Chapter 8

10 3 0
                                    

Wake Up, Montero

Ashley’s POV

“Buti wala si Ezra. By the way, nagugutom na ako, Sir.”

Napuno ng tawanan ang classroom namin dahil sa sinabi ni Cam. Maging si Sir Thomas ay natawa rin. Si Bryan at Dan lang ang hindi dahil hanggang ngayon ay nakatingin sila sa isa’t-isa na parang nanghahamon.

“May sarili silang mundo,” bulong ng katabi kong si Drake na nakatingin din pala sa kambal niya at kay Bryan.

“Oo nga e. Pati ‘yung nga utak nila may sariling mundo,” bulong ko rin at tumawa lang s’ya dahil nagsalita si Sir Thomas.

“Ah, yes. Break time na pala, masyado akong natuwa sa sagutan ni Mr. Alcantara at Mr. Matteo,” tumigil saglit si Sir Thomas sa pagsasalita para tumawa. Hindi naman ako tumawa dahil hindi naman ako natuwa sa sagutan ng dalawa gaya niya, more like nalula ako dahil wala akong maintindihan. “Before I dismiss all of you, I just want to say that our foundation will be next month. Last week of the month iyon and it will be a one week celebration.”

Bigla akong na-excite sa sinabi ni Sir kaya umayos ako ng upo.

“Sino nga ulit ang president dito?” tanong ni Sir at iginala ang tingin sa buong classroom.

“Si Dan po, Sir!” Si Cam ang sumagot. Tumango naman si Sir Thomas at tinignan si Dan na tahimik na nakatingin na rin sa kaniya.

“Mr. Alcantara, may meeting lahat ng class president mamayang hapon after ng dismissal. You must be there.”

“Yes, Sir. Thank you.”

At natapos na ang usapan nila. Dinismiss na rin kami ni Sir kaya ngayon naglalakad ako papunta sa cafeteria kasama si Kurt at Bryan. Si Ezra naman ay hindi pa rin bumabalik, siguro tuwang-tuwa na sa pagiging manager n’ya kaya nakalimutan na n’yang may klase pala.

“He’s the class president? How? Hindi s’ya mukhang approachable.” Tanong ni Bryan sa amin.

“Kasi binoto s’ya?” Wala sa sarili kong sagot. Tumawa naman si Kurt at inakbayan ako. Si Bryan naman ay tinignan ako nang masama kaya nag peace sign ako sa kaniya.

“He’s responsible, Bry.” Matinong sagot ni Kurt.

Hindi na ulit nagsalita o nagtanong pa si Bryan hanggang sa makarating kami sa cafeteria. Nagulat pa nga ako nang bilisan n’ya ang paglalakad papunta sa kung saan at ngumiwi na lang ako dahil naglalakad pala s’ya papalapit kay Ezra.

Kasama ni Ezra ngayon si Xavier at Venus. Kumakain sila at nag-uusap. Natigil lang nang mapansin nila si Bryan sa harap nila. Umupo naman si Bryan sa tabi ni Ezra kaya natatawa kaming lumapit ni Kurt sa pwesto nila para do’n na lang din umupo.

“Ate Ashley! Kuya Kurt!” Si Venus ang unang nakapansin samin kaya kinawayan ko s’ya. Si Kurt naman ay ginulo lang ang buhok n’ya.

“So Kuya Bryan, you’re already studying here, huh?” Nakangising sabi ni Xavier habang umuupo ako sa kabilang gilid ni Ezra.

Nakita ko namang tinulak ni Kurt si Bryan para s’ya ang makatabi ni Ezra. Sinamaan tuloy s’ya ng tingin ni Bryan na tinawanan lang n’ya.

“Yes, Xavier. Tito Lucas arranged everything for me,” sagot ni Bryan at doon na sa tabi ni Xavier umupo dahil nga tinulak s’ya ni Kurt.

“That’s good, and now that you’re finally back, you and Ate Ezra can clear things out,” sabi na naman ni Xavier kaya nag-aalala akong tumingin kay Ezra na tahimik na ngayon.

Montero Anthology: Wake Up, MonteroWhere stories live. Discover now