kerson ng usapan. Medyo nagulat naman ako dahil nakaalis na pala si Sir RD kaagad, ni hindi ko nalaman kung isinama ba n'ya kami Dan doon sa offer n'ya.

Hindi ko na kasi s'ya nakausap noong nandoon kami sa bahay nina Xavier. Pagkatapos kasi naming kumain ay pumasok na s'ya sa loob ng bahay. Maging noong dinner na ay hindi na rin s'ya nagpakita pa. Hanggang sa umuwi na kami.

"Talaga? Ano 'yon? Isang araw lang s'ya nag-stay? Kakaiba ha? 'Di ba s'ya tinatamaan ng jet lag?" Pag-uusisa rin ni Cam.

"Ewan ko, may private plane naman sila kaya makakaalis s'ya kung kailan n'ya gusto, nasaang lupalop man s'ya ng mundo."

Nagpatuloy pa ang usapan nila at hindi na ako nakisali pa dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. Nakikinig lang ako para aware pa rin ako sa pinag-uusapan nila.

"Muntik na akong atakihin sa cells last Saturday night." Seryosong sambit ni Cam. Kumunot naman ang noo namin at hinihintay ang mga susunod niyang sasabihin. Napabuntong hininga pa s'ya bago nagsalita ulit.

Montero Anthology: Wake Up, MonteroWhere stories live. Discover now