"hoy, galit kana nyan?" diko parin pinapansin ang sinasabi nito. Mabilis akong naglalakad pero nakakahabol parin sya kahit na patalikod syang naglalakad.
"Akala ko ba sumpa ka? don't tell me nawala na? sa bagay, ganito ka-gwapo ba naman makikita mo kayt sumpa kusang maglalaho." mayabang na sabi nito. Tinaasan ko lang sya ng kilay.
"Ano ang sumpang meron ka?" pag-iiba ko ng usapan. Bago makaalis kanina sa palasyo ay nakausap ko pa si gramps, ang hari at reyna pati yung dalawang prinsesa. Alam nila kung bakit ako napunta dito dahil sinabi iyon ni gramps.
And scratch the gramps-dahil kamukha nya lang si gramps at alam kung bakit ako nandito. I also knew that he's the head priest simula ng mawala si Lady Amaris. Nag-aalala din sila sa misyon, lalong lalo na ang reyna.
Pag hindi naging matagumpay ang misyon, malaki ang posibilidad na di ako makabalik sa kasalukuyang panahon.
Marami din akong nalaman tungkol sa sumpang sinasabi ni gramps at ni Lord Yuki.
Si Lady Amaris ang may gawa ng sumpa sa babaeng nakita ko sa kwarto ko. At ang babaeng yun, sa kanya nagsimula ang sumpang pinagdusahan ng mga ninuno ko. Di alam kung anong dahilan at naiwan ang sumpang iyon. Ang sumpang di pagkakaroon ng emosyon. And the cursed passed to next generation again and again. Nasa loob ako ng isang mahabang panaginip. Isa sa rason kung bakit ako nandito ay para alamin ang dahilan ng digmaan sa panahon na ito.
"Haist, mga babae nga naman." nabalik ako sa ulirat ng magsalita na naman ulit ito. Ang totoo nyan, di naman talaga ako nagagalit o naiinis. Nagpapanggap lang akong ganon.
Naglalakad kami ngayon sa loob ng kenishan. Binigyan kami ng pahintulot para pasukin at suyudin ito. Kahit noong nasa kasalukuyang panahon ako ay palaging pinagbabawalan ang sino man ang pumasok. Kaya wala ring nakakaalam kung ano ang loob nito.
"I don't even know what exactly what this curse is, ni diko alam na meron palang iniwang sumpa ang babaeng yun. Ang huling natatandaan ko ay ang pagpana nya sakin, then, nagising na lang ako nung hinalikan moko." di ako nakapagsalita sa sinabi nito. Nang tumingin sya sakin ay bigla itong tumawa ng pagkalakas-lakas. Tinaasan ko sya ng kilay.
"Grabe yang sumpa mo a, kinikilig ka don?" manghang tanong nito.
"I'm not," di naman kasi ako kinikilig. That's bullsh*t.
"Bat ang pula mo? Nahiya kamatis sa pagmumukha mo oh."
He teased. I just rolled my eyes on him. Di rin namin kasama si Nikael. Diko narin napansin ang pag-alis nito. Ni kung saan man ito tumungo."Pano nga ba natin hahanapin yon? may alam ka ba?" tanong nito sa akin. Napakamot na lang ako sa ulo ko.
"Makikinig ka na nga lang dimo pa magawa ng maayos. Gramps already discuss about how, mister." I sarcastically said. He pouted.
Gramps said na hanapin ang isang bulag na pari na nagngangalang Lorde, sya ang may alam kung saan ang posibleng kinaroroonan ng tatlong singsing.
Pero kanina pa kami nasa loob ng kagubatang ito pero wala parin kaming nararating. Same threes na diko alam kung may katapusan pa ba talaga. Literal endless forest ugh!
"Can we stop here?" malapit naring mag-gabi, ni di pa kami nakakain. Di rin ako ginugutom pero kanina pa tumutunog ang tyan ko.
"Pagod ka na?" gulat na tanong nito. I mocked him.
"Duh? I'm sweating, malagkit na ang katawan ko." kanina parin ako nanlalagkit sa bandang leeg ko. Inalis ko ang boots ko para makahinga naman ang paa ko. Napatunghay ang mukha ko ng makita kong umupo si Theon sa harap ko. Nakatalikod ito sa akin at nakatukod ang tuhod sa lupa.
YOU ARE READING
Cursed Amaris (✓)
FantasyThis is the story of a 15 years old royal blooded Amaris Hagashi. She's known being the emotionless princess of the Hagashi Kingdom. 29th of November, the day she's gonna turn 16, and the day her world would change in a snap. All her life of existan...