CHAPTER 2

195 45 2
                                    

YANNA'S POV



Hindi ako makapaniwala na nakikita ko. Like Oh my god. Am I dreaming or already dead? Why am I seeing these people in front of me?

Huling natatandaan ko umuulan ng malakas tapos pauwi ako at nakita yung lalaking nagbigay sakin ng payong. Nakita ko sya kaya sinundan ko pero nawala. Then may napulot akong album at ... at.... Wag mong sabihing nagkatotoo ang wish na yun. HAHAHAHA IMPOSIBLE!

Chineck ko yung ulo ko if masakit ba dahil sa pagkaka-untog ko kanina pero wala akong naramdamang sakit. Tiningnan ko ang katawan ko at nakitang iba na.

Hala bakit ganito. Naging anime character din ang katawan ko. Iba na rin ang suot kong damit. Naka hoodie at jeans na ako at sandals.

Patay! Ano ba tong napasok ko. Imposible talaga eh. Kinurot ko ang sarili ko para gisingin ako sa pangyayaring ito pero walang nangyari at nasaktan lamang ako.

Tumingin ulit ako sa mga taong nasa harap ko at nakilala ko kung sino sila.

"Dare ga?"

"Anatahadare?"

"Daijōbudesuka?"

Hala gagi nagjajapanese sila. Walang subtitle, pag pinapanood ko sila may subtitle kaya naiintindihan ko ang japanese language. Hahaha patay anong gagawin ko nito. Try ko nga mag english.

" Uhhmmm, ehhhh, I'm kinda lost ehe-hehe-he.!"

Nandito ako sa gym ng Nekoma High School. Volleyball team na kinabibilangan ni Kuroo Tetsuro at Kozume Kenma. Pero hindi ko sila makita dito.

"Dō yattekita no?"

Ano gagawin ko nito. Saan ako pupunta pagkatapos nito. Magiging palaboy ba ako dito sa japan. Hala! Bakit kasi may pa wish wish pa akong nalalaman eh. Di ko naisip na wala akong makakasama dito kasi wala naman nakakakilala at nakakaalam kung saan ako nanggaling.

"I'm sorry I can't understand japanese, Y-yaku- san right?"

Actually kilala ko silang lahat. Paulit ulit ko kasing pinapanood itong anime series na to. At sa palagay ko naman mababait sila.

"Why is that? And how did you know my name?"

"B-b..because -- "

Nag iisip ako nang pwede kong sabihin sa kanila. Hindi ko naman pwedeng sabihin na galing ako sa ibang mundo dahil hindi sila maniniwala at baka isipin nila na baliw ako.

"Ohayo! / Ohayo!"

Napatingin kami sa entrance ng may nagsalita mula doon.

Pumasok ang kanilang captain na si Kuroo Tetsuro kasama ang bestfriend nyang si Kozume Kenma na setter ng team nila.

"Kanojo wa daredesu ka?"

"Shirimasen. Kanojo wa michi ni mayoi, watashitachi no gengo o rikai shite inakatta to iimashita."

Nag uusap sila pero hindi ko maintindihan. Bakit kasi walang subtitle dito e.

"Ahh... eehh... Are you talking about me? Can you speak english?"

Tumingin sila sakin na nagtataka pa rin ang mga mukha at parang nagtatanong.

"Eh? Miss, can you tell us what are you doing in this place and why are you locked in that room?" - Kuroo. Patay talaga. Anong sasabihin ko? Hindi ko nga rin alam kung bakit ako nandito.

I Traveled To Another World?! (Kozume Kenma)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon