ACQUATTE'S POV
Acquatte's POV
Habang pauwi ako ang tanging nasa isip ko ay iyong sinabi sa akin ni Lucille hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwala na may nagkakagusto sa akin. Sino ba naman kasi ako? Simple lang, hindi maganda. In short nobody. Ang tanging alam ko lang sa buhay ay mag-aral at tumulong sa aking pamilya. Hindi ako yung type ng babae na kaya mong ipagmalaki. I just want a peaceful life. Gusto ko kahit may kaya ang pamilya namin, nakakatulong pa rin ako kahit papaano. Hindi naman ako pinalaki ng mga magulang ko na mahilig sa mga luho. Marunong ako makuntento sa buhay na mayroon ako, at nagpapasalamat ako dito.
Sa sobrang daming iniisip ni Acqua hindi niya namalayan na nasa bahay na siya. Pagpasok pa lamang ng bahay nila ay nagbago na kaagad ang kanyang mood. Gusto lang naman niya na sa tuwing umuuwi siya ay may nangangamusta kung okay lang ba siya at kung anong mga nangyari sa araw na iyon. Ngunit walang time ang kanyang mga magulang dahil busy na naman ito sa mga kanya-kanyang trabaho. Sa kabilang banda, kahit malungkot si Acquatte ay naiintindihan niya ito dahil kailangan pa rin nila ng pera para sa mga gastusin dito sa bahay at sa kanyang pag-aaral.
"Kumain na tayo bumili ako ng ulam" tawag ni mama sa akin.
Kahit gabing-gabi na ay hinintay pa rin ni Acquatte ang mga magulang niya bago siya kumain. Dahil para sa kanya mas masarap kumain kapag magkakasama sa lamesaa.
"Sige sandali lang po" bago ako lumabas ng kwarto huminga muna ako ng malalim at handa na ulit ako magpanggap na masaya ako.
Minsan may mga oras ako na minsan sa sobrang pagod ay umiiyak nalang ako mag-isa. Siguro kasi may mga tanong ako sa sarili ko na hindi ko masagot at may mga bagay ako na hindi ko alam paano solusyunan.
Pagkatapos ni Acquatte kumain ay dumiretso na agad siya sa kanyang kwarto.
"Tulog na po ako" paghikab ko na kunwari naaantok talaga ako. Pagkapasok ko pa lang sa kwarto ay sunod-sunod ng lumabas ang mga luha ko. Siguro nasanay na lang ako na ganito palagi. I feel so lonely kahit kasama ko sila. Itong lugar na ito, ang kwarto ko, ay saksi sa lahat ng nangyayari sa buhay ko sa lahat ng sakit at masasayang nangyayari sa buhay ko.
"Nak, aalis na ako ikaw na dito bahala sa bahay natin. Yung nga bilin ko wag mong kalimutan ha." sabi ni mama bago umalis.
Iyan ang palaging kong naririnig tuwing umaga. Ang aalis na naman siya, magtratrabaho dahil sa akin. Minsan iniisip ko siya lang naman ang kailangan ko. Kahit wala kaming makain basta kasama ko siya okay na ako. Ganoon rin si papa, kaya nasanay na akong mag-alaga sa sarili ko, magluto at maglinis ng bahay namin.
Kaya ito na naman ako mag-isa. Mag-isang kumakain. Minsan hindi na nga ako kumakain. Nakakawalang gana lang naman. Kaya ito minsan sakitin, underweight pa. Pero atleast maganda. "Nak, aalis na ako ikaw na dito bahala sa bahay natin. Yung nga bilin ko wag mong kalimutan ha." sabi ni mama bago umalis.
Akala ko may makakasabay akong pumasok, kaso wala pa si Ramon kasi nauna na naman pumasok. Iniwan na naman ako ulit. Lumipas ang buong araw ko sa school na wala akong naintindihan kahit isa. Puro kopya nga lang ako kanina kainis. Wala naman kasing pumapasok sa isipan ko. Pagkauwi ko ng bahay hiniram ko muna ang phone ni mama upang makapag log-in ako sa aking Facebook. Baka kasi mga announcement ako di nakita sa group chat namin.
At biglang may nagpop-up na notification.
Lumipas muna ang ilang minuto bago magsink-in sa akin kung sino pa ang nag-add friend sa akin.
Sentinel sent you a friend request.
Hala, kailan pa nalaman nito na ito ang facebook account ko?
I-aadd ko ba siya o hindi?
Delete or Accept?
I-accept ko na nga lang wala namang masama.
Sentinel sent you a message.
Sentinel : Hi?
Omg ito na nga ba sinasabi ko e, huhu. Hindi ako sanay makipagkaibigan lalo pa kung may gusto sa akin. Ang awkward kaya na mag-uusap kayo sa social media na parang close. Pero kapag kaharap mo na hindi man lang makapagsalita.
Ako: Hello?
Sentinel: Um, may picture ka ba noong assignment natin sa AP?
Ako: Meron wait lang, forward ko sayo.
Dyan nagumpisa ang araw-araw naming paguusap. Sobrang saya, kahit papaano hindi na ko malungkot katulad noon. May nakakausap na ako sa aking mga problema at tinutulungan niya din ako sa mga assignments kapag hindi ko maintindihan kung ano ang gagawin. Ngunit isang gabi nagbigla ako sa message niya.
Sentinel: Nasabi na ba ni Lucille sayo?
Alam ko iyong tinutukoy niya yung sinabi ni Lucille na may gusto siya sa akin. Nagreply ako sa kanya ngunit hindi ko sinabi na alam ko na iyon.
Ako: Huh? Ano ba 'yon? Wala naman siyang nabanggit.
Sentinel: Ay wala pa ba? Akala ko kasi nabanggit niya. Kasi Acqua ang totoo niyan gusto kita e.
Pagkabasa pa lang ng message niya ay agad na akong kinakabahan. Hindi ko alam kung bakit ganoon yung nararamdaman ko. Pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Sa ganitong edad alam ko na agad na may gusto rin ako sa kanya. Ngunit ayoko umamin dahil mga bata pa kami at baka masaktan lang ako.
Siguro normal lang talaga ito kapag may umaamin sayong tao na gusto ka.
Sentinel: Acqua? Andyan ka pa ba?
Ako: Oo nandito pa, may ginawa lang.
Pagdadahilan ko.
Sentinel: Wag mo na masyadong isipin 'yon kahit di mo na sagutin yung confession ko. Ang mahalaga nakakausap kita. Masaya na ako doon.
Ako: Oo sige, wala namang problema sa akin.
Log-out na gabi na may klase pa bukas.Sentinel: Goodnight.
Naglog-out agad ako kahit di pa naman ako inaantok. Dahil hindi ko muna kayang makipag-usap. Grabe ang nervous ko to the highest level. Parang lalabas yung puso ko sa sobrang kaba.
Pagkagising ko grabe yung eyebags ko. Dahil ito kay Sentinel e, buong gabi ko pa naman inisip yung sinabi niya.
YOU ARE READING
The Secrets of Time
General FictionSi Acquatte Arison ay isang simple at magandang babae. Mahiyain siya ngunit madali naman maging kaibigan. Sa kabila ng lahat hindi niya akalain na mahuhulog siya kay Sentinel Montero, ngunit sinaktan siya nito. Nagbago ang takbo ng buhay niya at hin...