Prologue

20 5 0
                                    

Wake up, Montero

Ashley’s POV

Unang araw ng pasukan ngayon kaya maaga akong pumasok, nakakahiya naman kasing ma-late ulit ako for the second time. Though, na-late lang talaga ako last year dahil sa traffic.

Jongga, nabalitaan kong maraming transferees ngayon.” Sambit ng kaibigan kong si Ezra na first time magsalita ngayong araw. Naglalakad kaming dalawa ngayon patungo sa magiging classroom namin at sinuswerte talaga kaming dalawa sa buhay dahil magkaklase kami until now.

"Sana naman ay magkaroon ka na ng bagong crush." Sagot ko na tumalon-talon paakyat sa hagdanan, ginaya rin ako ni Ezra kaya para kaming magagandang palaka rito. Nasa 3rd floor na kami kung nasaan ang classroom namin at medyo marami na ang mga estudyante roon, karamihan sa kanila ay transferee dahil hindi sila naka-uniform.

Nakatingin ang iba sa amin at mukhang nagtataka pa kung bakit patalon-talon kami rito kaya nakaramdam ako ng hiya at napatigil sa pagtalon.

"Next time na lang ulit tayo tumalon, Dyosa. Pinagtitinginan na kagandahan natin e." Bulong ko kay Ezra kaya tumigil na rin s'ya.

Dyosa ang tawag ko kay Ezra at Jongga ang tawag n'ya sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit ganoon. Basta binansagan na lang kami bigla ng isang kakilala na hindi ko puwedeng i-mention ang name dahil babatukan ako ni Ezra. Iyon na nga, sinubukan naming tawagin ng gano'n ang isa't isa hanggang sa nasanay na kami kaya ginawa na naming official na tawagan ito.

Ang cute at unique nga e, Dyosa at Jongga.

"11-C...11-D...12-A!" Tinignan ko si Ezra at nakita kong pumapalakpak na s'ya ngayon habang nakaturo sa pintuan ng isang classroom na may 12-A na nakaukit. "Pumasok na tayo, baka mamaya wala ng vacant seats." Aya n'ya pa sa akin kaya ako na mismo ang nagbukas ng pintuan.

Tumambad sa amin ang mga magiging kaklase namin na sobrang tahimik. Halos lahat kasi sa kanila ay transferee kaya naiintindihan ko kung bakit tahimik pa sila ngayon. Mayroon din kaming kakilala ni Ezra roon na ngumingiti sa amin na nginingitian naman namin pabalik.

"Sa likuran tayo umupo para malapit sa aircon." Sabay na bulong namin ni Ezra sa isa't isa at sabay pa kaming tumawa kaya nakipag-apir ako sa kaniya.

Pag-upo namin ay inilibot ko ang paningin sa buong classroom. Ilang taon na akong nag-aaral dito pero namamangha pa rin ako sa mga silid-aralan. May aircon ang bawat classroom. Sobrang approachable rin ng lahat ng teachers dito kaya gaganahan ka sa pag-aaral, maliban na lang talaga kung tamad ka mag-aral.

"Woah! Kaklase ko na naman kayo!" Hiyaw ni Cam na kapapasok lang at nakangisi na sa amin ni Ezra. Napatingin din sa kaniya ang lahat ng taong naroon, sino ba naman ang hindi? Ang lakas kaya ng boses n'ya.

"At kaklase ka na naman namin." Sabi ni Ezra kaya mas lalong ngumisi si Cam at nagpogi sign pa sa amin.

"Hahaha! Ayaw n'yo no'n? May kaklase na naman kayong pogi?" Guwapong-guwapo talaga sa sarili ang isang 'to.

"Anong pogi? Sawang-sawa na kaya ako sa pagmumukha mo." Asar ko, hinampas n'ya naman ang desk ko kaya natawa kami ni Ezra.

"Wala kang taste, Ashley." Nagmake-face lang ako sa kaniya at tinaboy na s'ya. Hindi naman s'ya umalis, tinalikuran n'ya lang kami at umayos na ng upo sa harap namin.

Nagsimula namang umingay ang room dahil mas dumami ang mga pumasok, kahit hindi pa magkakilala ay nagdadaldalan na sila, ito namang si Cam ay parang tumatakbo bilang Mayor dahil nakikipagkamayan na s'ya sa iba.

Montero Anthology: Wake Up, MonteroWhere stories live. Discover now