Chapter 3

11 5 0
                                    

Wake Up, Montero

Drake's POV

Mukhang uulan na anumang oras dahil nagsisimula na ang pagdagundong at pagdilim ng kalangitan. Wala pa naman akong dala na kahit anong panangga sa ulan. Bigla ay napatingin ako sa direksyon ni Dan, sana naman ay makauwi na kami bago pa ito magsimulang pumatak.

"Hoy, Ezra. Kumibo ka d'yan hahaha." Kanina pa napupuno ng tawa nina Kerson, Duke at Cam ang jeep na sinasakyan namin ngayon at kanina pa rin nila pinagt-tripan itong si Ezra. Buti na lang at kami na lang ang pasahero rito, kundi ay nakakahiya sa ibang mga nakasakay. Hindi ko rin naman sila masuway dahil mukhang sanay sila sa ganoon.

"Hala ka? Hindi ka na talaga kumibo? Nagdadalaga ka na ba? Hahaha." Dagdag pa ni Duke at nagsimula na naman silang magtawanan.

Pero ano nga ba ang nangyari sa babaeng ito at bigla ngang nanahimik? Hindi rin s'ya gumagalaw sa kinauupan n'ya. Natatakot ba s'ya na baka masagi n'ya si Dan na katabi n'ya? Hahaha.

"Nagtataka talaga ako sa 'yo, Ezra." Pagpapanimula ni Cam kaya sa kan'ya naman napunta ang atensyon ko. "Bakit kailangan ka pa namin puwersahin kanina para sumama ka sa table namin sa cafeteria para kumain? Para ka ring laging patakbo. May tinataguan ka ba?" Dagdag n'ya pa.

Bigla namang nagsalita si Kerson na nakaupo sa kanang bahagi ko. Katabi ko kasi silang tatlo, samantalang sina Dan at Ezra naman ay nasa kabilang bahagi ng jeep na katapat namin.

"Oo nga, Ezra. Kung hindi ko pa hinawakan ang kamay mo sa ilalim ng lamesa ay sigurado akong tinakbuhan mo kami." Sabat ni Kerson. Pero sa sinabi niyang iyon ay nakita ko ang paglapat ng paningin ni Dan sa kan'ya na ikinagulat ng sistema ko. Teka, anong nangyari?

"Ano? Anong ginawa mo?" Pag-uulit ko sa sinabi ni Kerson. Hinintay ko ang pagsagot n'ya pero sa reaksyon ako ni Dan nakabantay. Anong mayroon at tinignan s'ya bigla ni Dan ng ganoon? Bibihira lang maglapat ng atensyon si Dan sa iba, lahat ng ibang tao ay nilalagpasan n'ya lang ng tingin. Kung ako nga minsan ay hindi n'ya rin pinapansin.

"Hinawakan ko 'yung kamay n'ya sa ilalim ng lamesa. Paano kasi e tatakbo s'ya paalis. Iyon, hinawakan ko para 'di makakawala hehehe." Bungisngis na sagot ni Kerson. Tinignan ko naman ang reaksyon ni Dan, pakiramdam ko ay may iba talaga dahil nakapako talaga ang tingin n'ya kay Kerson.

"Ang lamig nga ng kamay n'ya e hahaha." Dagdag pa ni Kerson, doon ay narinig ko ang mahinang pagtikhim ni Dan. Ano bang reaksyon 'yon?

Dumaan pa ang ilang mga araw, at wala na ulit akong ibang napapansin kay Dan. Ganoon ulit s'ya, titignan ka lang kapag kinakausap mo s'ya, magsasalita lang kapag tinatanong s'ya o kung may itatanong s'ya. Siguro nga ay na-excite lang ako noong nasa jeep kami. Akala ko ay nabuhay na ang pagiging tsismoso sa dugo n'ya. Hindi pala.

"Hoy, Ashley! Hinahanap ka ng President ng Science Club. Nakasalubong ko kanina." Malakas na boses ni Duke na nakatayo pa sa may pintuan ng classroom at mukhang kararating lang.

Agad namang napatayo si Ashley na katabi ko lang ng upuan. Pakiramdam ko tuloy ay lumindol dahil napakalikot n'ya kumilos. Ilang araw na akong nagtitiis sa kalikutan n'ya hindi ko na lang talaga pinapansin.

            Ashley-Drake-Dan-Ezra

Sa sitting arrangement pa lang namin ay nabibingi na ako. Dalawang linggo na, mabuti na lang at lumipat na ng upuan si Ezra kaya bakante na ang katabing upuan ni Dan, dalawang araw na.

"Weh? 'Di nga?" Sagot ni Ashley. Sa tono n'ya ay parang ang taray ng boses n'ya. Palaaway yata ang isang 'to.

"Oo nga. Nandoon sila sa baba kasama 'yung iba pang members." Sa sagot ni Duke ay doon na nagkaripas nang takbo si Ashley palabas. Sinundan ko naman s'ya ng tingin. Kanina lang ay parang ang taray n'ya ngayon naman ay parang natakot s'ya.

Montero Anthology: Wake Up, MonteroWhere stories live. Discover now