Chapter I

44 9 0
                                    

Acquatte's POV

OCTOBER, 2017

4:00 am

Monday ba ngayon?

Whaaaat!? Monday nga pala ngayon jusko may flag ceremony pa. Kawawa ako nito pag na-late ako huhu.

Halos 5 minutes lang ata naliligo sa sobrang pagmamadali ko. Pati nga pag suklay hindi ko na nagawa nakakainis talaga, jusko naman kahit walang suklay basta wag lang ma-late okay na ako.

Pagdating ko sa harap ng gate ng school saktong nagbell grabe naman kasi tumakbo lang naman ako mula sa bahay papunta dito sa school pasalamat talaga ako walking distance lang ito. At iyon din ang isa sa mga dahilan ko kung bakit ang sarap sarap ng tulog ko, kampante kasi akong di ako mahuhuli, kaso iba ngayon. Monday kasi ngayon kaya kailangan pumasok ng maaga kung hindi mag flaflagceremoy ka mag-isa at may 1/4 pa dahil nga late ka.

Kaya kagaya ng iba I hate mondays.

Buti sana kung may inspirasyon ako dito e wala naman jusko. Sa mga hindi nakakaalam, kahit tamad ako gumising masipag naman ako mag-aral. Kaya lang naman gusto ko matulog kasi puyat na puyat ako sa mga school works. Report doon, leader dito, assignments, projects. Pero kahit ganyan kadami yan mahal na mahal ko yan. Syempre mas worth it mahalin ang pag-aaral kaysa sa mga lalaki duh. Hindi naman sa man hater pero sabi daw nila manloloko ang mga lalaki. Pero para sa akin naman depende 'yon. Dami ko ngang kaibigang lalaki pero bakit hindi naman manloloko?

Sa sobra pag-iisip ko ayon di na pala ako nakikinig.

"Ano naman yan Acqua bakit parang lutang ka ngayon sis?" Bulong niya sa 'kin habang nagdidiscuss si ma'am.

"Sinong hindi lulutang kulang ako sa tulog sa dami ng pinapagawa sa atin"

"Ay nako agree ako diyan naiistress na ang aking beauty kaka aral magjowa nalang kaya ako? " Sabay ngiti niyang pangmalandi.

Naaalala ko pa dati akala ko lalaki tong si Ramon 'yon pala mas malandi pa sa akin.

Ramon was my first friend in my jhs life.
Noong unang nagkakahiyaan pa kami. But in the end magka-vibe pala kami ni momshie.

"Alam mo manahimik ka diyan sa kalandian mo wag mo akong idamay lalo akong walang naiintindihan"

Salamat naman at tumigil na din siya at nakapagfocus na rin ako. Ang ingay ingay kasi jusko, strict pa naman 'tong teacher namin.

Sa loob ng four months masasabi ko talagang masaya nga ang highschool life ko. By the way, first year pa lang ako. Kaya hanggang ngayon namamangha parin ako sa lawak ng campus namin. First year hanggang fourth year kasi meron dito. Ang pinaka nagustuhan ko pa dito ay yung covered court naming napakalawak. Ngayon lang naman kasi ako nakakita ng ganto wala naman 'to noong elem days.

After 3 hours na papalit palit na teachers at pagdidiscuss ng iba't-ibang subject finally break na

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

After 3 hours na papalit palit na teachers at pagdidiscuss ng iba't-ibang subject finally break na. Ito ang pinaka favorite ko sa lahat ng subject. Nakakagutom kaya makinig tapos nagsusulat pa.

"Leigh! Lalabas ka ba? Samahan mo naman ako oh. Sa canteen lang gutom na talaga ako eh" pagmamakaawa ko sa kanya nagugutom na kasi ako.

"Wait lang hintayin mo ko, tatapusin ko lang 'to para mapasa ko na"sabi ko sa kanya.

Hays, buti naman pumayag siya minsan kasi ayaw niya lumabas palagi kasi siyang may tinatapos na homework or project dito. Ewan ko ba sa babae na yan napakatamad pero ayaw bumagsak. At tsaka ayaw niya din sa canteen dahil nga siksikan. Which is totoo naman talaga. Napilitan lang din naman ako lumabas kasi gutom na talaga ako. No choice ako. Buti pa sana kung may bibili ng pagkain para sa akin.

