Chapter III

25 11 0
                                    

Acquatte's POV

Ang bilis ng oras, sa sobrang bilis ng oras bawat minuto na nakakasama ko si Sentinel sa classroom. Ay parang isang memorya na kahit kailanman ay ayaw ko ng mabura. Hindi nagtagal umamin din ako ng nararamdaman ko sa kanya. At naging kami. Sa kabilang banda, dahil strikto ang aking nga magulang wala akong ibang ginawa kung hindi itago ang relasyon naming dalawa. Dahil alam ko namang kahit bawal ay parin mahal namin ang isa't-isa.

Para sa akin ang bawat sandaling kasama ko siya ay tila ba ay mahiwaga. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero alam kong napakasaya ko sa tuwing kasama ko siya. Dumating pa nga sa puntong nagpapalitan kami ng sulat kahit alam naming uso na ang Facebook ngayon.

Playing - Araw Araw by Ben & Ben

"Mahiwaga

Pipiliin ka

Sa araw-araw

Mahiwaga

Ang nadarama

Sa'yo'y malinaw"

Dear Sentinel,

Unang una nagpapasalamat ako sayo. Ikaw ang nagbigay ng kulay sa aking mundo. Hindi ko akalain na darating tayo sa puntong ito na ikaw na ang naging mundo ko. Sa lahat ng bagay na nagawa kong mali nagpapasalamat ako dahil tinanggap mo ako ng buong buo. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka.

Nagmamahal,
Acqua

Corny man kung basahin ngunit gusto ko malaman kung ano ang pakiramdam na magpalitan ng sulat. Nilagyan ko muna ito ng disenyo bago ilagay sa sobreng mabango. Mamaya ko balak ibigay sa kanya ito sa eskwelahan.

Dahil nagpalitan sila ng sulat lalo silang napahamal sa isa't-isa dahil sa sulat nilang punong puno ng pagmamahal. Tunay nga na napakaswerte nila sa isa't-isa. Ngunit hindi alam ni Acquatte kung deserve pa ba siya ni Sentinel sa sobrang bait nito.

Hinding hindi ko rin makakalimutan na inabutan niya ako ng dalawang garapon na stick-o noong Christmas Party namin. Alam kong hindi naman ganoon kahalaga na bagay 'yon pero pagdating sa akin ay sobrang saya ko na magbigyan ako ng mga bagay na galing sa mga minamahal ko.

Akala ko lahat ng kasiyahan hindi nauubos, palaging nandiyan at hindi nagsasawa. Ngunit tama pala talaga sila bata pa lamang ako at walang alam sa salitang "pagmamahal". 

Nagkamali pala ako. Akala ko kasi madali lang magmahal. Ang hirap pala. Napatawa nalang ako sa sakit. Sobrang sakit.

Lahat pala nauubos, nagsasawa at naglalaho.

Kahit nga sarili kong pamilya hindi ko maramdaman ang salitang "pagmamahal". Sadyang mapaglaro talaga sa aking ang tadhana. Lagi nalang akong ginagawang ganito. Wala na siya sa akin. May iba na siya. Pero hindi ko matanggap. Alam ko na noon pa na may mali. Na parang hindi na ako yung nagpapasaya sa kanya. Pero nanatiling tahimik lang ako.

Hanggang sa isang araw nagmessage siya ng "Sorry".

"Sorry".

"Sorry".

"Sorry".

"Sorry".

Ayan ang mga katagang paulit-ulit sa aking isipan, na kahit humingi pa siya ng patawad alam ko sa sarili ko na hindi ko muna siya mapapatawad. Wala naman ang akong karapatan na hindi siya patawarin, kasi sino ba naman ako. 

Hindi ngayon Sentinel, pero sana mapatawad ka ng puso ko.

Hindi na ako nagtanong pa kung para saan ang mga katagang iyon. Dahil alam na alam ko na. Marahan na bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko alam kung parusa ba to o sumpa. Dahil sa tuwing nagiging masaya ako ay binabawi agad iyon.

Naging masama ba ako God? Bakit? Bakit sobrang sakit? Walang araw na hindi ako umiyak gabi-gabi. Dahil sa buong buhay ko akala ko palagi na lang kakampi sa akin ang mundo ngunit palagi pala itong hindi patas.

Mula pagkabata ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong sakit. Sakit na hindi ka makakahinga. Dahil sobrang pinipiga yung puso mo. Ilang araw din ako nawalan ng gana kumain at pumunta ng eskwelahan. Hindi ko kasi alam kung paano siya pakikitunguhan.

Hindi ko alam kung magpapanggap ba ako na masaya dahil nakahanap na siya ng bagong magpapasaya sa kanya o sabihin na sobrang sakit ang ginawa niya.

Dahil hindi ako vocal na tao pagdating sa feelings ko. Kinimkim ko lahat ng pinagdadaanan ko. Araw-araw akong umiiyak. Hindi ko alam kung makakasurvive pa ako sa sakit na nararamdaman ko. 

Hindi man lang naisip ni Acqua na kailangan niya maging malakas para sa sarili niya. Bata pa lang siya pero mature na siya mag-isip. Alam niya ang mga responsibilidad niya bilang anak at estudyante, independent siyang babae at hindi sumusuway sa mga utos ng magulang niya at mataas ang pangarap. ngunit noong nagmahal siya ng isang lalaki lahat ng rules sa buhay niya ay nilabag niya


The Secrets of TimeWhere stories live. Discover now