Chapter V

16 9 0
                                    

Ang bilis ng panahon farewell party na pala namin bukas. Ang totoo niyan wala pa kong susuotin. Sa dami dami ng pinagdaanan kong ngayong year na 'to hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba. Oo nga pala hindi ko na kailangan na magsuot ng magara. Naka batch t-shirt nga pala kami ngayon. Maaga akong pumasok dahil kasama ako sa mga magoorganize ng aming party.

Hindi man ako kasama sa mga officer palagi naman ako tumutulong ng bukal sa puso ko. Tawagin man nilang akong bida-bida, alam kong sa sarili ko ay tama pa rin ako. Dahil ito ang tinuro sa akin ng mga magulang ko.

"Hi po, goodmorning!!" bati ko kay manong guard.

"Goodmorning din iha, ang aga mo ata ngayon ah" bati din sa akin niya.

"Ah opo, ngayon po kasi namin naisipan na gawin yung farewell party po."tugon ko.

"Una na po ako manong"

Pumasok na ako at hinanap ko na ang room namin. Saktong pagdating ko nandoon na rin si Leigh pero nagulat ako ng makita ko si Sentinel. Like omg nandito na siya ang aga aga. Relax self kailangan mo na makamove-on. Wala na, tapos na. Okay?

" Leigh!!!" pagtawag ko sa kanya.

"Bakit naman siya andito agad Leigh? Ang aga niya rin ha, ang aga niya sirain yunga araw ko" bulong ko sa kanya.

"Kanina pa yan sila ni Michelle te, late ka lang."

"Luh anong late 7 pa lang kaya, 8 naman start ng party kaya sakto lang duh."

"Mag-ayos ka na nga ng mga design puro ka kadramahan dyan happy muna tayo dito oh, kahit ngayon lang." sabi sa akin ni Leigh

"Oo nga naman minsan lang 'to. Kaya sulitin ko na"

Nagsimula ang program ng aming party. Dumating na rin si ma'am. Inaasar pa namin si ma'am kasi suot niya yung batch t-shirt namin.

"Naks naman bagay ah, baka ako nagdesign niyan" sabi ni Ralph.

"Bb. Maganda talaga" tawa naming lahat.

Ang saya ng flow ng programa kasi puro laro lang kami. Puro tawanan, talagang ramdam mo na yung pagpapaalam. Hanggang sa nagpasiya na kaming kumain dahil napagod na nga maglaro. Nakakatuwa pa nga si ma'am dahil binilhan pa kami ng cake, at talagang red ribbon pa.

And last ang iyakan moment.

Ewan ko ba sa lahat ng sinabi ni ma'am siguro puro iyak lang ginawa ko. Iyakin kasi ako. Hanggang sa maguuwian na nga kami. Kaso may naganap pa hays naman. Itong mga love team sa classroom namin pinipilit nilang magpicture. Habang yung iba nagpapapirma sa t-shirt nilang white.

Ako, ako naman yung napagtripan hinila ako ni Leigh at Richard kasi daw kailangan namin magpicture ni Sentinel. Kahit nahihiya ako ay pinicturan talaga kaming dalawa ni Sentinel. Di ako makapaniwala na kung kailan kami naghiwalay ay tsaka kami nagkaroon ng maayos na picture. Dahil maniwala man kayo o hindi, never kami nagkaroon ng picture. Dahil nga gusto namin noon itago ang relationship namin. I guess ito ang magiging tanging alaala ko lang sa kanya bago matapos ang taon na ito.

"Nakakahiya naman, bakit niyo naman pinilit yung tao may girlfriend na yon diba?" pagbulong ko sa kanila.

"Kanina ko pa kasi nakikita na tinitignan mo siya e, siya masaya tapos ikaw hindi. Bakit kaya ganoon? Ang unfair talaga ng mundo." sabi ni Richard

Pagkatapos noon kay umalis na agad sila Michelle at Sentinel. May date pa ata sila. Kami naman ay naiwan sa room uoang maglinis ng pinagkainan at mag-ayos ng upuan. Pagkatapos noon ay umuwi din ako kaagad. Yung iba kasi gumala pa, e hindi naman ako pwedeng gumala dahilam maglilinis pa ako ng bahay. Nakakapagod sobra. Emotionally and mentally lalo na physically. Tapos pagdating ko ng bahay ako pa rin.

"What a wonderful day"

Sobrang napaka wonderful dahil puro sakit nalang binibigay sa akin ni God.  Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil wala ako dito kung hindi dahil sa kanya. Sa sobrang bigat ng pinagdaanan ko at sabay sabay lahat. Hindi ko napigilan na tumulo ang aking mga luha.

"God bakit po ganto? Bakit sobrang sakit po ng nararamdaman ko?"

"Ano po bang kasalanan ko? Patawarin niyo na po ako."

"Hindi ko na po alam kung makakayanan ko pa. "

Ilan lang yan sa mga palagi kong sinasabi sa kanya sa tuwing nagbre-breakdown ako. Sobrang sakit di ko alam kung para sa inyo mababaw lang 'yon. Pero sa akin napakabigat na kasi wala akong makausap at mapagsabihan. Akala kasi nila palagi kang okay. Akala nila hindi ka nasasaktan. Siguro nga kaya masakit sa part ko kasi bata pa ako, ang ngayon ko lang naranasan ang mga ganitong bagay.

Sa dami kong iniisip para mawala ito naghanap ako ng mapaglilibangan. Ganoon akong tao kahit papaano ayoko puro negative vibes lang ako. Gusto ko rin naman mag-enjoy at makita nilang ayos lang ako sa kabila ng mga nangyayari sa akin. Alam kong kakayanin ko ito.

Hanggang sa may nakita akong kpop boy group na pangalan ay "SEVENTEEN" nakita ko yung world tour nila, hindi naman ako masyadong na-attach kaagad kasi ang dami nila ang hirap kabisaduhin. Pero after kong makita iyon ay lumabas ang kanilang performance nakalagay SEVENTEEN - PREETY U. And then guess what curious na ako kung sino sila at pati mga likes nila kaya mapupuyat talaga ako ngayong gabi dahil feeling ko isa na akong "carats" (pangalan ng fandom ng SEVENTEEN).

Ang hinahanap na kasiyahan ni Acqua na akala niya ay magpapasiya sa kanya, ay hindi pa rin sapat pala. Sa tingin niya kasi laging may kulang at iyon ang palagi niyang hinahanap. Nagpadesisyunan niya na humanap ng kausap sa online. Dahil naniniwala siya na kahit stranger man ang makausap niya sa online world. Kahit papaano ay may masasabihan siya ng kanyang problema at hindi sinasarili ang mga ito, makakahin

Hanggang makahanap siya ng app at nacurious dito.

"Neargroup"

Sabi dito makakahanap ka daw ng pwedeng maging friends mo. Sa tingin ko dito ako makakahanap ng makakausap ko. Kailangan ko malibang dahil kahit magbreakdown ay nakakapagod na din gawin. Gusto ko lang ng may makakintindi sa akin, kahit isa lang okay na ako.

Pinindot ko ang "Chat Now"  maghahanap ito anonymously na bagay sa aking traits at malapit lugar kung nasaan ako nakatira.

At doon nagsimulang magbago ang takbo ng buhay ko.

The Secrets of TimeWhere stories live. Discover now