CHAPTER 16

167 19 4
                                    

YANNA'S POV





"Get on my back or I will leave you here."


Teka lang! Ano ba kasi! Totoo ba talaga? Panaginip ba to? Ako? Kay Sakusa Kiyoomi? Piggy back ride? OMG! Nahihiya ako baka mabigat na pala ako at sumakit ang likod nya. Pero mas sumasakit ang tuhod ko kapag naglalakad. Maliit lang naman yung sugat pero masakit sa loob huhu. Kaya sumakay na rin ako sa likod nya kahit hiyang hiya ako hehe.


"*Ehemm* U-uhh.. Y-you d-dont need to do t-this y-you know." Awiieee nakayakap ako sa kanya!!! Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko kahit gusto ko nang magwala sa sobrang kilig hahaha ang bango nya besss! Ang linis linis nya sa katawan nya.


• • •


"Kiyoomi?"


• • •


"Kiyoomi?


Hindi sya nagsasalita. Ang tahimik tuloy. Bakit ba ayaw ako kausapin nito. Gising naman sya at naglalakad. Galit ba sya kasi karga nya ako sa likod nya? My god.


"Sakusa?"


"What?"


"Why aren't you responding when I called you Kiyoomi?"


"Tss. I don't want to be called by my name."


"Why?"


Naghintay ako ng sagot pero hindi na naman sya nagsalita. Hmmp ang sungit naman ng taong to. Sabagay baka personal na yun para sa kanya.


Sumakay kami ng bus kaya hindi na nya ako karga hehe nakakabitin naman. Kaunti lang ang tao sa loob at guess what... magkahiwalay kami ng upuan😭 ayaw nya ba ako kalapit? Hindi naman ako mabaho ah. Pero bakit kaya sya pumayag na ihatid ako? Paano ko sya tatanungin e ang layo nya at hindi rin nagsasalita.


Dahil bored ako lumapit ako sa kanya."Kiyoomi." tawag ko sa kanya. Lumingon sya sakin at nagtaas ng isang kilay. "I have a question."


"I don't care."


"Psh. Sungit."


"What did you say?" tanong nya nang nakakunot ang noo. Hahaha


"Ang gwapo mo."


"Huh?"


"May gusto ako sayo."


"I don't know what you're saying."


"Pero may gusto na akong iba."


"..."


"Pero may gusto pa rin ako sayo hahaha!"


"If you will continue speaking like that, just shut up."


"Hmm sungit talaga."


"That's it, I will leave you here-"


"Wait!! I'm sorry okay? Hahaha don't leave me, I can't go home alone." - tatayo na kasi sana sya para umalis pero hinawakan ko sya sa damit at hinila para umupo ulit.


Ilang sandali pa huminto na ang bus at bumaba na kami. Pamilyar na sakin ang lugar na ito at sa tingin ko naman makakapunta na ako sa school ng Nekoma. Humarap ako sa kanya para sana magpaalam pero naglakad na sya pauna sa akin.


I Traveled To Another World?! (Kozume Kenma)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon