Flashback"Bea, sige na kasi ipaalam mo na ako kay mama. Alam mo naman na ikaw lang kilala niya na friend ko kaya papayagan talaga ako kapag ikaw kasama" pagmamakaawa ko sa kanya.
Kasi may lakad sana kami ni Jase sa park. Tapos na kasi exam week kaya panahon na para mag-unwind muna, wala naman problema kay Jase palagi naman pinapayagan iyon. Kaso ako hindi kasi as usual babae ako, salungat ang opinyon sa akin ng parents ko tuwing magpapaalam ako. Si papa papayagan niya ako basta uuwi sa tamang oras, kaso si mama hindi. Kaya balak kong gamitin si Bea syempre for good cause naman duh, isasama ko din naman siya. Sabi ko nga sa kanya ililibre ko nalang siya.
"Ay sorry madam sis, busy ako niyan tsaka date 'yan diba? Bakit ako magpapaalam para sayo? Gusto mo isumbong pa kita kay tita eh" sagot niya.
"Sige na kasi libre ko na lahat. Pamasahe, pagkain irereto pa kita doon sa mga dumadaan na poging lalaki. Please na? Minsan lang ito makakagala ka din naman."
"Okay fine, I surrender. Ipapaalam kita mamaya pag-uwian na natin. Pero kapag hindi ka pinayagan it's not my fault ha."
"Yes! Ofcourse thank you talaga! Hulog ka ni lord sa kanal" tawa ko.
"Nevermind, nagbago na pala isip ko sige magpaalam ka mag-isa mo"
"Ito naman joke lang, alam mo naman na takot ako magpaalam kasi kapag ako nagpaalam hindi ako papayagan. Kapag ikaw oo, minsan nga duda ako e ikaw ata anak ni mama."
"Siraulo malaki tiwala sa akin ni tita, kahit never ko sinabi sa kanya mga secrets mo. Pasalamat ka sa akin marunong akong manahimik." Pagyayabang niya.
"Oo na, sige na po. Balik na tayo sa room baka nandoon na si Mam Cheska. Masungit pa naman iyon buti nalang hindi ako nagpagiinitan"
"Sige, tara na!"
Bea and Acqua friendship are so unique. May mga pagkakataong nag-aaway sila o hindi kaya may mga bagay na hindi napagkakasunduan, ngunit sa huli ay pinapakinggan pa rin nila ang isa't-isa. Isa lang ang hiling ni Bea sa kanyang matalik na kaibigan, na sana hindi maalis yung masayahin Acqua na nakilala niya. Kasi doon niya lalong minahal ito, dahil nagdadala ito ng saya sa nga taong nakapaligid sa kanya.
After class pumunta na sila sa bahay ni Acqua para payagan itong gumala bukas. Alam naman ni Acqua na kahit strict ang mga magulang nito ay hindi pa rin siya matitiis. Binati na agad ni Bea ang mga parents ni Acqua pagkapasok nito.
"Hi, tito and tita goodmorning po!" Sabay bless sa kanila.
"Bea anak, napadalaw ka halika ka kumain ka muna" sabi ni mama
"Nako tita hindi na po, uuwi rin agad ako baka hanapin din ako nila daddy at mommy. Ipapaalam ko lang po sana si Acqua" sabi ni Bea.
"Acqua anong sinasabi ni Bea? Bakit hindi ka nagpapaalam sa akin"
"Chill ka lang tita, gagala sana kami bukas. Tapos na kasi exam kaya gusto rin namin magunwind ni bff"
"Ayusin mo pagpapaalam Bea baka madulas ka lalo akong hindi payagan" bulong ko sa kanya.
"Oh Acqua ano binubulong mo kay Bea ha" sabi ni mama
"Ay tita wala po iyon naglalambing lang yan sa akin si Acqua, hehe" sabi ni Bea sabay ngiti sa akin.
"Payagan mo na yan mahal si Acqua nagpaalam na sa akin iyan kahapon" sabi ni papa.
