CHAPTER 29

119 16 0
                                    

YANNA'S POV




Matapos ang tawag ni Satori, nahiga muna ako sa kama para sana magpahinga pero hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Yanna gumising kana.

Yanna kung naririnig mo kami,

Please bumalik kana!

"Yanna!"

Napabalikwas ako ng bangon ng tila may sumigaw sa tenga ko. Hindi ko maintindihan kung ano ang sinisigaw nila pero narinig ko ang pangalan ko. Kinabahan ako at ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Hey, are you okay?" hindi ko napansin na nakaupo si Kenma sa tabi ko at mukhang nag aalala.

"W-what happened?" tanong ko.

"You were sweating and looks like in pain, you won't wake up so I shouted. Sorry."

Tumango-tango ako bilang sagot. Hindi ko matandaan kung ano yung panaginip ko para magmukha akong nasasaktan gaya ng sabi ni Kenma.

"Ahmm.." tumingin ako sa kanya, parang may gusto syang sabihin pero hindi nya masabi.

Hayys kasalanan ko to. Natahimik kasi ako bigla nung tinanong nya kung gusto ko si Kiyoomi. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Dahil pareho ko silang gusto. Hindi ko naman kayang magsinungaling kung sasabihin kong hindi.

Sino nga ba ang mas matimbang para sakin? Alam ko na ngayon na gusto ako ni Kenma at alam kong kabaliktaran ng kay Kiyoomi.

Tinitigan ko si Kenma, at sa sandaling to ay parang nawala yung pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba kanina. At gumaan ang pakiramdam ko. Bakit pakiramdam ko kapag nanjan ka magiging maayos ang lahat? Bumuntong hininga ako bago magsalita. "I'm sorry Pudding."

Nakita kong nagblush sya at sandaling umiwas ng tingin. "Hey why are you looking away?" tanong ko.

"It's been a while since I heard you calling me different names." sabi nya na napakamot ba sa batok. Ang kyooottt!

"Hahah I don-"

"Wanna go out?" pagputol nya sa sasabihin ko.

"Eh? Go where?" tanong ko na nagtataka. Ngayon lang sya nag aya lumabas kase usually mag aaya lang sya maglaro ng video games and that's okay naman with me. At mabuti yun para ma freshen up ako sa nangyare kanina.

"To a happy place. Since you go through some traumatic experience earlier."

"Sure! Let's go!!" masaya kong sagot sa kanya.

"Change your clothes first." opps di pa pala ako nakapagpalit hehe.

"Can I borrow your hoodie?" mas gusto ko na yung mga hoodie ngayon at pants kasi taglamig na dito. At komportable kapag hoodie ni Kenma hehe.

"I'll get one in my room." sabi nya at naglakad palabas ng kwarto.

"Thanks!"

Pagkatapos namin mag-ayos umalis na kami ng bahay. Medyo madilim na pala. Sumakay kami ng bus at hindi ko pa rin pala alam kung saan kami pupunta. Dinala ko lang yung sling bag na may laman na cellphone na dala ko galing real world at wallet. Syempre pera lang laman nun wala akong id eh. Yung cellphone na binili ni Ken nilagay ko sa bulsa ng hoodie para in case na mawala ako o yung bag ko e mahahanap pa rin nya ko kasi naka on ang location hehe.

Hindi nagtagal ay bumaba na kami ng bus. Sinusundan ko lang ang paglalakad nya hanggang sa makarating kami sa "Amusement park?"

"Yea, there's many things to enjoy here. Why, don't you want here?" tanong nya.

I Traveled To Another World?! (Kozume Kenma)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon