Chapter 9

12 3 0
                                    

Wake Up, Montero

Ezra’s POV

“Hoy! Dyosa, nasaan ka na ha? Baka nakakalimutan mong tayo ang magbabantay ng booth ngayon?”

Iyon agad ang bungad ni Jongga sa akin no’ng sinagot ko na ang tawag n’ya. Pasigaw n’ya pang sinabi ‘yon kaya bahagya kong nilayo ang cellphone sa tainga ko. Ni-loud speaker ko na lang din ang tawag dahil bumangon na ako para maghanda.

“Natulog ulit ako e. Good morning pala, hehe.” Sabi ko habang kumukuha ng tuwalya at pumasok na sa banyo dala ang cellphone ko.

“Walastek ka talaga aba. Bilisan mo na diyan at kailangan na ang presence mo dito.”

At binaba na n‘ya ang tawag kaya naligo na ako. At syempre, nagtagal ako sa banyo kasi wala namang pasok at sure naman akong opening program pa lang ang ganap do’n sa school.

Iyon ang akala ko. Dahil pagdating ko sa school, busy na ang lahat sa mga booths nila at kinabahan talaga ako dahil dalawa nga kami ni Ashley ang magbabantay do’n at kararating ko lang!

Hala, baka galit na ‘yon.

Lakad-takbo ang ginawa ko para mabilis akong makarating sa booth namin at no’ng nando’n na ako, huminga muna ako nang malalim bago nagpakita sa kanila.

Pumikit pa nga ako kasi in-eexpect ko na pagagalitan ako ni Ashley dahil late ako pero wala namang nangyari.

Oy, ba’t nakapikit ka? Inaantok ka pa ‘no?” Nagmulat naman ako ng mata at si Ashley kaagad ang nakita ko at nakakunot ang noo n’ya sa’kin.

“Hindi ka galit?” Tanong ko at sinuri ang mukha n’ya ng tingin. Hindi naman s’ya mukhang galit, mukha pa nga s’yang good mood e.

“Ba’t ako magagalit? Kasi late ka?” tumawa naman s’ya na may kasama pang paghampas sa braso ko. “Hindi ah! Sanay na ako sa’yo tsaka tinulungan naman ako ni Bryan at Dan. Sila na sumalo no’ng role mo kaya mag thank you ka sa kanila!”

Automatic tuloy akong napatingin kay Bryan na kausap si Kurt ngayon at kay Dan na tahimik lang na nakikinig sa kung ano mang sinasabi ni Drake sa kaniya.

“Haba ng buhok mo ah?” Pang-aasar pa ni Ashley kaya binalik ko ulit ang mga mata ko sa kaniya. Nakangisi s’ya sa akin at halatang may kakaibang iniisip base sa itsura n’ya ngayon.

Bigla naman n’ya akong tinulak-tulak papalapit kay Bryan at Dan kaya nataranta ako, lalo na no’ng sabay na tumingin ang dalawa sa akin! “Hala sige na, magthank you ka na para naman lumamig na ang ulo ng dalawang admirers mo!” Bulong n’ya pa sa akin at iniwan ako para lapitan si Kurt na nakatingin naman sa akin na parang nang-aasar.

Ano bang mayro'n? Alam ko namang kailangan ko talagang magpasalamat sa dalawa sa ginawa nilang pagsalo sa dapat na gagawin ko. Kaya ano ‘tong sinasabi ni Ashley na magpasalamat ako para lumamig ang ulo nila?

Hay, bahala na nga.

“Uh, thank you sa inyo. Pasensya na rin at sobrang late ko...” Sambit ko habang palipat-lipat ang tingin sa dalawa. Pareho naman silang nakatingin sa akin pero si Bryan lang ang nakangiti.

Ano pa ba ang aasahan ko kay Dan? Mauuna pa nga sigurong puputi ang uwak bago ko masaksihan ang pagngiti n’ya o hindi ko na talaga makikita ‘yon.

“No problem.” Ngiti ni Bryan sa akin nang mapatingin kami sa isa’t-isa. Naiilang pa rin ako sa kaniya kaya tinanguan ko na lang s’ya. Gano’n din ang ginawa ko kay Dan dahil wala naman yata s’yang balak na magsalita.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 27 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Montero Anthology: Wake Up, MonteroWhere stories live. Discover now