Chapter X

7 1 0
                                    

This week was so tiring wala akong ginawa kung din magreview, magsagot ng activities at gumawa ng mga project. Honestly, drain na drain na ako di ko akalain na itong kinuha kong course is papatay sa akin. Jusko, hanggang gabi dilat yung mata ko. inawagan ko si Bea dahil nagcracrave ako ng unli wings deserve ko din naman magpahinga diba?

"Bes"

["Oh bakit? May problema ba? Sino yan abangan natin?"]

"Kalma ka lang" sabay tawa ko. "Gusto ko kasi ng unli wings tara meet tayo, dito sa may kabilang street masarap daw doon".

["Okay, give me 5 minutes andyan na ako, bye!"]

"Bye" sabay hang up ko ng phone.

Habang hinihintay ni Acqua si Bea nagbihis muna siya para magmemeet nalang sila sa labas. Simple lang ang ayos niya jeans with matching black t-shirt na plain. Konting lagay ng foundation then liptint ang pati sa kanyang cheeks ay nilagyan niya din. Sinuklay lang nito ang kanyang curly hair at nilugay. Kahit ganyan lang ang ayos niya talaga hindi magpagkakailang napakaganda niya, kaya nga sa tuwing lumalabas ito ay nakakaagaw atensyon siya.

"Yow, sup gurl! Buhay ka pa pala? Ngayon ka lang ulit nagparamdam ah" bigla yakap niya sa akin.

"Nabusy lang sa school, madami kasing school works e, pasensya na" lungkot na sabi ko.

"Ano ka ba! Okay lang iyon ako din naman kaya nga nakakatamad na mag-aral e. Dami pang pinapagawa ng mga teachers namin, hays. Wala na tuloy ako time para gumimik"

"Actually kaya talaga tinawagan kasi may ikukuwento ako sayo, wag kang mabibigla ha"

"Ay bet ko yan, exciting part ba yan? Ilabas mo na yan"

"Kasi last week palagi kong nakikita si J, tapos nitong mga week hindi na nakakapagtaka lang. Hindi kaya umiiwas siya dahil sa akin?"

"Whaaaaaaaaaaaat? Si J ba is Jase? Seriously?"

"Yes, actually gusto ko siya kausapin kasi baka akala niya sinasadya ko palagi pumunta doon sa may cafeteria. Kaya siguro lumalayo siya, and also I want to clear things out"

"Bakit mahal mo pa?"

Nabigla si Acqua sa tanong na iyon, matagal na niyang hindi naririnig ang salita na iyon simula noong naghiwalay sila ni Jase. Kahit papaano matagal ang pinagsamahan nila hindi lang bilang maging nobyo kung din bilang matalik na kaibigan din.

Mahal ko pa ba siya? Sa totoo lang hindi ko alam. Mula noong nakita ko siya ko doon sa cafeteria. Maraming akong naramdaman, pero hindi ko masasabing pagmamahal iyon. Puro sakit at awa ang naramdaman ko sa araw na iyon

"Hindi na kaya, ano ka ba? matagal na kaming hiwalay" mapaklang ngiti niya.

"Edi kausapin mo ulit, kapag nakita kayo sabihin mo na lahat. May karapatan din naman siya malaman" payo niya kay A. "Alam ko kahit sa akin hindi mo pa din sinasabi ang lahat na nangyari sayo, pero sana sa kanya A sabihin mo. Baka kasi mahuli na ang lahat bago mo pa masabi" seryosong sabi ni Bea.

 Baka kasi mahuli na ang lahat bago mo pa masabi" seryosong sabi ni Bea

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Bago siya umuwi naisipan niyang pumunta sa bahay nila Jase. Nagulat at doon pa rin ito nakatira napakadami din nilang memories sa bahay na ito kasama ang mga magulang ni Jase. Ngunit naabutan niya lang ang daddy nito at sinabing wala si Jase, baka raw naroon ulit sa cafeteria nag-aaral. Pumunta muna siya sa cafeteria upang malaman kung nandoon nga. Tama nga nandito siya nandoon sa sulok nagbabasa.

He never change, he still reads a book. Akala ko babaguhin niya ang ganitong gawi dahil ako ang nagimpluwensiya sa kanya magbasa. Kahit nandoon lang siya sa sulok ay napaka attractive na niya tignan. Handsome as ever, kaso yung mga mata niya ay hindi na kasing saya dati. Tanging malamig na tingin lamang ang tinapon niya sa akin.

Hindi aakalain na makikita ni Jase dito sa Acqua. Dahil alam naman niyang hindi ito pumpunta ng ganitong araw ngunit nabigla siya ng pumasok ito at titigan siya, ngunit tinapunan niya lang ito ng malamig na tingin. Aalis na sana siya ng hawakan siya nito sa braso.

"Jase, let's talk" seryosong sabi ko.

"Ano pag-uusapan natin Acqua? Wala na diba? Umalis ka nga ng hindi ako kinakausap tapos ngayon babalik ka? Sana hindi ka nalang bumalik pa. Wala na akong pakialam sa iyo matagal na" sabi niya at tinanggal ang kamay ko sa braso niya at iniwan ako doon ng tulala.

Umuuwi agad si Acqua at doon lumabas ang mga luha na kanina pa niya pinipigilan. Hindi niya alam na ganoon pala kasakit din sa kanya ang mga nangyari noon. Siguro nga tama si Bea baka huli na ang lahat para sa kanya ngayon. Sa kakaiyak ni Acqua nakatulog nalang siya at hindi namalayan kung anong oras na.

Bumangon na siya mag-aalasais na ng gabi dahil sa nakaramdam na rin siya ng gutom. Pagdating niya nandoon na ang kanyang mga magulang. At katulad ng dating kailangan na naman niyang pagpanggap na okay lang siya.

"Nandyan na pala kayo, ma at pa" sabi ko.

"Oo nak tapos na magluto ang papa mo, tara na kumain na tayo" sabi niya habang nagsasandok ng ulam at kanin. Habang si papa naman ay gustong manood ng tv habang kumakain.

Habang kumakain nagsalita si papa.

"Umalis ka daw kanina, saan ka galing?" seryoso niyang tanong kasabay ang mga tunog ng kutsara at tinidor namin.

"Nakipagkita lang po ako kay Bea pa, kumain din kami sa labas" sagot ko.

"Kung ganoon, bakit parang namamaga yang mata mo at matamlay ka?"

Hindi muna ngayon pa, ayoko muna pag-usapan ang mga nangyari kanina. Pasensya na.

"Akyat na po ako sa taas, marami pa po akong assignments na gagawin" niligpit ko ang plato ko tsaka pumasok na sa kwarto. Sa totoo lang ayoko lang talaga pag-usapan kung ano ang nangyari kanina. Masyado akong naapektuhan sa ginawa niya sa akin kanina pero kailangan ko talaga siyang makausap.

Hindi ako matatamihik kung alam kong may sama pa rin siya ng loob sa akin. Dahil bago naman kami naging magkarelasyon, naging matalik na magkaibigan muna kami. At lahat iyon ay nasaksihan ni Bea kaya sa ngayon siya pa lang ang nakakaintindi sa sitwasyon na kinalalagyan ko.

JASE POV

Lahat ng sinabi ko noong nakaraan ay kinain ko. Hindi ko na pala kayang makita doon siya araw-araw para kasing nanadya yung tadhana, hindi ko naman siya pwedeng pigilan na pumunta dito dahil hindi naman sa akin itong cafeteria. Kaya sa tingin ko ako nalang iiwas kung ganoon. Napagsalitaan ko tuloy siya ng masama, hindi ko naman sinasadya pero noong araw na iyon kasi, alam kong gagawin niya iyon. Kaso sa ngayon wala pa akong panahon para makinig sa kanya. At kahit ako hindi ko kayang iharap ang sarili ko sa kanya.

Mayroon talagang pagkakataon sa buhay natin na mas pinipili nalang natin na umalis kaysa lumaban, dahil natatakot tayo sumugal sa mga bagay na hindi tayo sigurado at makakasakit sa atin at sa mga taong minamahal natin. Ngunit kapag nagmamahal ka kahit nakakatakot at kahit gaano pa kasakit, ipaglalaban mo ito dahil ito ang magpapasaya sa iyo.

The Secrets of TimeWhere stories live. Discover now