Chapter 2

15 5 0
                                    

Wake Up, Montero

Ashley's POV

Natigil ako sa paglalakad at pag-aayos ng buhok ko nang mapansin si Ezra na tumatakbo sa hallway ng floor namin. Agad na kumunot ang noo ko dahil mukha siyang natataranta.

Natatae na naman ba siya?

Lihim akong natawa sa naisip bago naglakad at inayos ulit ang buhok ko. Hindi ko na susundan si Ezra. Ayokong ma-haggard nang ganito kaaga 'no? Hihintayin ko na lang siya bumalik sa classroom at sure naman akong tatae lang 'yon hahaha.

Binuksan ko ang pintuan ng classroom namin at napangiwi ako sa ingay na sumalubong sa akin. Maingay rin kahapon pero mas maingay ngayon.

Napabuga na lang ako ng hangin nang mapagtanto ko kung bakit sobrang ingay ngayon. Nandito na kasi ang dalawang tropa ni Cam na si Duke at Kerson na pinaglihi rin sa megaphone. Kung nandito na sila, edi mas lalong gugulo ang buhay namin ni Ezra. Madalas pa naman kaming pagtripan ng tatlong 'yon dahil alam nilang hindi kami nagagalit.

"Hoy, Ashley! Ang laki ng eye bags mo!" Sinamaan ko naman ng tingin si Kerson dahil sa sinabi niya. Siya ang unang nakapansin sa akin at pinuna n'ya kaagad ang mata ko.

"May ka-late night talk kasi ako. Ikaw, wala." Pambabara ko at umupo na sa upuan kong sobrang lamig na dahil katabi ko ang mahiwagang aircon. Nandito na rin pala ang kambal at tahimik lang sila, pero si Drake ay nakangiti.

Hindi ko na sila tinignan pa dahil narinig ko na ang mga nakakairitang tawa ng tatlong megaphone.

"Foul on Ashley, Kerson will shoot two free throws." Nangunot ang noo ko sa narinig mula kay Duke.

Bakit biglang naging basketball 'to?

"Tigilan n'yo nga ako." Sabi ko na lang at kinuha ang cellphone sa bag ko pero hinablot naman 'yon ni Cam at nakita ko pang pinindot n'ya ang camera at nagpicture-picture silang tatlo.

Nagbuntong hininga na lang ako at hinayaan sila. Ilang taon ko na rin silang kaklase at nasanay na ako sa mga kaabnuan nila sa buhay na palagi akong nadadamay.

Maya-maya lang ay pumasok si Ezra sa classroom at may binubulong pa sa sarili n'ya. Nakita s'ya nina Kerson kaya bigla na lang s'ya hinila ng mga ito na ikinagulat n'ya.

"Hahaha! Ang epic ng mukha mo rito Ezra!" Si Duke na s'yang may hawak ng cellphone ko ngayon. Hindi naman s'ya pinansin ng kaibigan ko. Dire-diretso lang kasi ang lakad nito papunta sa upuan n'ya at nang makaupo ay sinubsob agad ang mukha sa desk.

"Luh! Brokenhearted pa rin ba 'yan?" Si Duke ulit na nasa harap ko na pala at nilalahad ang phone ko sa akin. Tinanggap ko naman iyon at inilagay na ulit sa loob ng bag ko.

Hindi ko sinagot ang tanong ni Duke at inilapit na lang ang tainga ko kay Ezra dahil may binubulong na naman siya.

"Dapat hindi ako ganito...dapat hindi ako ganito...dapat hindi ako ganito..."

"Oo, dapat hindi ka ganiyan dahil hindi kita maintindihan." Pag-uumepal ko.

"Ay patatas ka!" Malakas na sigaw niya at sinamaan ako ng tingin nang magsalubong ang mata namin.

"Ang ganda ko namang patatas." Mas lalo lang sumama ang tingin niya sa sinabi ko kaya natawa ako. "Anong nangyari sa 'yo? Nagcha-chant ka pa. May isusumpa ka ba?"

Umiling naman siya bago nagstraight body na animo'y handa na ulit s'ya sa kung anong hindi ko alam. "Kaya ko 'to." Proud n'ya pang sinabi. Pagkatapos ay inilabas na n'ya ang notebook at ballpen para magdrawing.

Montero Anthology: Wake Up, MonteroWhere stories live. Discover now