YANNA'S POV
Kinabukasan nagising akong wala nang tao sa kwarto. Dali dali akong bumangon at tinignan ang oras. Bakit hindi ako ginising ni Yachi. Napansin kong may nakalagay sa noo ko kaya inabot ko ito. Basang towel.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Yachi. May dala syang tray na may lamang pagkain.
"Yachi, what happened?"
"You're burning hot Yanna." sabi nya pagkalapag nya ng pagkain sa tabi ko.
Nilagay ko ang palad ko sa noo ko at mainit nga. Medyo masama rin ang pakiramdam ko. Naku dahil yata to sa pagtambay ko sa labas kagabi. Hays galit pa rin kaya sakin si Kenma?
"Did you see Kenma?" tanong ko sa kanya.
"Yes I saw him in cafeteria."- Yachi.
"Did he saw you? Did he ask about me?"
"Yes. Hinata and I are together and we greeted him but he.. didn't ask about you."
Oh so galit nga sya sakin? Sinabi ko naman na hindi ko gusto si Kiyoomi ah. Bakit sya naging cold sakin at ayaw nya ako kausapin kagabi.
Tumayo ako at nagpalit ng suot. "I need to talk to him."
"But you have a fever. You can't go to the gym Yanna."- pagpigil nya sakin.
"Yachi, I don't have enough time anymore, I want to spend it with him." at yun ang payo ni Kiyoomi sakin.Hindi ko na kailangan na magalit sya sakin.
"Okay. I think he's still at the cafeteria." - Yachi.
Pagkatapos ko mag ayos ng konti para hindi halatang may lagnat ako ay bumaba na kami sa canteen. Una kong hinanap si Kenma at nakita ko syang kasama sila Kuroo. Nagpaalam muna ako kay Yachi atsaka lumapit sa kanila.
"Yacchan?" si Lev ang unang nakapansin sakin.
"Hi guys, good morning." pinilit kong siglahan ang pagbati ko sa kanila. Binati rin nila ako pabalik at pinaupo, sa tabi ni Kenma ako pumunta, bale nasa tabing tabi ako tapos sya tapos si Lev sa kabila nya.
"Kenma, about last night-" bago pa lang ako magsasalita ay bigla na syang tumayo. Napatingin rin ang team sa kanya.
"I forgot something on our room. I'm just going to get it." sabi nya at dali daling umalis.
Hahabulin ko sana ulit sya pero pinigilan ako ni Kuroo. "Yacchan, I think you should leave him alone for the mean time."
"Why?"
"I heard he saw you with Sakusa last night." sabi ni Kuroo. Pero sinabi ko naman kay Kenma na hindi ko na gusto si Kiyoomi. "Hugging." dagdag pa nya.
"Ohh that's why.. but how can I explain if he don't want to listen to me."
"Don't worry Yacchan, I'll talk to him later."- Kuroo.
So ayun, nagsimula ang practices at hindi manlang ako pinapansin ni Kenma. Tuwing mag aattemp ako na kausapin sya ay tumatalikod at umaalis sya bigla. Napapabuntong hininga na lang ako at pinipigilan na magalit sa kanya. Ang pasensya ko ay may hangganan. Ang hirap naman nyang suyuin. Dahil na rin siguro sa sama ng pakiramdam ko ay mabilis akong napagod at nanghina.
Lumabas muna ako ng gym para huminga. Wala naman akong masyado ginagawa as manager kaya hindi nila ako kailangan dun hehe. Sa tuktok ng medyo burol na damuhan kung saan sila tumatakbo as punishment, ay may malaking puno. So dun ako pumunta at naupo. Sumandal ako dito at ipinikit ang aking mga mata. Huminga ako ng malalim ng umihip ang malakas na hangin.
"Hmm fresh air."
Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng ingay mula sa ibaba. Tinignan ko ito at nakita ang Nekoma na ginagawa ang parusa sa talo. Sino na naman ang nakalaban nila at natalo sila. It's either Fukurodani or Itachiyama.
BINABASA MO ANG
I Traveled To Another World?! (Kozume Kenma)
FanfictionWe can choose whoever we want to love. We are free to show and let them feel the love we can give. But what if the one you chose to love is not real? You fall in love with a fictional character. You're given a chance to meet them. But in the end yo...