Pagkatapos ng announcement na 'yon ay nagpraktis na agad kami. Kinuha muna namin ang nga upuan sa bodega at dinala ito malapit stage. Kami talaga ang naka-assign dito dahil pilot section kami.
Kahit ngayon nag-aayos kami ay lumilipad pa rin ang isip ko. Kaya ayon nabangga tuloy ako.
"Aray" sabay hawak ko sa braso ko.
Ang tanga ko talaga kahit kailan, grr. Focus Acquatte focus.
"Sorry Ralh lutang lang" sabi ko sa kanya. Habang tinitignan kung nadumihan ba ang uniform ko.
"Okay lang te, mag-iingat ka sa susunod ha. Okay?" sagot niya sa akin.
Tumango na lang ako at ngumiti.
Pagkatapos maayos lahat ng upuan tinawag na kami isa-isa upang malaman kung saan kami uupo.
Naupo agad ako noong tinawag na ako ngunit hindi ako mapakali na nasa gilid ko lang si Sentinel kaya sulyap lang ako ng sulyap.
10 days din namin na-practice ang ganoong routine para kami na lang ang maguguide sa mga parents namin.
Pagka-uwi ko ng bahay dumiretso agad ako sa kusina upang kumuha ng tubig, grabe pagod na pagod ako. Wala pa akong kain mula kanina, wala naman kasing matinong pagkain sa canteen puro matitigas na kanin.
Pagkatapos noon ay nagbihis ako at naghanda ng makakain ko.
Ito na naman tayo hays, wala akong maisip na uulamin. Tiningnan ko yung kaldero namin kung may natira pa na kanina mula kaninang umaga.
Kaso malas wala talaga ubos na ubos.
Kaya naisipan ko lumabas at bumili sa tindahan ng lutong ulam.
Hmmm, ano kayang masarap bilhin?
Meron ditong menudo, sinigang na baboy, pakbet, bicol express tsaka tokwa't baboy.
Ayon nalang ang aking super favorite ang tokwa't baboy. Bumili na din ako ng kanin para hindi na ako magsaing.
"Ate pabili nga po, isang order po ng kanin tsaka tokwa't baboy bigyan niyo nalang po ako ng libreng sabaw ha"
Ngiting sabi ko kay ate habang nagsasandok. Masarap kasi yung libreng sabaw nila dito kaya palagi akong nanghihingi. Pagkabigay niya ay inabot ko na agad ang bayad at umuwi na ulit sa aming bahay.
Pumunta muna ako ng kusina upang kumuha ng pingga, kutsara at lagayan ng ulam, gutom na gutom na talaga ako.
Pagkabalik ko sala ay inilipat ko na agad ang mga binili ko. Habang kumakain naisipan kong magcellphone at mag-scroll sa facebook.
Wala pa din ganap puro shared post pa rin yung mga kaklase ko.
Pagkatapos ko kumain ay naglinis na rin ako na bahay dahil wala akong magawa naglaro din ako sa aking phone hanggang hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.
Nagulat ako ng biglang tumunog ang messenger ko, gabi na din pala ang bilis ng oras.
Nagchat pala si Jace. Nangangamusta kaya naisipan kong tumawag sa kanya.
Dialing*
"Jaceeeee, kamusta naaa?" sigaw ko sa kanya.
"Grabe naman ito makasigaw, miss mo ko no?" pang-aasar niya.
Natahimik ako sandali.
"Andyan ka pa ba? " tanong niya.
"Oo naman, nandito ako syempre" sabay on ko ng aking camera.
Ganto naman gawain namin gabi-gabi kaya sobrang sanay na kami sa isa't-isa. Kaya please God I don't wanna lose him.
Nagtatakip pa ako ng kamay kasi nahihiya ako. Paano kasi naka off-cam siya. Pabebe pa ang walang hiya.
"Hoy jace, kaltok ka sa akin mag on ka ng cam gusto kita makita bili" sabi ko habang natatawa
Nag-on nga ng cam black naman nakikita ko. Grabe na ito sa akin nang-aasar talaga.
"Jace naman ang unfair e bilis na" pagreklamo ko.
"Ito na nga" sabay kuha ng phone at nilapit niya sa mukha niya.
Ang pogi niyang tignan nakasuot siya ng hoodie at nakasalamin pa with matching messy hair.
"Nakatulala ka na naman sa kagwapuhan ko" tawa niya.
"Ikaw gwapo? Saan banda ha?" pang-aasar ko sa kanya habang natatawa.
"Sa pwet siguro? Tignan mo?" sabay tawa ng walang hiya.
"Ayoko nga kadiri, ew. May ikwekwento nga pala ako sa'yo kasi kaya ako tumawag nakakatamad kasi magtype" sabi ko habang yakap yakap yung unan ko.
"Ano ba yon? Ah, alam ko na yan acqua sa itsura mo pa lang alam ko na kung sino yan. Si Sentinel ulit no?" sabay tingin sa akin ng seryoso.
"Kilala mo na nga talaga ako. Oo, siya na naman kasi naman magkasunod yung pangalan namin sa list of honors hindi ako mapakali pag katabi ko siya naiilang ako." reklamo ko.
"Hayaan mo nalang kasi wag mo ng pansinin" sabi niya.
"Paano naman kasi kahit papaano may nararamdaman pa rin ako sa kanya, tsaka hanggang ngayon masakit pa rin eh. Hindi ko pa rin kaya." malungkot na sabi ko.
"Alam mo okay lang yan, makakalimutan mo din siya andito lang ako always para alalayan ka, remember?" sabay ngiti niya sa akin.
"Wag mo kong iiwan ha?" sabi ko habang naka pout.
"Oo naman kahit nakakasawa muka mo hindi kita iiwan" tawa na naman.
"Tara gala nalang bukas? Treat ko." pag-aya niya.
"Nahihiya ako first meet natin bukas" sabay takip ko ng unan.
"Ako lang 'to acqua sa akin ka pa nahiya, alam ko na lahat ng kadramahan mo sa buhay." sabi niya.
"Okay sige fine, sa sm nalang tayo mag meet mga 1 pm." sabi ko.
"Okay sige matulog na tayo, end ko na yung call goodnight. I love you, call ka lang kapag inatake ka ng anxiety." sabi niya bago patayin ang call.
"Pakyu too" sabi ko sabay tawa then end ng call.
Yes, ganyan kami ka comfortable sa isa't-isa. Simula noong nakilala ko siya may nakaksama na ako sa tuwing inaatake ako ng anxiety. Hindi na rin ako katulad dati na sobrang takot. Mas naging kampante ako kasi andyan siya. But sometimes may mga time na naiisip ko na "Paano kung iiwan niya din ako?" hindi ko alam kung makakaya ko pa. Siguro kung darating ang time na 'yon kailangan kayanin ko.
Kaya dapat from now on kailangan ko na makamove-on kay Sentinel to love myself more. I erase all the memories of us together. At ayoko ng balikan pa iyon. It hurts me a lot.
I should stop thinking about him
And I should sleep too also, kasi may gala pa kami bukas.
YOU ARE READING
The Secrets of Time
General FictionSi Acquatte Arison ay isang simple at magandang babae. Mahiyain siya ngunit madali naman maging kaibigan. Sa kabila ng lahat hindi niya akalain na mahuhulog siya kay Sentinel Montero, ngunit sinaktan siya nito. Nagbago ang takbo ng buhay niya at hin...