Chapter 6

7 5 0
                                    

Wake Up, Montero

Drake’s POV

Dahan-dahang napawi ang ngiti sa labi ko nang hindi pinansin ni Sir RD ang sinabi ko at tinalikuran pa ako.

Aaminin kong medyo na-offend at nalungkot ako sa inakto n’ya kaya inisip ko na lang na kadarating lang n’ya at baka pagod pa s’ya sa naging byahe n’ya. Pero lahat naman ay pinansin n’ya, bakit pagdating sa akin, hindi na?

“Tanungin mo na lang ulit si Tito RD mamaya, Drake. Baka pagod lang sa byahe.” Napatingin ako kay Kurt na nasa tabi ko at nagsalita. Hindi naman ako nakasagot dahil nagsalita rin si Ashley na nasa kabilang gilid n’ya lang.

“Sasamahan kita mamaya, gusto mo? Magpapa-autograph din ako sa kaniya e hahaha.” Tumawa pa s’ya at may inilabas na notebook at ballpen sa shoulder bag na dala n’ya.

Nginitian ko na lang silang dalawa dahil halata namang pinagagaan nila ang loob ko pero sa ngayon, walang maitutulong iyon. Nasaktan at hindi ko alam kung bakit.

Ngumiti rin pabalik si Kurt at Ashley sa akin bago sila sabay na tumayo at pinuntahan si Bryan na niyayakap ng magkapatid na Montero ngayon.

S'ya pala 'yung Bryan, umuwi na nga pala s’ya. Hindi ko man lang nagawang magulat dahil naapektuhan talaga ako sa hindi pagpansin ni Sir RD sa akin.

Nilapitan na rin si Bryan nina Cam, Kerson at Duke. Kaya maliban sa akin, si Ezra na lang ang tanging nakaupo sa sofa ngayon at base sa itsura niya’y wala s’yang balak na tumayo at makidumog kay Bryan.

“Bryan! Hahaha, ang bilis mong umuwi ah?” Tunog nang-aasar ang malakas na boses ni Cam habang nilalapitan nila si Bryan. Ngumiti lang si Bryan dahil sobrang higpit ng yakap sa kaniya ng magkapatid. Para na nga nilang sinasakal si Bryan sa sobrang higpit ng pagkakayakap nila.

“Ano, sa school ka na rin namin mag-aaral?” Tanong naman ni Duke sa kaniya at naki-yakap na rin saglit.

“Obvious na ‘yan, Duke.” Sabi naman ni Kerson kaya nagtawanan silang lahat. Narinig ko naman ang madramang pagsinghap ni Ezra na malapit lang sa akin.

“Ayos ka lang?” Tanong ko sa kaniya. Tumango lang s’ya sa akin at suminghap ulit.

“Kuya Bryan, hala!” Napatingin ako sa babaeng sumigaw at si Venus pala ‘yon. Nagmamadali s’yang bumaba at nang makababa ay agad na nilapitan si Bryan para yakapin ito.

“‘Yan, nagising na si Venus. Kumpleto na ang tropa, hahaha.”

“Wala nang aalis ulit ah? Ang umalis, pangit.”

Bigla na lang ako nakaramdam ako ng hiya nang marinig ang mga sinabi nila habang nagtatawanan. Pakiramdam ko, hindi ako nababagay rito. Pakiramdam ko, hindi ako isa sa kanila.

Dapat pala hindi na lang ako pumunta rito.

Huminga ako nang malalim at tumayo. Hindi naman nila ako napansin, kahit si Ezra na malapit lang sa akin ay hindi rin napansing tumayo ako kaya naman dire-diretso akong naglakad papunta sa labas at sa pool area ako dinala ng mga paa ko.

Tumigil ako malapit sa swimming pool at tinignan ang repleksyon ko sa tubig. Guwapo naman ako ah? Bakit hindi ako pinansin ni Sir RD? At bakit ba ako nalulungkot ngayon dahil lang sa nasaksihan kong reunion kanina? Siguro dahil napalapit na ako sa kanila at sila ang mga nauna kong naging kaibigan.

Napailing na lang ako sa naisip at inalis na ang tingin sa tubig. Kasabay no’n ay ang pagtulak ng isang tao sa akin.

Hindi naman ako nahulog sa pool dahil nahawakan n’ya ang damit ko pero muntik pa rin akong mahulog!

Montero Anthology: Wake Up, MonteroWhere stories live. Discover now