CHAPTER 38

123 16 0
                                    

YANNA'S POV





"I'm sorry Kiyoomi, but can you go on ahead? I forgot something." Palusot ko sa kanya para sundan si Kenma.

"You sure?"

Tumango ako sa kanya at nagpaalam na. Sinundan ko kung saan nagpunta si Kenma pero hindi ko sya naabutan. Saan pumunta yun? Ang bilis naman nyang mawala. Naglakad lakad pa ako ng diretso hanggang sa matanaw ko sya na papaakyat na ng hagdan

Tatawagin ko na sana sya ng bigla akong makaramdam ng hilo. Napahawak ako sa pader nung feeling ko matutumba ako. Naramdaman ko rin ang kirot sa buong katawan ko na parang tumitibok ito. Napaupo ako sa sahig. Sa sobrang hilo ko ay parang nandidilim na ang paningin ko at nahihirapan na rin ako huminga.

"A-anong nangya..yari sakin?"

Hindi ko alam kung ano ang hahawakan ko dahil buong sarili ko na ang tumitibok sa sakit. Pinag papawisan at naiinitan na ang katawan ko.

"P-pudding..." pagtawag ko kay Kenma kahit alam kong wala na sya at hindi nya ako nakita. Shit wala bang taong dadaan dito?

"YANNA!"

Narinig ko na may tumawag sa pangalan ko. Si Yachi. Nag aalala syang lumapit sakin. Mabuti at sya ang dumating.

"Yanna! What happened? Why are you laying here?"

"H-help me.. get to ..the toilet.."

Natataranta sya at nagpapanick. Hinawakan ko ng mahigpit ang braso nya para kumalma sya. "Hurry.."

"Okay okay ahmm let's go." tinulungan nya ako tumayo at inalalayan ako papunta sa CR. Mas mabuti na doon kesa sa kwarto para walang makakita ng sitwasyon ko.

Nakarating kami doon at naupo ako sa sahig. Tuyo naman ito at malinis. Binuhay nya ang ilaw para lumiwanag.

"Yanna, what is happening to you?"

"It hurts. Yachi, my whole body hurts. It's hard to breath."

"Huh? Why? What did you do? I just saw you practicing with Sakusa earlier."- Yachi.

"I don't know. I'm not even that tired."

"Then whyyyyy?" - nag aalala pa rin nyang tanong.

Hindi ko rin alam. Maya maya ay humupa na ang sakit at hilo na nararamdaman ko. Nanatili akong nakaupo. Hinihingal pa ako.

"Do you want water? I'll get you-"

"No. I feel a little better now." tumayo ako at naghilamos ng mukha. "I was chasing Kenma and then I suddenly felt so sick." pagkukwento ko sa kanya.

"Chasing? Why?"- Yachi.

"I think he got jealous because he saw me with Kiyoomi. He walked out off the cafeteria."

"Ohh I see. But still, why did you get hurt?"- Yachi.

Umiling ako sa kanya at inaya na syang pumunta sa kwarto. Siguro kailangan ko magpahinga. Wala na rin naman akong gana kumain. Bukas ko na kakausapin si Kenma.

Wala pang tao nung dumating kami. Busy pa siguro sila sa pagasikaso sa mga players. Kinuha ko yung bag ko at inilabas yung picture book. Naupo kami sa kama na inilatag namin sa sahig.

"Let me take a look at this again."

Sinimulan namin buklatin ang mga pahina. Nadagdagan nga ito, yung nangyare samin ni Lissana. At kasama rin yung nangyare ngayon ngayon lang. Tapos may nakasulat sa isang page.

"Your time is up. If you did not comeback as soon as possible, you will vanish slowly in this world." pagbasa ko dito. Nagkatinginan kami ni Yachi.

"What does it mean?" tanong nya.

I Traveled To Another World?! (Kozume Kenma)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon