I was in good mood noong gumising ako, tutal wala naman sila mama nagsaing muna ako bago maligo at syempre ang routine ko ay kumanta sa loob ng bathroom kaya napatagal ako.
Sakto paglabas ko nag warm na yung rice cooker, nagbihis muna ako then nagluto ako ng ulam. Hobby ko talaga ang magluto sa totoo lang I find comfort with it. Sa tuwing nalulungkot ako nagluluto ako lahat ng sama ng loob ko nilalabas ko doon sa ulam kaya ayon nagiging masarap. Di niyo kaya 'yon!
Kapag mga ganitong panahon na mag-isa lang ako pagkagising ko minsan napapatanong nalang ako. Kailan kaya ulit ako makakaranas na pagkagising ko may pagkain na, yung tipong sasabihin nila na "anak gising na kakain na" those days na memories ko from my childhood is onti onti ng nagfafade away sa akin.
Bata pa lang ako sa school I'm introvert. Wala akong makausap feeling ko distant sila lahat sa akin. Minsan nga nasasabi ko sana kasing talino din niya ako, para naman napapansin. Lumaki ako na tahimik ang buhay ko. Until noong Grade 4 ako nagbago ang takbo ng buhay ko. Lagi akong pilot section simula noong nag-aaral ako, hindi ko akalain na magiging hetero ako sa pag transferred ko noon. And I was so afraid, I was an outcast, tahimik at hindi nagrerecite sa dulo.
Until someone approaches me her name was Jade. That moment I feel belong, love and appreciated. Nakilala ako ng mga classmates ko at teachers ko. Naging president ako ng class and then umabot pa sa naging Rank 1 ako ng aming klase. Those moments sa buhay ko ay hindi ko makakalimutan dahil doon ako nagsimula magpakilala at i-open ang sarili ko sa mundo.
Sakto pagkatapos ko kumain ay dumating na si Jase. Simula noong dumating si Jase sa buhay ko palagi niya pinaparamdam na mahalaga ako at kamahal-mahal ako. After all my dramas, he was the one who always comfort me. Ibang-iba ako sa Acqua na kilala ng ibang tao, kay Jase lang ako ganito dahil para sa akin I was safe pag nandyan siya. Pagkatapos ko magsuot ng cap at maglagay ng konting foundation and liptint bumaba na ako.
"Nux naman sa po ang punta natin mayora?" sabay tawa ni loko.
"Ito talaga lahat nalang napapansin! Hindi mo nalang sabihin na nagagandahan ka sa akin eh" sabay pa cute ko habang natatawa.
"Ngayon ka lang maganda, okay sige pagbibigyan kita. Tara na alis na tayo ako magdadrive ng kotse niyo." sabay salo niya sa hinagis ko na susi.
Habang nasa biyahe kami, nag-connect ako sa bluetooth ng kotse namin tapos pinatugtog ko ang favorite kong kanta ni Taylor Swift na "RED". Papunta kami ng Enchanted Kingdom syempre advance gift niya sa akin kasi with high honors ako bukas sa recognition. Kaya road trip na rin from Rizal to Laguna.
Playing - Red by Taylor Swift
"Loving him is like driving a new Maserati down a dead-end street
Faster than the wind, passionate as sin, ending so suddenlyLoving him is like trying to change your mind once you're already flying through the free fall
Like the colors in autumn, so bright just before they lose it all"
Habang nakikinig ng kanta nakadungaw ako sa labas at nagpapahangin ang sarap talaga mag-unwind after lahat ng mga ganap sa school.
"Losing him was blue like I'd never known
Missing him was dark grey all alone
Forgetting him was like trying to know somebody you never met
But loving him was red"
(Red, red)
(Red, red)
Loving him was red
(Red, red)
(Red, red)It was a long ride hindi ko alam na nakatulog ako kanina naramdaman ko nalang na may kumakalabit sa akin si Jase.
"A, gising na nandito na tayo. Kain muna tayo nagugutom na ako e" sabay pout niya.
Bumili lang kami ng burger at tubig, ayoko kumain ng marami baka masuka ako sa mga rides nakakahiya naman kung ganoon nga ang mangyayari.
"Tinulugan mo ko kanina ha, imbis na kausapin mo ko habang nagbyabyahe aba tinulugan ako. Feeling ko tuloy ako lang mag-isa" reklamo niya.