"Acquaaaaa!!!" Ay kabayo! Ano ba yan ang lakas lakas ng boses.

"Ano na naman yan Lucille? Chismis na naman yan no? Tigil tigilan mo ko wala ako sa mood ngayon gutom na gutom na ko"

"Tungkol kaya 'to sayo, ayaw mo ba malaman?"

"Nako Cille sa sobrang pagchichismis mo di na ko naniniwala sayo" sabay tawa ko sa kanya paano ba naman kasi araw-araw may kwento siya, di siya nauubusan halos nga lahat ata ng secreto dito sa loob ng room alam niya. Weird diba?

May sasabihin pa sana ako kay Cille kaso bigla akong tinawag ni Leigh, kaya ayon naiwan mag-isa si gaga hahahahaha. Gutom na gutom na kasi ako alangan naman unahin ko pa makipagdaldalan bago 'tong tiyan ko na nagsasalita na.

Pagkatapos ng 30 minutes na break another subject naman. Bumili nalang si Acqua ng isa pang pagkain upang may kakainin pa siya mamaya. Habang nakikinig siya ay napansin niya si Cille na papalapit.

Nako po talaga ang kulit din talaga nito  sinabi ko na sa kanya na hindi ako naniniwala sa kanya. Kahit ba magbestfriend kami ay di parin ako naniniwala sa sinasabi nito puro kasi chismis. Gusto ko legit source dapat, charot.

"Ramon! Hoy!" bulong ko sa kanya.

"Sabi mo ayaw mo ng maingay e, bakit ikaw 'tong ang ingay ingay ngayon?" pagtatampo niya.

"Over reacting naman to buti nga kinakausap pa kita pasalamat ka pinagtitiisan ko yang kaingayan mo" sabi ko sa kanya.

"Oo na, oo na. Ano ba kailangan mo?"pataray na sagot niya sa akin.

"E si Cille kase eh may gustong sabihin sa 'kin, tungkol daw sa akin 'yon. Paniniwalaan ko ba?"

"Hays acqua pakinggan mo muna kasi yung sasabihin niya bago mo husgahan judger ka na naman eh" sabay inirapan ako aba napaka attitude talaga nito.

"Sige na opo papakinggan ko na mhiema, hays"

After 4 hours of pakikinig and pagsusulat jusko salamat at tapos na din ang klase. Makakauwi na rin sa wakas. Gusto ko ng magpahinga at matulog pagod na pagod ako. Ay wait, may nakalimutan pala ako kakausapin ko muna si Lucille. Papakinggan ko muna siya baka kasi importante 'yon.

"Lucille!!! Lucille!!" sigaw ko sa kanya.

"Ano Acqua gusto mo din malaman no? Di ka rin nakatiis" sabay tawa niya.

"Baka kasi importante eh, ano ba kasi 'yon?" nagtataka na kasi ako bakit parang may something.

" May gusto sayo si Sentinel" walang pag-aalinlangan niyang sagot at tuwang tuwa pa.

"H-huh? Diba 'yon yung ka m.u ni leigh last month? Paanong may gusto sa akin yon? Tsaka bakit parang tuwang tuwa ka?" pagtataka ko.

By the way, Sentinel. isa sa mga pinakamatalino na nakilala ko. Actually di kami close. Ideal boy siya ng karamihan. Friendly sobra and also classmate namin siya ngayon.

"Ayaw mo non may lovelife ka na".

"Nabanggit niya kasi sa 'kin sa chat kaya naisipan kong banggitin sayo".

"Pero ba't ako? Dami namang iba diyan eh".

"Bakit ako tinatanong mo ako ba si Sentinel ha?" Pagkasabi niya iniwan agad ako niya at umuwi na.

Aba grabe 'yon ah iniwan ako pagkatapos ko siyang hintayin.

Pero ano ng gagawin ko? Di ako sanay na may nagkakagusto sa 'kin. Feeling ko kasi I'm nobody puro kasi ako aral everytime. Wala akong panahon sa mga ganyan. Dapat pala di ko nalang inalam na-istress lang ako.

Si Sentinel 'yon hindi malabong magkagusto ako doon.

What to dooo?

The Secrets of TimeWhere stories live. Discover now