Chapter IV

21 10 0
                                    

Sa mga nagdaang araw di ko akalain na magbabago ang takbo ng buhay ko. Tuwing pumapasok ako ng eskwelahan lagi nalang ako pinaguusapan na ako daw ang nangloko kay Sentinel. Buti nalang nandyan si Leigh laging nakakaintindi sa akin at palagi akong pinagtatanggol tuwing may naririnig siyang masama tungkol sa akin, siya lang naman ang lubos na nakakakilala sa akin dito sa campus.

Hindi ko nga akalain na magkakaroon ako ng kaibigan dahil sa pagkamahiyain ko. Sobrang nagpapasalamat ako dahil magkavibes talaga kami nito. Actually marami naman akong kaibigan dito kaso hindi naman sila yung type na totally magiging bestfriend ko, yung iba nga kaaway ko pa. Ewan ko ba sa mga 'yan walang ibang ginawa kung hindi siraan ako.

Siguro naiinggit lang sila. Pansin ko kasi halos lahat ata dito ay close ko. Friendly naman kasi ako. Basta mabait ka mabait din ako sayo. Kaya ang daming naiinggit, kahit ng mga lalaki ay kaya kong tropahin, dahil wala naman masama kung maging magkaibigan ang babae at lalaki. Lagi lang talagang binibigyan ng malisya ng mga tao.

 Lagi lang talagang binibigyan ng malisya ng mga tao

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

12:00 pm

Saktong 12 ng tanghali nakalabas na si Acqua ng paaralan. Makakauwi muna siya sa kanilang bahay para magpahinga bago ang practice nila mamayang hapon. Mahilig siyang sumayaw at kumanta kaya siya ang napiling leader dito. Never pa siyang nag-audition sa mga totoong contest dahil wala rin naman siyang lakas ng loob para sumali. Sadyang ginagawa na iyo para maging masaya siya. Kasi nga sabi sa kasabihan "Do what makes you happy". Kaso sa dami nila sa klase talaga ba namang parang nanadya dahil magkagrupo sila ni Sentinel. 

Di pa nga ako nakakamove-on Lord e. Grabe ka naman sa akin. Nakakatawa naman ako lang yung nalulungkot sa aming dalawa, ako lang yung nanghihinayang. Hanggang ngayon kasi hindi ko parin makalimutan yung mga memories naming dalawa. Nanghihinayang pa rin ako sa mga taon na pinagsamahan namin na kahit tago man iyon talagang naging masaya ako. Hindi ko alam kung paano ko sila i-aaproach ni Michelle. Di ko nga pala napakilala sa inyo na si Michelle ang pinalit sa akin ni Sentinel.

Hindi naman siya ganon kagandahan pero bakit siya yung nagustahan niya mas madami pa namang iba na mas maganda yan. Tsaka yung kaibigan niyan na si Bianca palagi akong sinisiraan. Inggit lang te? Palibhasa ayaw niya aminin na may gusto rin siya kay Sentinel kaya ayan kung ano ano pinagsasabi tungkol sa akin.

"Guys magsimula na tayong magpractice para matapos tayo ng maaga" pagtawag ko sa atensyon nila.

Bigla naman sila agad sumunod, hays buti naman hindi sila pasaway ngayon. Madalas kasi hindi yan sila nakikinig. Napakabait ko kasing leader. Hindi ko kayang makita na may nahuhuli sa mga member ko. Kasi syempre responsibilidad ko pa rin sila, kung sakaling mababa ang maibibigay sa aming grado.

"Ulitin niyo kasi yung ginagawa ko" inis na sigaw ko.

"Ulit from the top. 1...2....3...4...5...6...7...8..
8...7...6...5...4...3...2...1"

Mula ala una hanggang alas tres puro praktis lang ang ginawa nila Acqua at pati m kagrupo niya.

"Okay guys, tama na muna 'yon. 40 minutes break muna."

Infairness nakakapagod din kaya sumayaw. Lalo na ako lang nagtuturo. Habang break kami niyaya ko si Leigh kumain.

"Leigh, tara bili muna tayo palamig tsaka burger gutom na gutom na ako e." paglambing ko sa kanya.

"Basta ba libre mo" sabay tawa ni Leigh.

"Aba pansin ko araw araw libre aba, ano ako bangko? Nawawalan din kaya ako ng pera." sagot ko sa kanya.

"Ito naman ang drama minsan lang 'yon hoy hindi naman araw-araw. Sige na please sis!" Nako kung hindi ko lang ito kaibigan baka nasapok ko na' to.

"Oo na sige na libre ko na"

"Yes naman talaga oh kaya mahal mahal kita e."

Bumili na kami ng pagkain pagkatapos noon ay bumalik na kami sa pwesto namin.

"Kamusta ka na pala? Okay ka lang ba? Diba naghiwalay na kayo ni Sentinel? tanong niya.

Alam kung sobrang lungkot niya din noong malaman niya na hiwalay na kami. Siya kasi ang number fan naming dalawa ni Sentinel, sayang talaga kasi hindi talaga sang-ayon ang universe sa pagmamahalan namin.

"Okay lang naman ako, lagi naman akong okay Leigh kilala mo naman ako. Maglalagpasan ko din ito." sabay ngiti ko sa kanya.

"By the way, Hindi ako makapaniwala na 7 years na pala tayo dito sa Arellano University."

Oo sa Arellano University kami nag-aaral mula kinder hanggang ngayong junior high ay dito na ako lumaki. Si Leigh naman ay nakilala ko noong 5th grade ako super close na talaga namin sa isa't-isa at palagi na siyang nasa bahay namin. Mula pa noon ay alam na namin kung ano ang kahinaan ng isa't-isa, mga paboritong pagkain, pelikula at pati taste sa lalaki ay alam din namin.

" Oo nga e ang bilis ng panahon" sabi niya habang nakatingin sa langit.

Di ko namalayan na tapos na pala ang break namin. Bumalik agad ako at tinawag ulit ang atensyon ng aking mga kagrupo. Lumipas ang dalawang oras ay natapos na din kami. Nagpaalam na kami sa isa't isa na uuwi na kami. Naglakad na ako pauwi ng bahay, malapit lang naman kasi ang school sa bahay namin kaya walking distance talaga.

Pagkatapos ko kumain ay pumasok na ko aking kwarto, nagbasa basa muna ako. Gumawa na ako ng mga assignments namin para hindi na ko magrush bukas. Pagkatapos ko ay nagfb nalang ako hanggang sa makatulugan ko na.

Grabe nakakapagod what a long day.

Sobrang bilis talaga ng panahon ang dating masaya si Acqua ay hindi na maintindihan ang nararamdaman ngayon. Ang buong akala niya kasi sa tuwing nagmamahal tayo ay puro lang masayang alaala. Ngayon niya naiintindihan ang sinabi ng kanyang ina na hindi madali magmahal at sumugal sa isang tao. Tila ba dati sa tuwing naririnig niya ito ay natutuwa pa siya at hindi siya naniniwala dahil hindi pa niya naman ito nararanasan. Ngayon lang niya naisip na mali na itago niya sa mga magulang niya ang relasyon nila dahil nagdala lang ito ng sakit sa kanya. Ngunit ngayon na ito ay natapos na, ayaw pa rin niya ito ipaalam dahil sa takot na siya ay pagalitan ng kanyang mga magulang. Kailan niya kaya masasabi ang mga nangyayari sa buhay niya ngayon?

The Secrets of TimeWhere stories live. Discover now