"Hirap nga ako makatulog diba? Hindi ko na alam kung anong oras ako nakatulog kagabi. Kaya nga feel ko pagod na pagod ako ngayon" sabi ko habang nakatingin sa mga taong dumadaan.
"Ano? Uwi nalang tayo magmovie marathon nalang tayo sa bahay niyo? Okay lang naman sa akin, para naman makapagpahinga ka." sabay hipo niya sa noo ko kung okay lang ako.
"Ano ka ba, okay lang ako pagod lang talaga" sabay hampas ko sa kamay niya.
"Tsaka duh, ngayon mo lang naisip yan kung kailan nandito na tayo dapat kanina mo pa sinabi psh. Sayang pagdadrive mo kaya sulitin na natin ito."
Yung pag-aalala niya sa mukha niya ay napalitan ng ngiti sabay hila sa kamay ko. Papunta sa unang ride na sasakyan namin.
Ang una namin na sinakyan ay ang bump car ngunit pagkatapos namin doon ay nabwibwisit ako sa kanya. Paano ba naman kasi wala ginawa kung di banggain lang ako ay grabe talaga kung legal lang pumatay. Papatayin ko na agad itong nasa harapan ko.
"A, ano ba HAHHAHAHAH ang panget mo doon kanina" sabay tawa niya ng malakas
"Alam mo sige asarin mo ako, uuwi talaga ako mag-isa dadalhin ko yung kotse di ka talaga makakauwi, J" sabay walk-out ko.
Bakit nga ba ako sumama dito sa lalaking ito? Pasalamat siya bestfriend ko siya. Nagulat ako kung sino yung umakbay sa akin, siya lang pala.
"As if naman na kaya mong dalhin yung sasakyan, minor ka pa hoy!" sabay tawa niya.
Nagwalk-out si Acqua sa harap niya pero hinabol niya ito.
"Sorry na, A. Promise di na ako mang-aasar" sabay ngiti at taas ng kamay.
Lumipas ang oras at nag-enjoy lang kami napasyahan muna namin umupo mga bandang hapon upang magpahinga bumili din siya ng makakain. At naiwan ako dito nagsscroll sa aking phone. May biglang lumapit sa akin na stranger na lalaki.
"Hi, miss may kasama ka? Tara sakay tayo ng mga rides." sabi niya.
Hindi ko siya pinansin, hindi ko naman siya kilala so why entertain him, right? Inulit niya pa yung sasabihin niya at balak akong hawakan. Ngunit napatayo ako dahil bago ako hawakan ng lalaki nahila na ako ni Jase sa likod niya.
"Sorry to interupt, pero magkasama kami pwede ka ng umalis" pagkakasabi niya na may halong galit. Na walk-out lang yung guy, tapos ako naman nakatunganga lang kay Jase.
"Hoy! A ayos ka lang ba? Hindi ka ba sinaktan ng loko na yon? Sabihin mo yung totoo sasapakin ko yon!" galit na sabi niya.
"Chill lang J," sabay yakap ko sa kanya. "Alam ko naman na walang mangyayaring masama sa akin basta nandyan ka, okay lang po ako" sabay kalas ko sa yakap namin tapos ngiti sa kanya.
He is always like that he is so caring and super generous sa lahat. Kaya nga naging mag-bestfriend kami. Tsaka siya ang pinaka understandable na person na nakilala ko.
"Okay fine, basta don't talk to strangers lalo na kapag katulad ng mga ganoon" sermon niya sa akin.
After namin kumain sumakay pa kami ng iba pang mga rides at di namin namalayan na 5pm na pala, kaya nagpasya na siyang umuwi kami dahil bawal akong abutan ng dilim sa labas.
Pagkasakay namin di ko namalayan na nakatulog pala ako. Nakaramdam nalang ako na binubuhat niya papuntang kwarto at nilapag ako sa kama ko. Paalis na siya ngunit nahawakan ko yung kamay niya.
"Jase huwag kang aalis ha, huwag kang mawawala sa akin di ko kakayanin" a tear escape in my eyes.
Sana hindi ito panaginip, sana nga nasabi ko sa kanya iyon. Dahil hindi ko talaga kakayanin kapag nawala siya akin.
YOU ARE READING
The Secrets of Time
Fiksi UmumSi Acquatte Arison ay isang simple at magandang babae. Mahiyain siya ngunit madali naman maging kaibigan. Sa kabila ng lahat hindi niya akalain na mahuhulog siya kay Sentinel Montero, ngunit sinaktan siya nito. Nagbago ang takbo ng buhay niya at hin...