"Okay sige ako na naman talo, anong oras ba kayo aalis at saan kayo pupunta?" Sabi ni mama
"Ay tita mula umaga hanggang hapon kami, pupunta ho kaming intramuros ang tagal na din namin na balak iyon ni Acqua. Bukas lang ho matutuloy"
"Okay sige wag kayong magpapagabi, umuwi sa tamang oras. Marami pa namang kriminal sa labas"
"Bea anak, dito ka na maghapunan sa amin. Magluluto ako ng favorite mong fried chicken, mamamalengke lang muna kami ng tita mo. Maiwan muna kayo dito sa bahay" sabi ni papa.
"Sige papa, doon lang kami sa kwarto ni Bea gagawa lang kami ng assignment"
Pumunta muna sila Acqua sa kwarto at gumawa sila ng kanya-kanyang assignment nila. Pagkatapos ay napagdesisyunan nilang pumunta sa sala at manood muna ng movies at kumain ng meryenda. Hindi katagalan ay dumating na rin ang mga magulang ni Acqua. May baon pa itong dalawang zesto na alam na alam nilang favorite ito ng anak niya at ni Bea. Pagkatapos magluto ay naghapunan na sila, umuwi na agad si Bea dahil tumawag na ang mga magulang nito at nag-aalala. Pinaalam ni Acqua kay Jase na papayagan siya ng kanyang magulang na gumala bukas.
Ako:
Love, pinayagan na ako nila mama at papa. Kasama natin bukas si Bea, pasenya na ha baka kasi kapag hindi natin isama baka magalit sila at magduda.Jase:
Okay lang naiintindihan ko mga parents mo. Alam kong bawal itong ginagawa natin, pero wala naman akong masamang intensyon sa iyo.Mahal na mahal kita, sana alam mo iyan.
Ako:
Oo naman love, alam ko iyon hindi naman kita sasagutin kung hindi ko nararamdaman na mahal mo din ako.Hayaan mo hahanap ako ng paraan para maipakilala ka. Sorry talaga.
Jase:
Huwag mo akong intindihin ayos lang ako. Pinasok natin itong dalawa. Responsibilidad na rin kita mula noong naging tayo.Ako:
Ang swerte ko talaga sayo love, naaantok na ako love. Tulog na tayo aalis pa tayo bukas.Goodnight, ily.
Jase:
I love you too, baby.Maaga akong nagising at naligo dahil susunduin ako ni Bea dito sa bahay. Syempre siya lang mag-isa magpapakita kasi ang paalam lang naman namin ay kami ang gagala, walang kasamang iba.
Pagkatapos kumain ay nagbihis lang si Acqua ng croptop at maong na shorts, tutal bagay naman dahil mainit ang panahon ngayon. Naglagay din siya ng konting powder at liptint. Nagchat nalang siya kay Jase na magdala ito ng payong baka sakaling umulan at mabasa sila kaso walang reply ito. Baka siguro nag-aayos na rin ito. Kumain lang ng almusal si Acqua at saktong pagdating ni Bea.
May nagdoorbell sa pinto baka si Bea na ito, mas excited pa ito sa akin. Kahit alam niyang thirdwheel lang siya ay masaya pa rin siya dahil ililibre ko din naman siya. Kahit gumagala kami ng ganito ang mga pera na ginagamit ko naman ay iyong mga naipon ko na binabaon sa akin nila mama at papa. Pero ngayon nagulat nalang ako ng iwanan nila ako ng pera, nakalagay sa taas ng refrigerator namin akala ko naman pambayad sa bills dahil 1,000 pesos ito.
Dear Anak,
Deserve mo rin magpahinga, salamat sa pagiging masipag at mabait na bata. Ito konting pabaon namin ng papa mo, sana mag-enjoy ka. Mag-iingat kayo ni Bea at umuwi sa tamang oras.Nagmamahal,
Mama"Ano tara na?" excited na sabi ni Bea
"Tara na!" sabi ko
Umalis na kami at simula na ng adventure time.
YOU ARE READING
The Secrets of Time
General FictionSi Acquatte Arison ay isang simple at magandang babae. Mahiyain siya ngunit madali naman maging kaibigan. Sa kabila ng lahat hindi niya akalain na mahuhulog siya kay Sentinel Montero, ngunit sinaktan siya nito. Nagbago ang takbo ng buhay niya at hin...